Prologue
Nagkacrush ka na ba? Yung lahat ng status nya nililike mo kahit na walang kwenta. Yung gusto mong mapansin ka nya palagi. Yung pag nginitian ka nya matutunaw ka na. Kung nagkacrush ka na makakarelate ka sa story na to.
Chapter 1
Keyla's P.O.V
''Keyla!Keyla!Time to wake up!'' Hay. Pasukan na naman, gigising nanaman ng maaga. Bat ba kasi di nalang magstart yung classes ng 10 or 11. ''Keyla!'' sigaw ni Mommy. ''Opo! Bababa na po!''
At School
''Keyla! Keyla!'' hinanap ko kung sino yung tumatawag. Familiar yung boses eh.''Keyla! Uy nandito ako!'' tuloy tuloy parin ang tawag nya. ''Si Abbery yun ah nasan ba sya?'' sabi ko sa sarili ko habang hinahanap sya. Sa dami kasi ng tao dito eh hindi ko na sya makita maliit kasi yun eh. Hahaha. "UY! ANO KA BA KANINA PA KITA TINATAWAG" sabi nya na galit na galit sa akin.
"Eh kanina pa kita hinahanap no! Di kita makita liit mo kasi eh!" sabi ko sakanya habang tumatawa "Heh! Tatangkad rin ako no!" sabi nya sakin sabay irap sa akin "Haha. Pang ilang beses mo nang sinabi sakin yan? Haha" sabi ko sakanya habang tumatawa "Bahala ka. Tara na nga hanapin na natin kung anong section natin""Sige, sana magkaklase parin tayo" sabi ko.
By the way, hindi pa pala ako nagpapakilala. My name is Keyla Aimee Allivon 2nd Year High School ako sa Holy Spirit School, and may Bestfriends ako dito sa School. Sina Abbery, Aylah and Ayen.
Pero si Aylah and Ayen nag transfer na sa ibang school, si Aylah bumalik sa school nya dati, malayo daw kasi eh pano ba naman sa Manila sya nakatira tapos yung school nya sa Quezon City. Si Ayen naman pumunta na sa ibang bansa sa LA aba sosyal Haha. Sigurado ako pagbalik nun dito English Spokening na yung babaeng yun. So nung umalis silang dalawa kami nalang ni Abbery ang natira.
Abbery's P.O.V
"Excuse me po! Excuse me! Makikiraan lang" sabi ko sa mga students na nagkakagulo habang tinitignan yung section nila sabay tulak sa mga nakaharang.
"Huy Abe! Dahan dahan ka naman wag kang manulak. Baliw ka talaga" sabi ni Keyla sakin na tumatawang mukhang timang "Ano ka ba? Hayaan mo sila ayaw nila tayong pasingitin eh. Baka pag nagring na yung bell di na natin makita section natin no!" sabi ko sakanya habang sumisingit sa mga students. "Ano ka ba mamaya na. Ang haba pa naman ng time oh! Patience!" sabi nya sakin na parang nagagalit na ewan. Eh pano ba naman kasi nadadali na mga mukha namin ng mga kamay ng mga students."Halika nga dito Abe!" hinila nya ako kaya nakaalis kami sa mga students na nagkakagulo at nasaktan ako sa paghila nyang yun ha.
Btw, Abe nickname ko sa school kasi Surname ko is Abesamis so for short 'Abe'."Aray ko naman!" sabi ko sakanya na nakasimangot "Mamaya na kasi natin tignan excited ka ba? Haha. Naipit ako sa mga students na yun ha" sabi nya na natatawa "Hay nako. Sige na nga. So maghihintay pa tuloy tayo ng matagal hanggang sa matapos yang mga yan" sabi ko sakanya. "Ok lang yan" sabi nya sakin sabay ngiti.
At the Classroom
Keyla's P.O.V
Sa kasamaang-palad, hindi kami magkaklase ni Abe. Classmate ko yung twin nya, si Kyra. Counsel section ko at Piety naman sya. So sad, pero ok lang sabay pa naman kaming maglalunch at recess eh. Kahit san sya magpunta dapat nandun ako except sa CR. Pede ko syang samahan pumunta sa CR every break pero hindi ako papasok sa cubicle no! Ano ako hilo? Haha.
"Ok class, my name is Christine Batas and I am your Adviser for the whole school year. Ok, I want you all to Introduce yourself in front. By class number ok?" sabi ni Ms. Batas. So natapos na ang Introduction napansin kong mas maraming akong classmate ngayon na classmate ko noon dito sa Counsel, napansin ko ring maraming lumipat ng school then onti lang yung mga new students.
"Keyla! Sabay ako sa inyo ngayon ha?" sabi ni Marian "Uhhm. Ha? Tanong ko muna kay Abebe" sabi ko sakanya habang hinihintay na ma dismiss yung class nila Abbery "Ah sige. CR lang ako ha" sabi sakin ni Marian na nakangiti.
"Uy Abbery, sabay raw si Marian satin? Ok lang?" tanong ko kay Abbery "Ha?!" sagot nya sakin na halatang ayaw nya "Ano ok lang?" tanong ko ulit nang biglang dumating si Marian "Hi Abbery!" sabi ni Marian kay Abbery habang winewave yung kamay nya "Uy ano payag ka?" bulong ko kay Abbery "Osige na nga. Wala na tayong magagawa" sagot nyang halatang naasar at naiinis. " Oh tara na, baba na tayo. By the way Abbery hindi na pala ako school bus ngayo.." hindi natapos ang sasabihin ko bigla syang sumingit na "Yehey! So sabay na tayong bababa araw araw?" sabay ngiti sa akin "Oo malamang" sabay ngiti sakanya "So tatlo pala tayong magkakasabay bumaba tuwing dismissal?" biglang singit ni Marian "Uhhm Oo?" sabay naming sagot ni Abbery sabay fake smile.
Si Marian kasi yung taong kinaiinisan ng AyKyAbAy. Ano yung AyKyAbAy? Yun yung pinagsamasamang names naming apat na magbebestfriends. -Ay- for Aylah, -Ky- for Keyla, -Ab- for Abbery and -Ay- for Ayen. So yun na nga ayaw na ayaw namin sakanya kahit wala syang ginagawa, ewan ba namin. Hahaaha.
At our house
"Oh musta first day of school?" tanong ni Mommy sakin habang nagbabasa ng book "Ha? Uhhm ok naman pero di kami magkaklase ni Abbery" sabi ko kay Mommy then nag pout "Ohhh. So sad pero sabay parin kayong naglulunch?" tanong nya "Yes! Of Course! We're Bestfriends" sabi ko kay Mommy ng nakangiti.
Author's Note
Hi guys! If you have any suggestions or ideas that you want to add in the next chapter just message me :) Don't forget to follow me :)
BINABASA MO ANG
My Crush is my Fiance
Teen FictionSi Keyla may masayang family at may mababait na friends. So one day, hindi nya inaasahan na yung crush nya ay love nya na pala. Tulad nga ng sabi ng iba, kapag daw may crush ka at 4 months mo na itong crush, hindi na crush tawag dun dahil Love na yu...