"Biboy, saan tayo pupunta?"
"Hay basta, sunod ka na lang. Ang dami pang tanong."
"Mapapagalitan ako ni mama. Sabi niya 'wag daw ako lalayo sa bahay pag naglalaro."
"Hindi naman ako magsusumbong. Basta 'wag mo na lang sabihin sa kanila. Dali, malapit na tayo. Nahanap ko 'to kahapon."
"Di ka ba mapapagalitan ng mama mo?"
"Oo, pero pag nalaman niya, ikaw lang ang sisihin ko. Sa atin lang 'tong dalawa."
"Oy, baka may ahas diyan. Balik na tayo, Biboy."
"Ano ka ba, Lenlen, malapit na nga tayo. Halika na. Walang snakes dito. Pumunta na ko rito kahapon."
"Ng mag-isa? Buti di ka kinuha ng mandurukot ng bata. Sabi ni kuya 'wag daw ako lalabas mag-isa kasi baka kunin ako."
"San ka ba kasi kahapon?"
"Sa bahay ni Lola. Ang kati na rito."
"O, ayan na. Di ba ang lalaki nila? Hinog na lahat 'yan. Tingnan mo, o."
"Mayroon rin akong bayabas sa likod ng bahay ko."
"Eh, mas malalaki sila. Tapos, sa akin lang 'yan lahat. Gusto mo tikman?"
"Uhm, yun ang gusto ko. Yung yellow na... Oy, baka mahulog ka! Bumaba ka diyan! Oy! Mababalian ka ng buto! Oy!"
"Umakyat na ko rito kahapon, Lenlen. Di ako nahulog."
"Ano 'yang sugat mo? Sa'n 'yan galing?"
"O eto, salo! Hahaha, butas ang kamay."
"Sa'n mo na tinapon? Di ko na makita."
"Sandali lang. Baba ako."
"Oy, Biboy!"
"Awww... Hhmmp. Aray. Di naman masyado masakit."
"Sabi ko sayo."
BINABASA MO ANG
RULEBOOK for bullies
Teen FictionPaano kung ang kinamumuhian mong tao ay biglang nagbalik, at nagpapakitang nagbago na siya? Maniniwala ka ba o sisikapin mong pigilang maulit ang nangyari dati? Ito ang paglaki ni Karen at kung paanong inakala niyang nagpapakatapang na siya ngayon.