Alex' POV
Iyong katawan niya ay... lasog-lasog. Naliligo siya sa sarili niyang dugo. Sobrang dami niyang saksak sa katawan. Parang hindi mo na nga siya makikilala dahil sirang sira talaga ang buong pagkatao niya. May napansin ako. Wala iyong kaliwang kamay niya. Nasan na kaya? Dinala siguro ng killer. Bakit naman niya dadalhin? Anong silbe n'on sa kanya? Kung ako sa kanya, hindi ko na dadalhin iyong kamay kasi iyon lang ang magpapahamak sa akin.
" Guys? Nasan pala iyong kaliwa niyang kamay?" nagtataka kung tanong sa kanila.
" Hindi rin namin alam." sagot no'ng lalake.
Tinignan ko rin iyong iba kaso hindi sila kumibo rin. May narinig ako na tunog mula sa sasakyan ng mga pulis at ambulansya. Dumungaw ako mula dito sa rooftop. May barrier naman na hanggang dibdib ko kaya hindi ka muhuhulog agad agad. Bumaba mula sa sasakyang iyong mga pulis at iyong mga nurse. Dumeretso agad sila dito sa building.
" Guys! Nandito na ang mga pulis." sabi no'ng babae na may pagka chubby.
Nagsiayusan na ang lahat. Tumayo na sina Marvz at Janlily mula sa pagkakaupo. Pinunasan na nila ang kanilang mga luha gamit ang kanilang mga panyo. Tinignan ko rin iyong iba kong mga kaklase. Nagsiayusan na rin sila. Pagdating ng mga pulis sa rooftop ay pinaalis nila kami mula kay Liza. Nilagyan nila ng tape na may nakasulat na " police line don't cross " sa palibot ng babae. Nilagay nila iyong katawan niya sa loob ng itim na bag na pang human size. Binaba na nila iyong bangkay ni Liza. Pagkatapos non ay sinimulan na nila mag-imbestiga mula sa amin.
" Sinong unang nakakita sa kanya?" sigaw na tanong no'ng pulis.
Biglang may tatlong lalake ang nag taas ng kamay.
" Anong oras niyo nakita iyong biktima?" tanong ng pulis sa kanila.
" Mga 15 mins. ago sir" sagot nong isang lalaki.
" Bakit naman kayo pumunta dito sa rooftop?" dagdag niyang tanong.
" Maglalaro po sana kami dito ng Mobile Legend kaso naudlot po dahil dito. " sabay turo niya kung saan nakahandusay kanina si Liza.
" Pagkakita po namin sa kanya ay tumakbo po kami kaagad sa room namin para sabihin sa kanila kung ano ang nangyari." wika naman nung isa pa nilang kasama na lalaki.
" Maaari ba namin kunin ang mga pangalan niyo?" tanong nung pulis.
" Ako po si Mark Ray Bungaman. Siya naman po si Paul Ron Jonpeto." sabay turo niya sa lalaking nasa kaliwa niyang side. Iyong kaninang lalaki sumagot sa tanong ng pulis na kung ano ang ginagaw nila dito sa rooftop. Maypagka brown siya. I mean... dark brown. Hahaha! JK! Pero bagay sa kanya iyong color niya kasi parang nagpagwapo sa kanya. Iyong lalaki naman na si Mark ay maypagka pilyo base ko sa kanyang mukha. Ang daming pimples. Ewww! Maarte rin pala ako guys kung hindi niyo na tatanong. At paano niyo rin naman matatanong eh nagbabasa lang kayo diyan. Ang tanga ko lang. Maypagka pandak rin ito Mark.
" At eto naman si Sherman Yapada." turo naman niya sa lalaking nasa right side niya. Ito naman siya ay brownish rin. Maraming polka dots sa katawan niya. May malalaki rin siyang eye bags. Ang iitim pa talaga. Lagi siguro tong tutok sa internet lalo na sa online games kasi sobra talagang black.
" Sa inyo namang lahat, sino ang huli niyang nakasama?" tanong niya sa aming lahat.
Binasa ko kung ano ang pangalan nitong pulis na nakasulat sa dibdib niya. Rowa, J. Parang familiar. Hmmm... Saan ko nga ba iyan nabasa o narinig?
" Ako po!" sabay taas ng kanang kamay nong lalaki.
" Anong pangalan mo?" tanong ng pulis na si Rowa sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Double Sided
Mystery / ThrillerThis story is all about a student who has a tragic past. The student forget it until something happened... Can you follow the student to know what is going to happen in its life? Follow the student journey to finish the life of its classmates. You...