Unang Kabanata

15 0 0
                                    


Venus' POV

Naghahari ang katahimikan sa buong paligid. Tutok na tutok ang mga estudyante sa entablado habang hinihintay na lumabas ang susunod na mag-aaudition para sa Glee Club ng school namin.

At ang masaklap, ako yung susunod na magpeperform sa stage! Kinakabahan ako, naiihi, masakit ang tiyan, nahihilo, mahihimatay, hayyss basta lahat na ng feelings nararamdaman ko na!

"Next" Sabi ng emcee na mukhang bored at naiinip na dahil kanina pa ako hindi lumalabas kaya tahimik na yung mga nanonood.

Hawak-hawak ko na ngayon ang mikropono. At kahit nanginginig ang mga kamay at paa ko, humakbang na ako ng paunti-unti hanggang sa makaabot ako sa pinakagitna ng stage.

Pinagpapawisan na ako sa kaba. Parang pinagsisisihan ko na nilista ko pa ang pangalan ko dito sa Glee Club na 'to.

Oo may stage fright ako, at hindi ko ginusto 'to. Bata pa lang ako ay nakitaan na ako ni Mama ng hilig sa pagkanta. Gustung-gusto kong kumakanta dahil ito ang bagay na nakakapagpasaya sa akin. Sabi pa nga niya maganda daw ang boses ko, kaya lang kulang pa sa practice. Pero tuwing sinasali ako sa mga singing contests at tuwing pinapakanta sa harap ng klase, hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko. Natatakot ako dahil na rin siguro sa mga doubts.

Pero si Tito Arnold ko na nasa abroad ang nag-convince sa akin na mag-audition dito. Sabi pa nga niya, pagkakataon ko daw ito para mag-shine. Sana nga. Kung wala na lang sana akong stage fright.

Nagising nalang ulit ang diwa ko. Andito na ako. And there's no turning back. I have to set aside my fear, para kay Mama at kay Tito.

Nagsimula na ang musika. At nagsimula na rin akong kumanta.

Hearts beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall

Sabay ng pag-uumpisa ng performance ko ang walang tigil na pagtulo ng pawis ko at pagtibok ng puso ko. Ano ba yan! Inaatake nanaman ako ng stage fright ko.

One step closer
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thou-OHH! Ahem! Ahem!

NO! Pumiyok ako! No! No! No!

Umalingawngaw ang tawanan ng lahat. Pati rin ang mga teachers na nakapanood ng performance ko.

Dahil sa kaba, kung bakit nawala ako sa focus. Dahil sa kaba, kung bakit nangyari ito.

Hindi ko na sinayang ang oras na panoorin kung gaano nila ako tawanan. Nag walk-out na ako sa stage nang lumakas pa ang mga tawanan nila. Wala na akong pakialam kung hindi ko man lang natapos ang performance ko.

Tumakbo ako, tumakbo papalayo malayo sa mga taong nilagay ako sa napakalaking kahihiyan.





Pumasok ako sa loob ng bodega. Wala namang makakakita sa akin dito kaya dito ko nalang ibubuhos ang emosyon ko. Wala na rin akong pakialam sa amoy ng mop at chemicals na ginagamit pang-linis. Umupo ako sa isang sulok at hinayaan nalang na tumulo ng kusa ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Sana hindi nalang ako sumali sa lintik na audition na 'to.
Edi sana hindi ako nalagay sa ganitong sitwasyon.
Sana hindi ko nalang ipinagpatuloy ang matagal ko nang pangarap. Edi sana hindi nila ako pinagtawanan ng ganito.

Napaka-sama nila.
Dapat bang pagtawanan ang pagkakamali ng isang tao? At ano namang mapapala nila dun? NAPAKAMAKASARILI TALAGA! NI HINDI MAN LANG INISIP ANG NARAMDAMAN KO!

Hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko, pinagbabato ko nalang ang mga gamit na nandito sa paligid ko at sa gayon mabawas-bawasan naman ang bigat sa dibdib ko.




Ilang sandali lang ay may narinig akong tunog ng kaluskos at parang may boses na bumubulong sa bandang kanan. Maluwang naman tong bodega kaya naririnig ko pa to dun sa corner. Kaya napatigil ako sandali sa kadramahan ko.

Tinignan ko naman yung mga gamit na pinagbabato ko ngayon lang. Phew! Buti naman mga empty bottles lang ng mga cleaning products at mga duster at walis lang yung nabato ko. Hay! Buti nalang walang nabasag at nasira kundi lagot ako.

Bumalik ang atensyon ko doon sa naririnig ko sa may dulo. Hindi ko kasi makita kung sino yun o kung ano man yun dahil marami talagang gamit na nakatambak dito sa loob.

Naglakad ako ng dahan-dahan at sinisigurado ko na walang tunog ang bawat yapak ng mga paa ko.

Nang makalapit na ako ng konti, sumandal muna ako sa isang cabinet at unti-unting sinilip kung anong meron doon sa may maingay.

What the?! Anak ng pating naman oh?!

May mag-shotang magka-akbay at naglalanjutan!

Pareho silang naka-upo at nakasandal sa pader habang tumatawa ng pabulong at ang sweet-sweet pa kuno. Bwisit naman, tinakot pako ng mga loko! At dito pa talaga sa bodega ah!

"Hoy! Mga malandi!" Sigaw ko. Ewan ko ba sa sarili ko, nanggigigil kasi talaga ako kapag nakakakita ako ng mga mag-jowa. Lalo na kung halos ka-edad ko lang. Weird na kung weird basta yun ang trademark ko, haha!

Gulat naman silang napalingon sakin. Wow ha, kanina pa ako nagdadrama dito sa loob tapos parang ngayon lang nila nalaman na di lang sila ang nandito. Ganun ba ang nagagawa ng "love" sa tao, makakalimutan mo na ang nasa paligid mo basta kasama mo siya? TSK TSK!!!

Napabitaw na sila sa pagkakaakbay. Haayy! Mas mabuting tignan kung di sila magkasama.

"Lamporeber!" Sigaw ko ulit sa kanila. "Maghihiwalay din kayo! Kawawa mga magulang niyong nagpapaaral sa inyo! Haayy! Napakapusok talaga! Ew, ew, ew!" Alam kong nagmumukha nakong takas sa mental neto. Eh wala akong magagawa, sa kanila ko nabuhos yung sama ng loob ko eh.

Bigla kong dinampot yung isang maliit na timba na nasa gilid ko lang at sabay kong binato iyon papunta sa kanila. Sakto namang na-shoot iyon sa ulo nung babae. Tapos tinutulungan pa siya nung lalaki na alisin yun sa ulo niya kaso mukhang mahihirapan sila kasi saktong-sakto yun sa ulo nung babae, hahaha! Boom panes!

Hindi nila ako nagawang kalabanin dahil isusumbong ko sila sa principal tapos ipapatawag yung parents nila and super duper lagot nyan sila. Kaso wala nakong balak isumbong sila. Nakokonsensiya din ako sa ginawa kong kalokohan noh.




Naglalakad ako ngayon sa hallway habang suot-suot ko yung hoodie ko para makaiwas sa mga nakakairitang tingin na binibigay nila sakin. Sikat na ako sa buong school eh. Sikat sa bansag na "Ang babaeng pumiyok". Ugh! Kainis! Ang malas talaga ngayong araw.

Vote and Comment if you     liked my story <3

Two Voices, One DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon