Rule 02: Mark your territory. Spit on it, pee on it, just go and mark it.


LIMANG DAHILAN KUNG BAKIT PERPEKTO ANG ARAW NA ITO

1. Saktong seven hours and 30 minutes ang tulog ko, ibig sabihin, super fresh ang pakiramdam ko pagkagising (Sabi sa isang article na nabasa ko sa internet, dapat magising ka at the end of an REM Cycle which takes about one hour and 30 minutes para maganda ang gising.)

2. Napanaginipan kong umuwi na raw si kuya dala ang isang box ng pasalubong.

3. Tumutugtog sa radyo ang You Belong with Me ni Taylor Swift. Napasabay pa ako dun sa chorus.

4. Dumating na ang in-order ni Mama na rubber shoes para sa akin kagabi lang.

5. Pinagluto niya ako ng paborito kong caldereta, yung napakaraming carrots. Kung di niyo naitatanong, para akong rabbit sa hilig ko sa carrots. At kasing cute din ako ng rabbit pagtingin ko sa salamin pakabihis. Kulang na lang whiskers at mahabang mga tenga, pwede na akong i-display sa pet store.

Nagprisenta si Mama na siya na raw ang mag-aayos ng buhok ko. Napasimangot ako kasi parang bata niya ako tratuhin. Pero sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam.

Habang sinusuklayan niya ako, sabi niya, "Naibalita sa'kin ni kumare na umuwi na daw ang mga Gomez. Nakita ko ngang may ilaw na ulit ang bahay nila."

Oo nga pala. Kahapon lang nakasalubong ko pa siya. Akala ko napakaganda na ng araw na ito. Nakaligtaan kong nagbalik na pala ang Butiki. MGA DAHILANKUNG BAKIT DI-PERPEKTO ANG ARAW NA ITO: 1. Ka-barangay ko na ulit ang aking mortal na kaaway.

Nagpatuloy si Mama, "Pero hiwalay na raw sila."

"Sabi-sabi lang naman iyon. Tinanong ba nila mismo sila?" Pag-usisa ko.

"Nakausap kahapon ni Tiya Neng mo yung kababata mo, alam mo na pakialamera. Tinanong kung bakit wala yung mga magulang niya. Sabi nasa trabaho daw yung nanay, at ang tatay nasa Maynila pa."

"O, hindi naman pala naghiwalay. Aray! Bakit mo ko kinurot?"

"Ano ka ba, nak? Bakit sila uuwi na wala ang tatay niya?"

"Ma, di ako maniniwala hangga't di mismo sa kanila nanggaggaling na hiwalay na sila."

"Bahala ka. Bata ka pa, di mo alam ang buhay mag-asawa. O, ayan, napakaganda na naman ng dalaga ko."

"Palagi naman eh." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naku, tumataba na naman yata ako o baka nagsisinungaling lang ang salamin. Meron kaya nun, yung dini-distort ang mukha mo kasi ang pangit ng pagkakagawa sa salamin, hindi tunay na pantay. Pero, cute pa rin naman ako, hindi sa pagmamayabang.

Habang sa daan, nakita ko si Tam-tam na nag-iisang palakad-lakad. Napakabibong tingnan ng bata, puno pa ng baby fats sa edad na pito. "Tam-tam, ang aga pa para maglaro sa labas. Anong ginagawa mo rito?"

"Ate." tumakbo siya palapit sa akin. "Nakita bo si Mama ko? Nagsusugal na naman 'yon."

Napangiti sa tinuran ni Tam-tam. "Wag kang mag-alala. Uuwi din si Ate Lyn maya-maya. Punta ka kaya muna sa bahay, may linutong kaldereta si Mama."

Bumilog ang mata niya sa tuwa - sandaling nalimot na hinahanap pa niya ang kanyang ina. Napayakap siya sa beywang ko na pinakamataas na abot ng matataba niyang braso. "I love you talaga, Ate Ka," sabi niya sa akin bago kumaripas sa direksyon ng bahay ko.

"Tam, dahan-dahan lang. Wag kang tatakbo, baka madapa ka!" Sigaw ko sa kanya ngunit hindi na niya narinig.

Malayo ang paradahan ng tricycle mula sa bahay namin. Para ngang nagni-nature trek ako paalis at pauwi. Ang parteng ito ng Pagsulong ay di hamak na mas marami pa ang puno kaysa sa tao. Malalayo rin ang mga bahay at kung magkakalapit man ay siguradong dahil magkakadugo sila.

RULEBOOK for bulliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon