Nung gabing nagtext sakin si Jairus at tinext nya lang ako para hingiin number ni Jhoanna inis na inis ako. Pero wala eh. That's life.
At School
"Huy Keyla. Natapos mo yung project nyo?" tanong sakin ni Abbery "Oo naman. Ako pa" sabay wink kay Abbery.
Nandito nga pala kami sa Mushroom Table. Recess na kaya nandito kami. "Mamaya na ninyo yun ipapasa diba?" tanong ni Abbery
"Oo" sagot ko sakanya at sabay lagay ng kamay ko sa baba ko
"Oh, eh bat ganyan mukha mo?" tanong ni Marian sakin
"Oo nga. Anyare sayo?" tanong naman ni Abbery
"Ha? Ako?" tanong ko sakanila
"Hindi hindi, yung pusa sa likod mo, Huy pusa bat ka nakasalumbaba? ha? Baliw ka talaga Keyla, shempre ikaw. Hay nako" sabi naman sakin ni Abe sabay irap sakin. Pilosopo talaga tong maliit na to eh. Ganyan talaga sya eh, tapos mahilig mambara kaya minsan nakakainis pero love ko parin tong maliit nato
"Pilosopo" sabi ko kay Abe
"Eh bat nga kasi? Anyare ha?" tanong nanaman sakin ni Abe
"Ang kuliiiit! Kurutin kita jan eh. Pano ba naman kasi nakita ko mukha nyo kaya nawala ako sa mood" sabi ko sakanya ng seryoso. Pero natatawa talaga ako kasi yung mukha nila. Grabe nakakatawa.
"Edi Okay. Fine. Whatever. hmm" sabi ni Abe sakin at sabay kain ng Sandwich nya na may palaman na Nutella. Araw araw Nutella palaman ng tinapay nya eh
Hahahaha. Di sya nagsasawa.
"Ang gwapo nya grabe" sabi nung girl at kilig na kilig pa. Sino kaya yung sinasabi nyang gwapo?
"Kakatransfer lang nya ngayon diba?" sabi naman nung kasama nyang girl
"Oooo. Jairus ata yung name eh narinig ko. Ang gwapo nya talaga" sabi nung Girl 1.
Pagkasabi nya ng Jairus, lumaki agad mata ko at parang kinabahan "Oh my gash, pero imposible atang mangyari yun. Di yun mangyayari, imposible Keyla imposible" bulong ko sa sarili ko at di ko napansing narinig pala yun nila Abbery. Lakas talaga ng pandinig netong babaeng to eh. Haha.
"Anong pinagsasabi mo jan ha? Baliw ka na? Anong imposible imposible? Hay nako" sabi ni Abbery sakin
"Ha? Sinabi ko ba yun?" sabi ko sakanya kunwari di ko alam na sinabi ko yun HAHA
"Hay nako baliw ka. Ano nga yun?" tanong na naman sya.
Eto talagang babaeng to di talaga ako titigilan eh
"Sabi ko kasi imposibleng tumangkad ka pero doncha worry, cherifer lang katapat nyan" sabay thumbs up sakanya
"Utut. Kala naman neto ang tangkad nya ewan ko nga sayo" sabi nya sakin sabay irap
"Hahaha. Cutiiie moo Abe" sabi ko sakanya pero joke ko lang yun hahaha
"Ngayon mo lang nalaman ha? Tagal na eh since birth" sabi nya sakin. Hay nakoooo. Si Feelingera nanaman.
*kriing kriing kriing*
Nag bell na so it means tapos na Recess. Di ko na sinigurado kung sino man yung Jairus na yun. Baka naman ka name lang nya yun no eh sa dinamidaming Jairus sa mundo eh imposibleng sya yun.
Kumpleto na kami dito sa classroom pero yung teacher namin wala pa rin tagal naman nun naka 30 minutes na ata syang wala dito sa classroom eh.
Biglang bumukas yung door akala ko yung teacher na namin pero hindi pala. Nagulat ako nung nakita ko sya. Sino pa ba? Edi si Jairus. Bumilis tibok ng puso ko kaya napahawak ako. Ano ba naman yan? Edi sya nga talaga yung transferee na pinaguusapan ng mga Girls sa canteen kanina.
Kasama nga pala nya teacher namin nung pagpasok nya, mas nauna kasi sya pumasok kesa sa teacher namin eh. Kaya siguro nalate si Ms. kasi kinausap pa sya ng Principal gawa netong mokong na to. Pa transfer transfer pa kasi eh.
"Ok class may bago kayong Classmate, katratransfer lang nya dito kanina kaya ngayon pa lang sya magsisimula. Ok Jairus introduce yourself to them" sabi ng teacher namin sabay gilid at pinapunta si Jairus sa harapan
"Hi. Uhhhm, Ako nga pala si Jan Jairus Gonzales but you can call me Jairus or Jai nalang. I'm from St. Francis College" nagsmile sya pagkatapos nyang sabihin yun.
"Ok Mr.Gonzales, pede kang umupo beside Ms. Allivon kasi yun lang yung vacant na seat. Ms. Allivon is it okay?" tanong sakin nga teacher ko.
