Kilalanin ang Pangunahing Karakter

9 0 0
                                    

Hanggang saan maririnig ang tinig ng dalawang pusong nagmamahalan?

~~~~~

Kilalanin si Venus Gadiongco, isang dalaga na "aspiring singer since birth". Ngunit pinipigilan siya nito ng kaniyang "stage fright" at ng mga tao na humihila sa kaniya pababa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng angking kagandahan na siyang pangunahing dahilan upang kainggitan ng nakararami.

Ngunit si Venus ay hindi naniniwala sa pag-ibig, sa madaling salita ay bitter siya sa love. Malalaman rin natin kung bakit as the story goes by.

Tunghayan ang kwento ni Venus Gadiongco at samahan siyang mainis, umiyak, tumawa, kiligin, at higit sa lahat ay tuklasin ang sagot sa kaniyang mga katanungan.

May tao pa kaya na magiging dahilan upang siya ay maniwala sa pag-ibig ulit?

~~~~~

ANU-ANO ANG AASAHAN NG MGA MAMBABASA SA KWENTO? (Author's Note)

So, una sa lahat binabati ko kayo ng Magandang Umaga/Hapon/Gabi! :)

Papangunahan ko na kayo, hindi ako eksperto pagdating sa pagsulat o paggawa ng kwento hahaha kaya pasensya na kung may makikita kayong mali sa spelling, grammar, at sa flow ng story hehehe.

So ayun nga, ang pangunahing dahilan kung bakit ko isinulat ang istoryang ito ay dahil ito ang paraan ko upang maipamahagi ang mga aral na natutunan ko na sa aking buhay, I hope may matututunan din kayo pag natapos niyo nang basahin ito :)

Ang sunod na dahilan naman ay binalak kong gumawa ng isang kwento na kung saan ito ay nangyayari talaga sa buhay ng isang ordinaryong tao, as much as possible kasi ayokong magsulat ng story na imposible namang mangyari sa totoong buhay dahil gusto kong makarelate lahat ng makakabasa ng story ko. And another thing is kapag yung story na binabasa ng isang reader ay fiction o hindi makatotohanan, pwedeng umasa siya na mangyayari rin sa kaniya ang nangyari dun sa bida ng kwento na binabasa niya. Masakit kayang umasa sa wala, diba?

Next thing is gagawin ko ang best ko para hindi maging clichè yung story. Aminin natin, nakakasawa na yung mga kwento na paulit-ulit nalang hahahaha! Pero ewan ko lang, baka maging clichè tong story ko para sa inyo kasi hindi pa naman ako pro writer ehh hahaha. Basta gagawin ko tong nakakatawa, nakakaiyak, at nakakakilig! Hahaha!

At sa tingin ko baka mainis kayo dun sa bidang karakter natin na si Venus. Kasi weird at OA talaga siya, hindi mo makikita sa isang ordinaryong babae yung pag-uugali niya. Pero sana meron ding maka-relate sakanya na makakaintindi pa sa sitwasyon niya ;)
Kahit ganon, sigurado naman ako na mamahalin niyo pa rin naman siya ihh hahahaha!

Lastly, gusto ko lang i-clarify na wala akong ginagaya na kahit sinong sikat na author. Kung may makita man kayong paghahalintulad ng sinulat ko sa sinulat ng iba, IT IS PURELY COINCIDENTIAL.

Dito ko na tinatapos ang Author's Note baka ma-ispoil kayo pag pahahabain ko pa to hahaha!

Inaanyayahan ko kayong lahat na basahin ang Two Voices, One Dream <3 at ilagay niyo na ito sa inyong mga Library! Maraming Salamat!

Two Voices, One DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon