Chapter 26

1.8K 291 1
                                    

Dedicated to: marites mariarollyve JhanndyGurl Jhay_marie LadyRollyve..

Dane's POV

Two months later..

Two months na ang naka lipas simula nung intrams. October na kasi ngayon. Ang bilis ng araw. Hindi ko nga namamalayan na vacations na pala namin ngayon. Tapos na din kasi ang examination namin kaya sembreak na.

Ngayon hinihintay namin yung mga boys dito sa labas ng bahay. Napagpasyahan kasi namin na magvacation dun sa boracay. Hindi rin naman kasi namin makakasama yung parents namin nila Couz at Nick ngayong sembreak. Kaming tatlo lang sana kaso nalaman nilang mag boboracay kami kaya sasama nalang daw sila total naman daw silang lima lang din ang magkaka sama.

Nagpaalam naman kami sa parent's namin. Nagulat nga ako ng payagan nila kami. Pero may kundisyon daw, yun yung dapat may kasama daw kaming pwedeng mapagkatiwalaan. Sila Jan Dane daw kasi pinsan naman daw siya ni Nick kaya pumayag kami. Yun kasi ang kundisyon ng parents ni Nick na sinang ayunan ng parents namin ni Couz. Yung apat naman gustong sumama dahil naikwento daw ni Jan Dane sa kanila. Pumayag naman kami. May magagawa pa ba kami.

"Ang tagal naman nila! Anong oras na oh!" Reklamo ni Chloe. Napatingin naman ako sa phone ko. 1:30 am na. Dapat 1:00 am andito na sila kasi yun yung usapan namin.

"1:30 na oh!" Sabi ko naman at pinakita sa kanila ang phone ko.
Actually kanina pa kaming nakatayo dito. Nangangalay na nga ako eh.

"Sana hindi nalang kasi sila sasama!" Sabi ni Nicole. Napa tingin naman kami sa kanya.

"Duh! Eh di walang vacations na magaganap!" Sigaw namin ni Couz. Napanguso siya.

"Bakit ba kasi ang tagal nila!" Sabi pa niya at niyakap ang maleta niya.

Napaupo naman ako sa harap ng gate. Naupo rin si Couz sa tabi ko.

"Tawagan niyo kaya.." Sabi ko. Napataas naman sila sa akin ng kilay.

"Tawagan mo nga si Ethan!" Sigaw ni Nick sa akin. Napailing ako kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Tinext ko na at tinawagan pero naka off ata ang phone.." Sagot ko.

"Si Nate na try mo na?" Takang tanong ni Chloe. Napailing ulit ako.

"Wala na akong load eh.." Sabi ko. Ginamit ko pa kasing pinantawag kay Mom kagabi eh atsaka hindi naman ako masyadong nag loload, messenger lang okay na. Napa tingin ako kay Nick.

"Nicks!" Tawag ko. Nakatayo kasi siya. May kausap sa phone, yung Mom niya ata. Sakto namang ibinaba na niya ang phone niya at tumingin sa akin.

"May load ka?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Bakit?" Tanong niya. Umupo siya sa gitna namin ni Chloe.

"Tawagan mo nga si Nate!" Sabi ni Chloe sa kanya.

"Wala siyang number sa akin.." Sagot niya at napasimangot. Kinuha ko naman ang phone ko at ibinigay sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napairap ako. Choosy pa ang bruha.

"Kunin mo sa contact ko.." Tinatamad kong sabi. Kinuha naman niya agad.

"Anong name?" Tanong niya. Napataas ako ng kilay sa kanya.

"Name niya malamang!" Sigaw ni Couz sa kanya. Mukhang naiinip na siya.

"Walang Nate na nakalagay?!" Bulyaw niya dito.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon