CHAPTER 2

1.7K 21 13
                                    

CHAPTER 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 2


Calliope's POV

Kinakabahan ako. Dumating na ang gabi na kailangan kong gawin ang trabaho ko. Kanina ko pa pinaglalaruan ang locket ko pero hindi parin ako mapakali. Lulan ako ng sasakyan na maghahatid sakin papunta sa lugar kung saan nais ng kliyente. Sa puntong ito, parang gusto kong umatras. Pero hindi maaari. Bilang unang beses ko, hindi ako pwedeng tumanggi. 

One night stand. Iyan daw ang nais ng aking kliyente. Wala akong kaalam-alam kung sino ang lalaking kikitain ko ngayon. Madalas ay binibigyan kami ng folder na naglalaman ng kaunting impormasyon tungkol sa kliyente namin pero ngayon ay wala. Request daw kasi nito na manatiling lihim ang pagkatao.

Sumisikip ang dibdib ko sa ideyang ibibigay ko ang aking kapurihan sa lalaking hindi na ako nanaising makita pa kahit kailan. Sana lang ay matino ang lalaking yun para kahit papano ay hindi ako magsisi. 

Nang makarating sa isang sikat na hotel ay pinagbuksan ako ng pinto ng driver ko. Mukhang mayaman talaga ang kliyente ko. Handang gumastos ng malaki para lang sa isang gabi. Pagkalabas ko ay biglang umihip ang hangin. Kahit naka-fur coat ako ay dama ko ang lamig hanggang kalooban ko. Marahil dahil din sa matinding kaba at takot.

"Ms. Calli." Napalingon ako ng tawagin ako ng driver ko. "Hand this to the hotel clerk. They would lead you directly to your client."

Tiningnan ko ang inabot nya sakin. Isang card na may nakasulat na mga numero. Napalunok ako. Bumalik ang tingin ko sa driver pero blangko lang ang ekspresyon nito.

"Papasok na po ba ako?"

Tumango naman sya. "Yes, Ms. Calli. If there's an emergency, you know what to do."

Ginawa ko ang lahat para hindi magpakita ng kahit anong emosyon. Dun naman ako magaling. Magpanggap na ayos lang kahit ang totoo ay hindi naman. Tumalikod na ako sa driver ko at tinahak ang loob ng hotel.

Sabi nila matapang ako, pero taliwas ang tingin ko saking sarili. Mukha lang akong matapang pero takot na takot ako. Lalo na sa mundong pinasok ko na wala naman akong kaalam-alam.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng receptionist. Hindi ko manlang namalayan na nakalakad na ako palapit rito. Sumilay agad ang ngiti sa labi ng babaeng nandoon.

"Yes, mam?" Magalang na sambit ng babae nang mapansin akong nakatayo sa harap nya.

Walang salitang nilapag ko sa harap nya ang card na binigay sakin kanina. Nang dumapo ang tingin nya dun ay unti-unting naglaho ang ngiti nya. Nahalata ko agad ang pagdaan ng disgusto sakanyang mukha. Alam ko na ang iniisip nya. Paniguradong may ideya na sya kung ano ang ipinunta ko sa magarang lugar na ito.

Tumikhim sya bago muling bumaling sakin. "Sandali lang. Kukunin ko lang ung key card mo." Kapansin-pansin kung pano nawala ang magalang na pakikitungo nito sakin kanina.

Hay. Tao nga naman. Hindi man nya sabihin ng harapan, alam kong hinuhusgahan na nya ako. Buong pagkatao ko pati nakaraan ko.

Bumalik sya na may hawak na panibagong card. Nilapag nya yun sa harapan ko bago magsalita. "5th floor, room 6. Nakasulat naman dyan sa card imbes na makalimutan mo."

"Salamat." Mahina kong sambit bago kunin ang key card. Aalis na sana ako nang may sabihin pa ang babae.

"Meron kaming surveillance cameras sa bawat sulok ng hotel. Mag-iingat ka po, mam." Ramdam ko ang sarkasmo sa pagbigkas nya ng mam. Kung ayaw nya akong tawagin nun, dapat hindi nalang.

Tumango nalang ako at saka dumiretso sa elevator na ako lang ang sakay. Buti at nagsarado agad ang elevator pagkapasok ko. Napayukom ako ng wala sa oras. Hindi ako tanga para hindi malaman ang nais nya ipabatid. Akala nya siguro may plano akong magnakaw.

Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha. Isa ito sa mga oras kung saan hindi ko napipigilan ang damdamin ko. Marahil halo-halo na ang nararamdaman ko. Kumawala ang malalim na paghinga nang tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na ako.

"Kaya ko ito."

Taas noo akong lumabas at hinanap ang kwarto na sinabi sakin. Bumagal ang paghakbang ko nang makita ang hinahanap ko. Umiling ako nang magsimula na namang maglaro ang aking isip. Hindi ako pwedeng matakot ngayon. Nanlalamig man ay tinutuk ko na ang key card sa pad. Nang umilaw ito ay narinig ko ang isang click mula sa pinto.

Madilim at malamig. Iyan ang natunghayan ko nang bahagya kong itulak ang pinto. Pagkatapos nun ay maingat akong pumasok at dahan-dahang sinarado ang pinto. Tahimik ang kwarto ngunit hindi naman nakakatako. Bahagya ko pa ngang naaaninag ang paligid dahil sa ilaw na naggaling sa nakahawing kurtina.

Sa totoo lang ay hindi ito ang inaasahan ko. Parang nawala tuloy ang kabang nararamdaman ko kanina. Dapat na ba akong magpakasaya? Malay mo hindi na ako siputin ng kliyente ko.

"Masyado ba akong maaga?" Bulong ko sa sarili ko nang makarating sa gitna ng kwarto na wala paring nakikitang tao.

Hahakbang sana muli ako nang may madanggi ang paa ko. Nang tingnan ko kung ano yun ay kumunot ang noo ko. Bakit may bote ng alak dito? Bumalik ang kaba ko ng may marinig akong kaluskos. Kumabog ang dibdib ko nang may biglang humawak sa magkabila kong braso mula sa likod. Buti nalang at napigilan kong sumigaw. Ito na ba sya? Hindi manlang ba muna sya magpapakita sakin? Magsasalita na sana ako ngunit hindi ako nakagalaw nang maramdaman ang paglapit nya sakin. 

"S-Sir?"

Kinilabutan ako nang maramdaman ang mainit na pag-hinga malapit sa leeg ko. Ramdam ko ang paglapat ng labi nito sa aking leeg. Unti-unting tumaas hanggang makarating sa aking tenga.

"Nice to meet you, love."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seductress (Virgo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon