Rule 01: If you're going to be the bully, never forget the name of your prey.
Sino ba ang di pa nakakapanood ng mga video kung saan lumulunok ng paminta ang mga gusto lang magpapansin? Ang iba, nagpapaka-Tarzan, umaasang tulad din sa mga pelikula ang kalalabasan. Eh, ayun, buti na lang marami nang hospitals. Nagkalat sila sa internet na parang mga langaw - mga langaw na nais lang patunayan na matapang sila. Uhm... Pinagtatawanan sila kaya di siguro katapangan tawag dun. Ayaw ko sanang banggitin, kasi sabi ng teacher ko sa ESP walang taong tanga, pero katangahan talaga 'yon eh.
Ngunit habang tina-type ko 'to narealize ko, baka magkasingkahulugan ang dalawa. Katapangan, katangahan - wala akong masabing pagkakaiba, bukod sa nakakasakit ng tiyan yung isa.
Anyway, hindi ko ito isinulat para laiitin ang ibang tao, although, masarap sa feeling, di ba?
Ito ay tungkol sa akin. At kung gaano kahirap ang magbago.
Ang kuwento ay nagsimula pa noong elementary. Ngayon Grade Nine na ako. Maganda sana kung sasabihin ko sa inyo na naging masaya ang mga lumipas na taon. Magpapakatapat ako, kaya hindi. I hated every year that had passed. Miserable ang buhay, oo. Sino nga naman ba ako para magreklamo?
Well, my name is Karen Luntayaw. Nakatira ako sa siyudad - sa outskirts ng siyudad kung saan mas marami pa ang puno kaysa sa tao at kailangan mo pang magtricycle papuntang eskuwelahan. Di kami dinaraanan ng jeep pero mas mainam na din iyon dahil hindi ako fan ng usok, mas lalo na yung mga nakakabuwisit na amoy na gusto mong magtanong minsan sa driver, "Kuya Driver, gusto niyo ba kaming lasunin?" Buti na lang ako yung tipong hanggang sa isip lang ang kamangmangan at di sa salita.
Fun fact about me: I hate stairs.
Oops, mali ang iniisip mo. Hindi ako mataba. I mean, hindi kasing taba ng kaibigan kong si Angel. Wala rin akong problema sa puso, thank God. Hindi ako madaling mapagod. Ang kapansanan ko'y nasa binti.
Mali ka na naman. Hindi ako pilay. Hindi na. Dalawang taon na since gumaling ang bali ko sa binti. I can walk and run, even though, pipiliin kong huwag na lang. At akyatin ang hagdan? *singhap* Bakit walang elevator dito sa Pagsulong National High?
Kaya naman, imbes na puntahan mismo ang kaibigan kong si Lyle sa SSG office sa second floor, naupo na lang ako sa unang baitang at inilabas ang phone ko - patingin-tingin muna sa paligid baka may makahuling teacher sa akin. You see, mahigpit na ipinagbabawal ang cellphones dito.
Baks, hintay ako sa baba, ang aking text.
Siguro iniisip niyo na kung magaling na ang binti ko, bakit asta pa rin akong lumpo? Si Karen ang drama. Si Karen, papansin talaga. Si Karen, ha...
Hmm... Ganito kasi iyon. Sabi ng doktor, okay na daw. "You can do again what every normal girl does, Ms. Luntayaw." Pero, hindi ganoon kasimple. Sa tuwing tatakbo ako, kikirot na lang bigla ang binti ko. Sa tuwing aakyat ako ng hagdan, kikirot na naman. Hindi masakit, hindi ganoon. Nadyan lang siya - napakaliit na tibok sa loob ng binti ko na parang may sariling buhay. Nakakainis kasi wala namang problema na (Nakita ko sa X-ray) pero pinipigilan ako ng maliit na kirot na 'to na gawin ang mga bagay na gusto ko.
Takot lang siguro ito. Oo, natatakot lang ako.
"Kah!" Narinig kong tawag ng isang matinis na boses. Paglingon ko, namasdan ko ang malaking figure ni Angel na palapit sa akin. Kinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap pagkalapit niya sa akin.
"Angel, di ako makahinga."
"Ow, sorry." Pinakawalan niya ako pakatapos higpitan ang yakap nang huling beses.
BINABASA MO ANG
RULEBOOK for bullies
Teen FictionPaano kung ang kinamumuhian mong tao ay biglang nagbalik, at nagpapakitang nagbago na siya? Maniniwala ka ba o sisikapin mong pigilang maulit ang nangyari dati? Ito ang paglaki ni Karen at kung paanong inakala niyang nagpapakatapang na siya ngayon.