PROLOGUE

2.5K 12 0
                                        

PROLOGUE

PROLOGUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Calliope's POV

Walang emosyon kong pinagmasdan ang hubad kong katawan sa salamin. Hindi ko inakala na magagamit ko ito para mabuhay. Kita ko ang pagdaloy ng patak ng tubig galing sa pag-ligo ko. Hinaplos ko ang tatoo na nasa kanang bahagi ng balakang ko. Ang simbolo ng isang  ganap na Virgo. Sunod na dinaanan ng kamay ko ang aking bewang papunta saking pwetan. Mas nagkaron ng hulma ang katawan ko dahil sa pag-e-excercise at diet. Bilang isang Virgo isang responsibilidad yun.

Napa-iling nalang ako at dumiretso sa kama ko. Hindi na mahalaga kung basa at hubad man ako. Nag-kumot ako at saka tumitig sa kisame. Wala sa sariling kinapa ko ang locket na nakasabit sa leeg ko. Tuwing binabagabag ako ay hinahaplos ko ito para maramdamang ligtas ako. Bawat Virgo ay binibigyan nito katulad ng tatoo.

Dalawang taon na mula ng maging Virgo ako at hindi ko inaasahan na tatagal ako na puro pag-escort at pakikipagusap lang ang ginagawang trabaho. Marahil walang may gustong dalhin ako sa kama dahil sa laki ng halagang nakapatong sa puri ko. 

Nakakatawang isipin na matapos ng unang trabaho ko bilang pretend fiance ng isang mayamang lalaki, unti-unting tumaas halaga ko. Hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa Spica. Bilang isang birhen at miyembro ng Spica, ang presyong katumbas ko ay lalong lumaki. Marahil hihintayin ko na lang na dumating ang taong makakabili ng puri ko.

Pero kahit ganun, hindi ko magawang mag-sisi. Sa pangangalaga ng VirGen, dun ko lang naranasan maging ligtas. Nakakatulog na ako ng mahimbing at hindi ko na kailangan magalala kung may papatay sakin.

Napa-buntong hininga ako. Naalala ko na naman kung bakit ako nandito. Bago kasi ako mapasali sa organisasyong ito ay palipat-lipat ako ng lugar para takasan ang pinag-uutangan ng lolo ko. Nang malaman ko yun parang gusto kong murahin ang matanda. Bukod kasi sa pananakit nya sakin nung nasa puder nya pa ako, nag-iwan pa sya ng propoblemahin.

Wala akong pera para bayaran sila noon kaya naman nais nilang ibenta ako sa mga sindikato. Buti nalang at may nakakita saking isang agent mula sa VirGen. Inalok nya akong maging bahagi nila kapalit ng pagbabayad nila sa utang ni lolo. Nung una ay mabilis akong tumanggi nang i-explain nya ang dapat kong gawin pag naging Virgo ako.

Kung tutuusin kasi ay parang parehas lang ang kalalabasan. Pero alam kong mas mabuti ang naging desisyon ko na maging isang Virgo. Dahil dun ay nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, minsan sobra pa. Nakakapagpahinga rin ako ng komportable dahil sa maaliwalas at magagandang kwarto. At tingnan mo nga naman, kabilang na ako sa Spica at birhen parin.

Natigil ang pag-iisip ko ng may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo at pinulupot ng comforter ang aking katawan. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sakin ang isang babae na may abong mata. Naglalaro ang ngisi sa mapula nitong mga labi.

"Hey, Calli."

"Veronica." Bati ko sakanya ng walang ngiti. Hindi na yun pinansin ni Nica dahil alam nyang ganun talaga ako.

"Don't worry, di kita aayaing uminom. Dumaan lang ako para dito." Saka nito pinakita ang isang sobre. "Ipinaaabot ni Lady M."

Napunta agad ang tingin ko sa sobreng hawak nya. Parang natuyot ang lalamunan ko dahil sa sinabi nya. Nag-aalinlangan man ay dahan-dahan kong kinuha yun mula sakanya. Iisa lang ang pwedeng dahilan ng pagpapadala sakin ng mensahe at nag-dadasal ako na sana ang nilalaman nun ay hindi ang nasa isip ko.

Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Nica. "Kung tama ang hinala nating dalawa sa nakasulat dyan, I just want you to know that I wish you the best." Sinserong sabi nya. "Kapatid na ang turing ko sayo kaya kung may problema ka, andito ako."

"Salamat." Sabi ko na hindi parin magawang alisin ang tingin sa sobreng ngayon ay nasa kamay ko na.

Naniniwala sya sa sinabi ni Nica. Kahit kasi sya ay kapatid na rin ang turing sa mga Virgo na nakasama nya. Nag-aalala rin sya tuwing may nababalitaang masamang nangyari sa mga ito. Siguro dahil na rin yun sa pare-parehas nilang pinagdadaanan. Walang ibang makakaintindi sa kanila kundi ang isa't isa. Magulo ang trabahong pinasok nila kaya naman ganun nalang ang lakas ng samahan nila.

Narinig ko ang pagpaalam ni Nica bago sya umalis pero di ko na sya nagawang sagutin pa. Sinarado ko nalang ang pinto at sumandal doon ng ilang saglit. Nang makapagipon ng lakas ng loob ay unti-unti ko ng binuksan ang sobre.

Parang tumigil ang mundo ng makita ko ang nakasulat sa papel na nasa loob nito.

My dear Virgo,

You are invited at the office.

- Lady M


Seductress (Virgo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon