Dear Kuwaderno,
Kuwaderno, nakakamangha pala talaga ang mansyon na ito! Kung magara na yung kwarto na pinaghiningaan ko, mas magara yung salas, yung kusina at ibang parte ng bahay! Ang saya! Sa probinsya kasi puro gawa ng mga puno ng niyog at kubo ang mga kabahayan doon kaya minsanan lang ako makakita ng magarang bahay kapag lumuluwas kami ng bayan.
Tsaka nga pala kwaderno, nakilala ko si Madame Josefa, ang nag mamay ari ng mansyon na ito at alam ko na rin pala kung ano ang nangyari sa akin. Nakita daw nila ako na tumatakbo na parang may humahabol sa akin at ng lapitan nila ako, bigla daw akong nahimatay. Nagtaka nga sila kung bakit daw puro galos at sugat ang katawan ko, ginahasa ba daw ako kaya sinabi ko sa kanya kung bakit ako tumakas.
Kwaderno, alam mo ba, abala ang mga tao dito sa mansyon. Tinanong ko nga kung may piyesta ba kasi ang daming handa pero tinawanan lang nila ako. Sa amin kasi pag piyesta, maraming handa tsaka may mga nakasabit pa na makukulay na banderitas! Teka, ano ang maitutulong ko kwaderno? Ah alam ko na! Magsasabit ako ng mga banderitas sa mansyon para naman maging kumpleto ang pagdiriwang at tsaka maging makulay rin ang piyesta dito sa mansyon!
Matulungin at maghahanap ng mga makukulay na papel,
Noura
YOU ARE READING
Diary Ng Isang Ligaw na Noura
AcakSamahan si Noura maglakbay sa isang makabagong mundo na puno ng hindi niya maintindihang bagay. Maligaw kaya siya sa makabagong mundo o maliligaw siya sa puso ng isang lalaking walang modo?