CHAPTER 16

4.4K 97 11
                                    

"JUST stay...here beside me."

"Bababa ako para kumuha ng kakainin na'tin at para makainom ka na 'rin ng gamot."

Hindi mabitaw bitawan ng binata ang mga palad niya. Kahit na pareho ng pawis ang mga palad nila dahil sa init nito, hindi man lang siya pinakawalan ng binata.

Kanina niya pa ito pinipilit na bitawan na siya para makakuha na ng pagkain nila pero masyadong matigas ang ulo nito.

"Bitaw na, kailangan mo nang kumain at uminom ng gamot para gumaling ka na."

"Dito ka lang..kase.."

Napakunot ang noo niya sa takot na dumaan sa mga matamlay na mata nito.

"Bakit?" Ayon ang nasambit niya.

Bumuga ito ng malalim na hininga, bigla namang nagtaasan ang mga balahibo niya ng magtama ang hininga nito sa likod ng kanyang palad.

"Kakausapin mo..pa naman ako 'pag balik mo di'ba? Kasi kung pag balik mo at 'di mo na naman ako kakausapin.. 'Wag kana lang umalis sa tabi ko. Wala akong pake..kung magutom man ako o hindi gumaling.." Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa palad niya. "Just stay..with me."

Pinipiga ang kanyang puso dahil ramdam niya ang sakit nito. Kagat-labi siya habang inaayos ang buhok nitong nakatabing sa namumula nitong noo.

Kahit may sakit ito ay siya pa 'rin ang inaalala nito..hindi niya maiwasang makaramdam ng paninikip ng dibdib..

"I'm sorry for not talking you. But..please now, don't be selfless. Kailangan mong magpag-"

Pagak itong tumawa."Ayoko nang gumaling." mahina pero may diin nitong aniya.

Pinakawalan nito ang palad niya saka tumalikod. Napabuntong-hininga na lamang siya at tumayo para lumabas, agad siyang natigilan sa sinabi nito.

"Huwag ka nang mag-aksaya ng pagkain dahil hindi 'rin naman ako kakain."

Napapikit siya ng mariin doon at agad humarap dito, nakatalikod pa 'rin ang binata.

"I'll talk to you wether your sick or not okay?" Hindi siya nakakuha ng sagot sa binata. Nanatili lamang itong nakatalikod.

Agad siyang umupo sa tabi nito.
"Maki-operate ka naman o! Nag-aalala ako sa'yo. Kailangan ko ng konsiderasyon mo para gumaling ka agad.." Unti-unti itong humarap sakanya habang kunot ang noo.

Napanguso naman siya."I miss my talkative driver. Kaya kailangan mo nang magpagaling agad."

Pagak ulit itong tumawa. "Driver lang talaga ang tingin mo sa'kin. Wow!" Sarkastikong ani.

Ngumiti lang ako at nagpatuloy.
"I miss your laugh and smile. I miss your playful eyes, ayoko sa matamlay na nakikita ngayon.. I miss my evil tease driver...i miss you.." Mahina pero alam niyang narinig ito ng binata.

Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob na sabihin iyon kay Dreitre..plano niyang hindi iyon sabihin dito pero agad 'yon nabuwag. Napapikit na lamang siya ng mariin ng ngumisi ito. Oh god! That killer smile again!

She feel her blood boiling on her cheeks..his narrowed eyebrows became normal, she can see that he playfully grin at her.

Oh god! Gusto niya nalang mapatampal sa noo sa madaling pagbabago ng mood nito. He's bipolar!

Agad niyang idinako ang mata sa pinto ng may kumatok dito.. Kung sino ka man, thank you! Umalingawngaw ang boses ni nay Elena sa labas.

"Sasha, anak."

Agad naman siyang tumayo pero pinigilan agad siya ng mainit na kamay na nakahawak sakanyang braso. Agad niyang ibinaling ang mata dito, namula lang lalo ang pisngi niya ng nakangisi pa rin ito.

Finally...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon