Ethan's POV
Tiningnan ko yung phone ko kung anong oras na. Uwian na pala hindi ko man lang namalayan. Oo nga pala Friday na ngayon ang bilis talaga ng araw. Napa tingin ako sa phone ko ng nag vibrate ito. Aba si Tristan nag text. Himala ata.
Tristan:
Bro where the fuck are you?!
4:57PM
At sino namang nagsabing murahin ako ng lalaking to? Kung iuntog ko kaya sa pader. Nag reply naman ako.
To: Tristan
Fuck you! Papunta na ako sa parking lot.
Agad akong pumunta doon. Magkakasabay kasi kaming tatlo kila Alex. Iisang kotse yung ginagamit namin. Minsan pa nga nagsaaarili kami ng kotse kung tinatamad yung isa sa amin na mag drive kaya napipilitan kaming mag kanya kanya minsan. Pero ngayon si Tristan yung magmamaneho kaya nga tinatanong kung asan na ako.
Sinimulan ko ng maglakad.
Malapit na ako sa kanila at nakita kong pareho silang naka kunot noo. Napatingin sa akin si Alex. Binulungan naman niya si Tristan at napatingin sa akin. Tiningnan niya ako ng masama.
"What?" I asked like I'm innocent. Hindi niya ako pinansin at pumasok siya sa driver seat. Sumakay na ako agad baka iwan pa nila ako. Natawa si Alex ng umupo siya sa tabi ko.
"What do you think I'll be your driver?!" Sigaw ni Tristan. Humagalpak naman kami ni Alex ng tawa. Tiningnan niya kami sa rear mirror ng kotse niya at tiningnan kami ng masama.
"You two, Get out my car!" Sigaw niya. Itinabi niya ang kotse sa gilid. Nagkatinginan kami ni Alex.
"Bro naman! Wala namang ganyanan.." Nagpipigil tawang reklamo ni Alex.
"It's just a joke bro,you take it too seriously.." Paawa effect ko para naman tumalab. Hahaha ang hirap magpigil ng tawa.
"Joke?! Mga Unggoy kayo baba!" Sigaw niya.
Masyado naman niyang sineryoso yung pagiging driver niya.
"Bro puso mo baka ma high blood ka diyan.." Biro ni Alex kaya hindi ko mapigilan at tumawa ako ng malakas.
Siniko ako ni Alex pero hindi ko siya pinansin. Nakita ko ring natatawa na rin si Alex kaya mas lalo akong humagalpak ng tawa. At hindi na rin niya mapigilang tumawa. Tumawa kami ng sabay.
Bumaba si Tristan ng kotse. Napa kunot noo ako. Nagulat kami ng buksan niya pintuan dun sa likod at sapilitan kaming inilabas.
"Bro seryoso ka? Iiwan mo kami dito?!" Angal ko. Hindi niya ako pinansin at sumakay na siya.
"Bro?!" Sigaw ni Alex ng paalis na siya. Napakamot ako ng ulo.
"Ikaw kasi eh!" Paninisi niya sa akin. Taena! Siya nga tong unang tumawa kanina.
"Anong ako? Ikaw kaya.." Paninisi ko pabalik at binatukan.
"Aray! Bat mo ko binatukan?!" Sigaw niya.
"Eh sinisisi mo ko eh!" Sigaw ko pabalik. Tiningnan lang niya ako ng masama.
Nauna na akong naglakad. Mag iinarte pa ba ako? Wala na nga kaming masakyan eh. Ma flat sana siya. Hahaha! Efic fail talagaang Unggoy. Taena!
"Hoy!" Sigaw niya. Taena! Nagulat ako don ah. Muntik na ngang mahulog yung phone ko eh.
"Ano ba?!" Angal ko at iniwan siya doon.
"Aso?! Asoo!!!" Sigaw niya kaya napalingon ako.
Natawa ako ng hinahabol siya ng mga aso. Malapit na siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Halata na takot na takot siya. Ang angas angas tapos takot siya sa aso? Hahaha laugh trip ang efic ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly In Love With The Campus Heartthrob
Teen FictionUnexpected? ~Sometimes someone comes into your life.. ~Unexpectedly take your heart by surprise and change your life.. They say... If something is destined to happen unexpected. If it's meant to be, It will happen. Isang halik.. Isang katangahan.. ...