KA-AALIS pa lamang ng kanilang magulang. Chineck ng mga ito ang binata na ngumingisi lamang sakanila para masigurado silang ayos lamang siya.
Pero alas-onse ng gabi ay nagising siya dahil ramdam niyang may gumagalaw sa harap niya. Nataranta siya ng makitang nanginginig ito kahit na balot na balot naman ng makapal na kumot.
"D-dreitre.. D-dreitre." Natataranta niyang tawag dito. Hinawakan niya ito sa noo, naalis niya agad ang palad pero ibinalik din. Mas mainit ito at kita niya ang mas lalong panginginig nito.
Agad niyang kinuha ang thermometer para ilagay sa kili-kili nito.
Pagkatapos ay inayos niya ang kumot nito. Pagkalipas ng isang minuto ay kinuha niya ang thermometer na kaninang inilagay niya sa kili-kili nito, mas lalo siya nataranta dahil mas pa tumaas ang lagnat nito.
Hindi niya alam kung anong unang gagawin niya. Nag-aalala siya ng sobra sa nanginginig na binata.
Napaigtad siya ng hawakan nito ang nanginginig din niyang kamay, unti-unting itong nagmulat at ngumiti.
"I'-i'm o-okay." Inabot nito ang pisngi niya. "Sssh..don't cry."
Napahawak din siya sa sariling pisngi at nakompirma nga niyang umiiyak siya.. Mas lalo lamang siyang napaiyak.
Huminga siya ng malalim at pinigilang magpatuloy sa pag-iyak. Kinalma niya ang sarili at pinasunod-sunod sa utak ang gagawin.
Pinagkiskis niya ang kanyang palad at nang uminit ito ay nilagay niya iyon sa gilid ng mukha nito. Pinaulit-ulit niya iyon hanggang sa mabawasan ang panginginig ng labi at katawan nito.
Kinuha niya ang towel sa timba saka piniga ito at nilagay iyon sa noo ng binata.
"K-kukunin ko lang yung kumot ko, babalik d-din ako." Hindi niya naitago ang panginginig ng boses.
Pagkapasok niya sa sariling kwarto ay kinuha niya agad ang kumot at tumakbo ulit para makapunta sa kwarto ng binata. Agad niyang inayos ang kumot nito bago pumunta sa drawer para kumuha ng bonnet nito.
Tumingin siya sa wall clock sa dingding. Sakto alas dose na ng madaling araw kaya kailangan na nitong uminom ng gamot.
"Dreitre..kailangan mo nang uminom ng gamot." Pinilit niya 'wag manginig.
Tinulungan niya ito sa pag-upo at inayos ang makapal na kumot para mabawasan man lang ang panginginig nito.
"T-thanks. 'W-wag kang m-mag alala sa'kin, a-ayos lang ako." Pilit nitong pinigilan ang panginginig ng boses para 'wag siyang mag-alala.
"Don't say you're fine if you're not!" Naluluha niyang saad.
"M-matulog ka na, ayos lang ako.."
Paano siya makakatulog? Hindi siya makakatulog hangga't sa hindi napapanatag ang kanyang loob.. Hindi siya sumagot dito at tinulungan itong mahiga, inayos niya ang bonnet sa ulo nito at ang basang towel sa noo.
Ilang minuto pa ang hinintay niya pero hindi man lang nabawasan ang panginginig nito. Body heat! Body heat! Iyon lamang ang pumapasok sakanyang utak.
Dahil nilalamig ito kahit napakainit naman nito, 'yon lamang ang naiisip niyang gawin ngayon para matigil ito sa panginginig..
Sumampa siya sa kama at tumabi sa binata. Nilagay niya ang isang unan sa gilid nito..
"B-baka mahawaan pa kita. Umur--"
"J-just shut up. Let me hug you, para mabawasan ang panginginig mo." Mas lumapit siya dito at yinakap.
Humarap ito sakanya at tinugon ang yakap niya.
"K-kapag talaga mahawaan kita, 'wag mo akong sisisihin.."
BINABASA MO ANG
Finally...
Romantik"Kung kailangang buntisin kita para hindi muna ulit ako iwan. Its my pleasure to do that."