Chapter 50

1.3K 81 80
                                    

"Nate, I'm still hurt. I hate it when my pain turns into tears. I look so weak.."

~Justin Dane Santos

"Acting like it doesn't hurt is the worst. You will never heal if you're still pretending you're not hurt. Hindi porket umiiyak ka na, mahina ka na? Hindi ba pwedeng umiiyak ka kase hindi mo na kaya yung sakit na nararamdaman mo? Even the strongest people break down. For being okay, sometimes we just need to cry it out.."

~Nathan Sera

"Minahal ko siya ng totoo, never kong pineke yung feelings ko sa kanya pero ginago niya ako. I don't understand why some people need to fake their love. Are they really happy seeing someone in pain?"

~Justin Dane Santos

"You have to learn to let go and forget about him.."

~Nathan Sera

"I tried to forget him, but I can't. Nilet-go ko siya kase ginago niya ako.
Pero alam mo yung mahirap sa pag let go. Yung ginawa mo yun kahit di mo gusto pero kailangan kase you need to save yourself from hurting. Pero di mo alam na mas masakit pala yung mawala siya kesa masaktan ka. Do you think I deserve this? I don't think I deserve this, haha. Di ako pinanganak para gagugin lang. He's just experience, anyway.."

~Justin Dane Santos

Dane's POV

"Gosh. Mom still doesn't change.." Pagmamaktol ko habang nasa hallway kami ni Nate. Pabalik na kami sa classroom.

Umuwi na si Mom. Kailangan niya rin kasing magpahinga dahil dumiretso lang siya dito para makita ako. Si Oppa na ang naghatid sa kanya sa bahay.

Napailing siya at natawa sa akin.

"Yeah. Siya pa rin ang pinakabait kong Tita-Mom.." Nakangiti niyang sabi atsaka niya ako inakbayan." I really miss her.." Napalingon ako sa kanya. Kita sa mukha niya ang sobrang saya kaya napangiti ako. Hinawakan ko siya sa bewang kaya mas hinigpitan niya ang pagkaka akbay niya sa akin.

Napapatingin tuloy ang mga nakakasalubong namin dahil sa ayos namin.

"Sobra ka rin naman niyang namiss. Kita mo naman kanina diba, duh?" Natawa siya sa akin dahil sa huli kong sinabi.

"I know that, duh.." Sagot niya na ginaya pa ang boses ko kaya napairap ako sa kawalan.

"Are you going to our house, tonight?" Tanong ko.

Inimbitan kase sila ni Mom ng dinner. Kasama ang apat na sana wag naman na silang pumunta. Hindi naman sa ayaw kong pumunta, ang sakin lang baka kung anu ano na naman ang maikwento ni Mom tungkol sa amin ni Nate.

"Of course, duh.." Napanguso ako dahil halatang inaasar ako.

"Nate naman e!" Parang batang maktol ko kaya natawa siya sa akin.

"Oo na. Joke lang e. Ikaw naman HAHAHAHA!" Natatawang sabi niya kaya humiwalay ako sa kanya mula sa pagkakaakbay niya.

"Bahala ka nga diyan.." Naiinis kong sabi atsaka ko siya iniwan doon. Tinatawag pa niya ang pangalan ko ngunit di na ako lumingon pa.

Sa second floor pa naman ang classroom namin kaya kinailangan ko pang lumiko para makaakyat.

Nang makarating ako sa tapat ng hallway ng classroom namin agad akong nagulat ng may lalaking tumalsik sa pintuan. It's EJ. Sumunod ang lalaking tumulak sa kanya at agad niya itong sinuntok sa mukha.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon