At School
"Hi Keyla, Malapit bahay nyo kina Jairus diba? Edi Close kayo? Pakilala mo naman ako" puro ganyan nalang sinasabi sakin ng mga kaklase kong babae simula kaninang umaga nang pumasok ako. Ano ba naman yan? Kakaazar.
"Malapit nga bahay nila samin pero di kami close" sabi ko sakanila "Weh? Imposible naman yun eh" sabi naman nila. Isa pa ha isa paaa. "Mamaya nalang ha, maygagawin pa kasi ako eh, osige, bye na!" sabi ko sakanila ng nakangiti pero pagtalikod ko di na ako nakangiti. Enebenemen kasi yan eh, benta sa mga babae netong si Jai eh.
Nang makaalis ako sa classroom, naglakad lakad lang ako sa school. At kalalakad ko napunta ako sa garden at umupo ako sa ilalim ng puno. Bigla nalang may nagsalita "Siguro ganito na gagawin mo araw araw para makatakas sa mga babaeng may gusto sakin" napatingin naman ako sa taas ng puno, si Jai pala anong ginagawa nya dito? Kaya pala wala sya sa classroom kanina eh. Nandito pala sya "Ha? Ano namang ginagawa mo dito? Ginulat mo ako ha. Haha" sabay ngiti sakanya.
Nagulat naman talaga ako nun eh bigla bigla kasing sumusulpot "Haha, Sorry naman. Ang boring kasi sa classroom eh, wala pa naman yung teacher natin kaya pumunta muna ako rito. Mas sariwa hangin dito eh" sabi nya sakin
"Ahh. Eh nasan mga kaibigan mo?" tanong ko sakanya. May mga kaibigan na kasi agad sya eh sina Francis Aquino, Mark Degaldo at si Christian Florentino. Lahat silang apat magagaling mag basketball eh.
"Ah, bumili lang sa Canteen pero kasama ko sila dito" sabi niya sakin "Ah okay" sabi ko sakanya sabay ngiti at sabay kuha ng book ko sa pocket ko yung pocket book lang kaya kasya sa pocket ng uniform ko.
Mahilig akong magbasa ng mga book eh lalo na pag Romance. Habang nagbabasa ako tumabi sa akin si Jai "Uy. May itatanong ako" sabi nya sakin "Nagtatanong ka na kaya. Jk Haha, ano ba kasi yun?" tanong ko sakanya sabay lagay ng bookmark sa book ko at saka ko kinlose.
Pilosopo" sabi nya sakin sabay batok sa ulo ko "Aray! Sakit nun ha!" sabi ko sakanya at tumawa naman sya.
"Ano ba kasi itatanong mo?" tanong ko sakanya "Pede ba tayong maging friends? As in friends?" tanong nya sakin "Haha. Why not?" sabi ko sakanya. Gosh kinikilig akooo. Sana di ako nagblublush "Weh?Thanks." sabi nya sakin sabay yakap sakin. Para tong baklaaa.
Habang tumatagal nagiging close na kami. Saya ko. Ako na pinakaswerteng babae sa buong mundo. Joke. Hahahaha.
Sinabi ko na rin pala kina Jhoanna at Diane na nagtransfer si Jairus dito. Kilig na kilig si Diane kasi feel nya kaya nagtransfer si Jai kasi nandito daw ako. Halleer? Ayokong magfeeling masyado. Haha. At nalaman na rin naman ni Abbery na si Jairus yung kinikwento ko sakanya dati na crush ko kaya nagulat sya kasi gwapo naman daw talaga akala nya kasi mukhang, youuu know. Haha. Baliw yun.
So sina Marian naman kinwento ko sakanya na yun nga matagal ko nang crush si Jairus, mga grade 5 pa. Tagal na no? At ang tagal ko na ring One-Sided-Love hahahaha. Minsan lang kami magkasama ni Jai kasi may friends sya and may friends din ako eh. Minsan naman nagsasabay kaming Seven mag lunch or recess.
"Uy Marian, kilala mo ba yun? Classmate natin sya diba? Transferee rin sya diba?" tanong ko kay Marian habang nakaturo ako sa girl na nakaupo malapit sa window ng classroom namin.
"Sino?Ahh. Si Casey. Dito sya nag-aral mula Grade 1 to Grade 6 kaso lumipat sya sa ibang school nung gumraduate kami pero ngayon bumalik sya" pagpapaliwanag nya sakin "Ahh. Mukha naman syang mabait ah, sabayan kaya natin sya para naman maging friend din natin sya" sabi ko kay Marian "Oh sige ba. Tanong ko lang kung gusto ba nyang sumabay satin mamayang Recess and Lunch. Wait lang puntahan ko lang ha" sabi ni Marian sabay tayo at pumunta kay Casey.
Nagsabaysabay kaming apat mag recess and lunch. Ang saya pala netong kasama laging nagjojoke kaso ang ingay hahaha. Yay! Four na kami kaya magiging 8 na kaming magkakasabay kapag kasama mga boys.
BINABASA MO ANG
My Crush is my Fiance
Ficção AdolescenteSi Keyla may masayang family at may mababait na friends. So one day, hindi nya inaasahan na yung crush nya ay love nya na pala. Tulad nga ng sabi ng iba, kapag daw may crush ka at 4 months mo na itong crush, hindi na crush tawag dun dahil Love na yu...