Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 1
Archer's POV
I was lazily sitting on my swivel chair when someone knocked at the door. "Come in." I coldly commanded.
Pumasok ang sekretarya kong lalaki na may dalang mga folder. I made sure to hire a male secretary. Pag babae kasi ang sekretarya ko ay nauuwi lang kung saan ang mga pangyayari. I try my best to seperate business and pleasure. My billion-dollar company would be a waste if I put my libido first.
"Sir, dumating na po ang mga profile ng babae mula sa VirGen."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mark, my secretary. "Profiles?"
Nilapag muna nya ang mga folder sa table ko bago magsalita. "Piliin nyo daw po kung sino ang gusto nyo sa mga babae, pagkatapos ay tumawag daw po kayo para ipaalam sakanila kung sino ang napili mo."
"The fuck?"
I can't help but curse. Ang daming kaartehan! Isang gabi lang naman pero ang dami pang pinapagawa. My friend actually suggested this to me. Nakwento ko kasi sakanya yung mga babaeng nakama ko na naghahabol sakin at kung umarte ay parang kami. Sabi nya mapagkakatiwalaan daw ang VirGen. Walang hahabol at malinaw na no strings attached.
"You can go." Sabi ko kay Mark na halatang kanina pa kinakabahan sa pagkainis ko.
Nang makalabas sya ay kinuha ko agad ang cellphone ko at tumawag sa VirGen. Ilang ring palang ang lumilipas ng may sumagot. "Good morning. How may I help you?"
"This is Archer Monteverde."
"Hold on for a second, Mr. Monteverde." saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya. "Oh, I see you have received the profile of the girls."
Saglit akong nagtaka kung bakit alam nya ang pakay ko. Hmm. It looks like they have logistics tracking. Mukhang mataas nga talaga ang seguridad pagdating sa mga kliyente at empleyado nila.
"Yes, and something is within my concern."
"What is it, sir?"
"I only asked for a one night stand. Why do I need to choose? Just send me someone good."
"I'm sorry but we can't do that, sir. As a high-profile client, it is our duty to serve you at our best."
I sighed. Napatingin ako sa mga folder na nasa harap ko. Kailangan ko pa bang buklatin ang mga yun para lang sa isang gabing tusukan? "You won't send someone unless Ichoose, won't you?"
"Yes, sir. And I'm currently looking at your profile, Mr. Monteverde. According to this, you want a safe, clean, and professional woman for a one-night-stand. In addition, you don't want an amateur." I rolled my eyes. Ako ang nagsulat nun, bakit kailangan pang ulitin? "Lahat po ng ipinadala naming profile ay ayon sa nais nyo. May napili na po ba kayo?"
Walang gana kong inabot ang kahit anong folder na mahawakan ko. I don't care anymore who the girl would be. Pagkabukas ko ng folder na nakuha ko ay napa-awang ang bibig ko.
Dumapo ang tingin ko sa picture na nandun. Parang nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa ganda ng babae. Her eyes were hypnotizing. This woman can launch a thousand ship and make men fight for blood. She's perfect.
"Beautiful." She's not pure Filipina that's for sure. Ramdam ko ang halo-halong emosyon sa likod ng malalamig nyang titig. "Calliope Reid." Wala sa sariling basa ko sa pangalan nya.
"Good choice, sir. Kabilang po sya sa Spica, ang pinakamagagaling naming Virgo."
continuation of the PROLOGUE...
Calliope's POV
Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko habang nakatayo sa tapat ng pinto ng office. Sa likod ng walang emosyon kong mukha ay puno ako ng takot. Kahit ilang beses kong inihanda ang sarili ko para sa pagdating ng araw ng ito, natatakot parin ako. Para matanggal ang kaba ay huminga ako ng malalim. Kailangan kong harapin ito. Medyo nanginginig man ay kumatok na ako sa pinto.
Pagkalipas ng ilang segundo ay bumukas yun. Bumungad sakin ang sekretarya ni Lady M na si Lisa. "Oh, Calli. Come in, Lady M is expecting you."
Katulad ng sinabi nya ay pumasok na ako. Tumambad sakin ang opisina nya na konektado sa opisina ni Lady M. Hindi ko na nagawang umangal ng mauna sya sa paglalakad. Wala akong nagawa kundi sumunod.
Parang kumabog ang puso ko ng makita ko na si Lady M. Hindi sa takot ako sakanya, mabait at sinsero si Lady M saming mga Virgo. Sadyang kinakabahan lang ako.
"Lady M, Calli is here."
Dahil sa sinabi ni Lisa ay napaangat agad ang tingin ni Lady M mula sa mga papeles na binabasa nya. Kung titingnan ay para itong modelo. Sa edad kasi nito ay di mo mahahalatang may asawa at tatlong anak na ito. Batang-bata pa ang mukha na bumagay sa makurba nitong katawan.
"My dear Virgo, Calliope! It's good to see you. Maupo ka."
Hindi ko ipinakita ang pagaalinlangan ko at naupo na sa upuang nasa tapat ng desk ni Lady M. Ang kaninang kaba ay bumalik ng makita ko ang pagalis ni Lisa. Ibig sabihin lang nun ay wala na akong takas sa kung anong sasabihin ni Lady M sakin.
"Magandang hapon, Lady M." Bati ko sakanya.
Kahit alam kong hindi ko magugustuhan ang kalalabasan ng usapang ito ay di ko parin magawang magalit kay Lady M. Wala syang ibang ipinakita sakin kundi kabutihan at kung ano mang trabaho ang meron ako, ako ang may gusto nun.
"Magandang hapon rin, Calli. So, I bet you have an idea why you're here." Napalunok ako dahil sa sinabi nya.
"Ipapadala nyo na po ba ako sa unang trabaho ko?"
Malungkot na ngumiti sya sakin. "I'm sorry, I couldn't do anything. Ikaw kasi ang napili ng kliyente."
"Wag po kayong mag-alala. Ako rin naman po ang may gusto nito."Simula pa naman nung una ay alam kong ito rin ang patutunguhan."
"If you're not ready, you can refuse."
Parang napa-isip ako sa sinabi ni Lady M. Tama sya. Pwede akong tumanggi, pero ang kapalit nun ay isang violation. Hindi naman ako pwedeng tumanggi ng tumanggi palagi. Wala pa akong violation na nakukuha pero pag umabot ng tatlo yun ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Kung hindi ngayon, kailan pa?
"Handa na po ako." Sinabi ko yun ng may munting ngiti.
Hinawakan ni Lady M ang kamay kong nakapatong sa lamesa at bahagya iyong pinisil. Kita ko ang simpatiya sa magaganda niyang mata. "Alam kong katulad ng karamihan sa mga Virgo, hindi mo rin ito ginusto. You just had no choice in the first place."