HUGOT 94

11 0 0
                                    

Kapag bago ang relasyon, masaya lang palagi.

Excited kayo mag usap araw araw. Kinikilig kayo sa bawat pagkikita. Sincere ang titigan ng mga mata.  Malambing lahat ng mga salitang sinasabi niyo sa isa't isa.

Pero bakit kapag tumagal na ang relasyon, nawawala ang tamis?

Sa bawat buwan na dumaraan, unti unting nawawala ang affection sa isat isa.

Minsan wala ng goodmorning message, yung dating 3 hours sa call, 3 minutes na lang ngayon. Yung dating "I love you forever!", "loveu" na lang na minsan mo na lang mabasa at marinig.

Hindi ba masakit na nakikita niyong unti unting nagkakalayo kayo ng damdamin? Na yung taong pinagdadasal mo, nati-take for granted mo na lang ngayon?

Love is not just an emotion, it's a decision.
Being in a relationship is a decision.
Keeping the commiment is a decision.

Kung siya pa rin yung taong gusto mong makasama habangbuhay, take actions. Yes, both of you.

Hindi magwo-work ang relasyon kung isa lang sa inyo ang nag aayos nito. Balikan mo yung rason kung bakit mo siya ginustong makilala. Balikan mo yung araw na una kang ngumiti dahil sa kanya.

Balikan mo yung moment na sinabi mo kay lord na, "Maraming salamat po, aalagaan ko po 'tong tao na 'to."

Balikan mo yung lahat nang pagsubok na dinaanan at nilampasan niyo nang magkasama.

Mas nagiging mahirap ang relasyon, mas kailangan niyong magtiwala sa isa't isa.

100 Days Of HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon