HUGOT 96

13 0 0
                                    

"HINDI MANLANG NAGING TAYO"

Sayang.
Sayang kasi hindi manlang naging tayo.
Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?
Magaan ang loob natin sa isa't isa.
Naging magkakilala tayo,
Naging close sa isa't isa,
Lumalim ang pagkakaibigan,
Nagkaroon ako ng feelings para sa iyo,
Pero hanggang feelings lang pala talaga.
Nagkakausap tayo lagi,
"Good morning!",
"Kumain ka na ba?",
"Good night",
"Text mo ko pag gising mo ha?",
Tapos may mga emoji na nakakakilig pa.
Nahulog ang loob ko sayo.
Nahulog dahil sa mga pamatay mong ngiti,
Nahulog dahil sa mga nakakakilig mong mensahe,
Ngunit nahulog ako nang wala manlang sumalo.
Nahulog kaso hanggang kaibigan lang ako,
Nahulog at ngayon durog na ang aking puso,
Nahulog at ngayo'y tuyo na ang mga mata ko.
Ako ang nahulog, at syempre ako ang nasaktan,
Kasi oo nga pala, hanggang magkaibigan lang tayo,
Sayang kasi ako ang magiging pinakasweet na asawa mo,
Sayang kasi ipaglalaban kita magalit man lahat ng tao,
Sayang kasi mamahalin kita hanggang magunaw man ang mundo,
Sayang lang kasi hindi naging tayo.

100 Days Of HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon