Alex' POV
Hay buhay!!! Ang bilis ng panahon. Ngayon, highschool na ako!!! Parang kailan lang, elementary pa ako. Ano kaya ang mangyayari sa araw na ito? Magkakaroon kaya ako ng kaibigan? Sana iyong totoo naman sa akin. Ayoko kasi sa mga fake at plastic. Sobra silang kadiri. Tama na nga ang pag-iisip. Tumayo na ako sa pagkakahiga sa kama at niligpit na ito. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa banyo para maligo. Sabon dito, sabon doon. Habang naliligo kumakanta ng kahit ano basta may makanta. Nang matapos na ako maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko. Nagsuklay at nag ayos ng pagmumukha ko. Kahit nga hindi ko na ayusin ang pagmumukha ko, okay na kasi maganda ako. Tinignan ko na ang oras sa phone ko. It's already 7:36am. Ang tagal pa ng oras para pumunt... Wait!!! Anong oras na? OMG!!! 8:00am iyong class namin tapos 7:36am na!!!! First day of class, malelate?! Ang pangit kaya no'n. Hindi kasi ako sanay malate at umabsent. Nagmadali na ako sa pag-aayos at kinuha ko na ang bag ko at umalis ng bahay. Sa school na lang ako kakain. Kailangan ko pa sumakay ng jeep papunta sa school. Mabuti na lang at may dumaan pag labas ko. Pagsakay ko ay humarorot kaagad ito. Grabe siya! Hindi pa nga ako nakakaupo, lumarga na siya! Natumba tuloy ako sa isang guy dito. Pagtingin ko sa kanya, parehas kami ng uniform. Ang gwapo pa naman niya. Pwede kaya maging kami?! Bagay talaga!!!
"Miss? Okay ka lang? Pwede tumayo ka na diyan sa sahig at umupo kasi pinagtitinginan ka na nila." sabi ng guy sa akin.
Tumingin ako sa mga tao. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin kaya tumayo kaagad ako at umupo sa tapat kung saan siya nakaupo. Tinignan ko na ulit siya pagkatapos ko magbayad ng pamasahe. Nakatingin siya sa labas. Nag-iimagine ako sa kanya at sa akin if magkakatuluyan kami. Mga babies namin. Mga sampu kaya!!! At kasya!!!! Nastop ako sa pag-iimagine ng ...
"Hoy miss! Diba dito ka lang?" sigaw nung driver sa akin.
Tumingin ako sa labas at nandito na nga kami. Tumingin ako sa harap at wala na siya. Kanina pa siguro siya bumaba.
" Ay! Sorry po kuya!!! Hehehe!!!" with peace sign pa.
Bumaba na ako ng jeep kasi galit na iyong mga tao sa akin. Pagbaba ko, nakita ko sa taas ng gate ang nakasulat na 'Jelario Highschool' . Pumasok na ako sa gate at pinakita sa guard ang id ko. Tinignan ko sa phone ko kung anong oras na. It's already 7:51am. So tumakbo na ako sa room namin. Kahit bago ako dito, alam ko na ang lahat about sa school na ito dahil inexplain na sa akin ang lahat nung nagpaenroll ako. Nasa 3rd floor ang room ko kaya tumakbo ako ng mabilis. I took the hagdanan kaysa sa elevator kasi mapapatagal pa ako sa pag arive. Marami parin student akong nakikita. Nang nasa 3rd floor na ako, dumeretso ako sa dulo ng 3rd floor sa left side. Nang malapit na ako sa room ay nagstop muna ako para magpabango at magpunas ng pawis ko. After that, pumasok na ako sa room. Marami na sila sa room na nagkwekwentuhan. Dumeretso ako sa pinakalast chair sa left side at doon umupo. Hindi rin nila ako napansin kasi busy sila. After mga 3 min., dumating na iyong adviser namin.
"Good morning class. I am Ma. Freya Selesta. Ang inyong adviser at subject teacher sa Math." masaya niyang bati sa amin.
"So before we start our class, meron tayon transferee from the other school. There are 3 students: Ms. Sanchez, Mr. Jalahas, at Ms. Gallea. Kindly introduce yourself in the front of class." sabi ng aming guro.
Tumayo na ako at dumeretso sa harapan. Hindi kasi ako mahiyain na person.
"Goodmorning everyone! I'am Alexandra de Rossi!!!" sabi ko sa kanila.
Nagsitawanan naman sila.
"Charmos lang iyon guys. I'm Alexandra Sanchez but you can call me Alex for short. 16 years old from Quezon City!!!" pagkatapos no'n ay sumayaw ako ng budots na mild lang!!!!
Nagsitawanan ulit sila. I love to see people happy because of me.
"Okay. Thank you Ms. Sanchez for your kabogable introduction. Next, Mr. Jalahas" masayang sabi ni maam. Umupo na ako sa upuan ko at nanood sa sunod na magpapakilala.
"Jefferson Rey Jalahas" pagkatapos no'n ay umupo na ulit siya.
"Owh! Shy type pala ito si Mr. Jalahas but gwapo naman!" sabi no'ng babae na nasa harapan ko.
Ang konti naman ng intro niya. Actually siya iyong lalaki kanina sa jeep at most specially, 1 chair away lang siya sa akin. May vacant seat na nasa pagitan namin.
"Next, Ms. Gallea" teacher said.
May biglang pumasok na babae sa door. Mukhang bago pa siyang dating.
"Sorry Maam if I am late because nasira kasi iyong sinasakyan kong motor papunta dito." sabay bow kay maam.
"Okay lang iyon. Introduce yourself now." Maam said.
" Goodmorning everyone! I am Rhea Marie Gallea. 15." with wave hands to the class.
Naghanap siya ng mauupuan kaso ang natitira na lang ay iyong nasa gitna namin ni Jefferson. Dumeretso siya doon at umupo. Nagsmile siya sa akin at nagsmile rin ako sa kanya. Nagpakilala ulit siya sa akin at nagpakilala rin ako sa kanya. Pagkatapos ay nagsmile siya kay Jefferson kaso dedma ang kuya mo.
"Mamaya na kayo mag usap usap pagkatapos ng class. I hope na maging friendly kayo sa new classmates niyo. Lets start the class" pagkatapos noon ay nagsimula na siya sa pagtuturo.
Iyong ibang studyante ay nakikinig at nagsusulat ng diniscuss ni maam at isa na ako doon samantalang iyong iba ay parang wala lang sa kanila parehas nitong nasa harapan ko. Tinignan ko si Jefferson na nakikinig kay maam. Ang gwapo niya talaga. Habang nakikinig ako while nakatingin sa kanya, biglang sumagabal itong isa. Tumingin na lang ulit ako sa board at nakinig. Nakita ko sa peripheral view ko na nakangising nakatingin sa akin si Rhea. Baka nahalata niya.
~ ~ ~ ~ ~ • ~ ~ ~ ~ ~
Author's Note:
So ito na guys. First chapter pa nga lang ay may pumapag-ibig na. But this story is not for romance. This is for mystery. But lalagyan ko siya ng kaunting timpla mula sa romance para maging malasa iyong story natin. So thank you for reading guys. Please don't forget to vote, comment and share this story guys para bongga na. See you in next update. Byers.
~Mr. Jeff
BINABASA MO ANG
Double Sided
Misteri / ThrillerThis story is all about a student who has a tragic past. The student forget it until something happened... Can you follow the student to know what is going to happen in its life? Follow the student journey to finish the life of its classmates. You...