As usual wala na akong magagawa, eto nalang bakanteng upuan eh kaya pumayag nalang ako.
"Uhhm. Yes Ms. Ok lang po" sabi ko sabay smile.
Umupo na sya at tumabi na sakin. Grabee malayo man o malapit ang gwapo nya talaga eh.
"Hi" nagulat ako nung nagsalita sya grabe naman to Haha "H-Hi rin" sabi ko naman sakanya sabay smile. Ehhhh, kinikilig ako.
Tapos na yung klase, as in tapos na. Dismissal na, gusto ko syang kausapin pero haller? Nakakahiya no kahit pa magkalapit lang bahay namin. Di kasi kami close ehhh.
Inaayos ko nga pala gamit ko ngayon sa locker. Yung locker nya nasa baba ng locker ko. Ayaw talaga kami paghiwalayin ng tadhana. Chos. Haha <3
Tapos na akong magayos ng gamit ko sa locker. Binuksan ko na nga yung door ng classroom eh tapos biglang may tumawag sakin "Keyla!" napalingon naman ako. Si Jai palaaaa. "O-Oh? Bakit?" tanong ko sakanya na kinakabahan. Kaya ko to. Hahahaha
"Sabay nalang tayong umuwi magkalapit lang naman tayo ng bahay eh" sabi nya sakin ng may biglang sumingit
"Ha? Magkalapit kang kayo ng bahay? So ibig sabihin kilala nyo isa't-isa?" sabi ng classmate naming lalaki. "Oo naman" sabi ni Jairus pero bigla ako sumingit "Pero di kami close" sabi ko naman "Ah so kaya pala di kayo naguusap kanina. Haha. Ok"
At lumabas na yung classmate namin. Lalabas na sana ako nang tinawag nanaman nya ako. Anong problema neto? "Oh? Bakit nanaman?" tanong ko sakanya
"Ano? Sabay na tayo ha" sabi nya sakin. Wala na akong nagawa kasi hinila na nya yung braso ko at lumabas na kami sa classroom. Lord kung panaginip lang to please lang, wag nyo na akong gisingin hahaha.
Habang naglalakad kami iniisip ko kung bat ba sya nagtransfer dito sa school namin. Nahihiya akong magtanong eh.
"Parang may gusto kang itanong ah. Itanong mo na hanggang may time pa" sabi nya sakin ng nakangiti. Grabe. Nakakabasa pala sya ng isip Wow. Amazing. Hahaha.
"Ha? Wala ah. Pero bat ka nga pala nagtransfer sa school namin? May gf ka ba dun or crush? Wala naman si Jhoanna dun ah" sabi ko sakanya.
Gulo ko rin eh no sasabihin kong wala tapos sabay tanong sakanya kung bat ba sya nagtransfer. Abnormal talaga ako.
"Ah. Yun ba? Eh kasi may plan ako eh. Atsaka huh? Wala akong gf or crush no! Atsaka si Jhoanna? Bat naman si Jhoanna?" tanong nya sakin.
Sus. Kala ba nya di ko alam na may crush sya kay Jhoanna. Ey neke nemen. Haha. At wait plan? Anong plano naman yun?
"Sus. Amnesia effect? Haha. Diba tinext mo ko nung isang isang araw ata? Tinanong mo sakin kung anong number nya? At plan? Ano naman plano mo sa school? Para maging principal ka? Joke. Hahahaha" sabi ko sakanya ng tumatawa
"Cute mo talaga lalo na pag naka smile" sabay pisil sa pisngi ko. Omgesh I'm gonna die, I'm gonna die. Di ako pedeng magblush. It can't beeeee. Haha.
"Ah. Onga palaa hiningi ko nga pala sayo. Porket hiningi ko crush ko na kaagad? Baliw ka rin eh no." pagpapatuloy nya. Talaga lang ha? Wala daw syang crush kay Jhoanna, deny deny deny. Pero sana wala ngaaa. Hahahaha.
"Ahhh. Ok? Eh ano nga pala yung plan mo?" tanong ko sakanya "Eh basta. It's my secret" sabay wink sakin. Huwaww. Kung nakakamatay lang ang kiligin, nakalibing na ako ngayon. Hahaha "Osige bye na! Bukas nalang ha. Kita tayo ng school" sabi nya sabay takbo papunta ng bahay nila.
Sa paguusap namin, di ko na namalayang nandito na pala ako sa tapat ng bahay kaya naman pumasok na ako sabay bless kina Mommy at Daddy at dumiretso na sa kwarto ko at nagpahinga ng onti at naligo na rin.
Hanggang sa pagtulog ko iniisip ko parin talaga yung plan nya. Ano kaya yun? Hay. Ayoko na ngang isipin. Mamomroblema pa ako dahil lang sa iba. Wag namaan. Hahaha.

BINABASA MO ANG
My Crush is my Fiance
Novela JuvenilSi Keyla may masayang family at may mababait na friends. So one day, hindi nya inaasahan na yung crush nya ay love nya na pala. Tulad nga ng sabi ng iba, kapag daw may crush ka at 4 months mo na itong crush, hindi na crush tawag dun dahil Love na yu...