Shaneeeeeeeeee! Iyan ang nakakabulabog na boses na gumigising sa mahimbing kong pagtulog.
"Kuya Chris naman! Linggo pa lang ngayon, wala pang pasok!" balik-sigaw ko rito. Dinaig pa alarm clock sa paraan ng panggigising at isama pa ang malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Linggo?"nagpapatawa kaba ? Baliw! Lunes na ngayon. Lumabas ka na nga r'yan! 'Nga pala kumain kana r'yan naka luto nako ng almusal mo!
Mabilis pa sa alas-kwatrong napamulat ako. Ano raw, Lunes na ngayon? Diyos ko,Shane!
"Oo na, babana ko!" , ilang sandali lang i heard my kuya's footsteps na para bang nagmamadali, maybe his late again for his work. Kung meron mang award sa papaging late sa trabaho , iam sure kay kuya mapupunta yun.
Tamad talaga akong bumangon ever since at du'n ko lang naisip na first day ngapala ng klase. Isa iyon sa ayaw ko sa sarili ko, Iam good in forgetting things - important things. Tulad ng nakasanayan ko tuwing rasahan. Pagkatapos ko kumain ay nagmadali nakong gumayak para sa pagpasok sa school. Eutinics ang una kong klase, tatagal iyon ng isa't kalahateng oras at masusundan kaagad ng hanggang tanghali, pagkatapos ay isa pa. Sa kasamaang palad ganito ang magiging routine ko tuwing Lunes.
Gaya nga nang inaasahan ko, Late nako. Nagmadali akong buksan ang pinto at lahat sila ay napatingin sa ginawa ko, pati ang isang babae sa pinakaharapan. Aminado akong mali ang ginawa ko, ngunit hindi ko nagustuhan ang uri ng tingin nila sakin. Hindi naman siguro kasing bigat ng Homicide ang naging kasalanan ko, Hindi ba ?
"Miss?" tanong ng guro sa'kin
"Shane Agnes po , Ma'am." sagot ko
"Ms. Agnes , first day ang you're late? Magandang simula." Batid kong hindi pagpuri ang gusto niyang iparating sa'kin.
"Ma'am, sorry po. Traffic po kasi," pagpapalusot ko. Alam ni God kung gaano ko kagustong makalusot sa sitwasyong tulad ngayon.
"Take your seat , sa susunod na mahuli kapa sa klase ulet , you'll get your punishment. Maliwanag ba?"
"Yes, Ma'am" nakayuko kong sagot.
Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko. Hindi naman sa sinasadya ko iyon, talaga lang sinumpong ako ng pagkakunat pumasok ng maaga. Dumiretso ako sa pinaka-likod , papunta sa isang bakanteng upuan doon.
Grabe, unang araw palang ng klase gumagawa agad ako ng eksena! Habang patungo sa uupuan ko , doon ko napansin ang lalakingnakatingin sa'kin. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa hiya. Narinig kaya niya ? Oh lupa , isinusuko kuna ang katawan ko sa'yo! Nang subukan kong tingnan ang direksyon niya agad itong umiwas at tumingin sa harapan. Tanging sideview niya na lamang ang nakita ko. Makisig , matangos ang ilong , malaperpektong hugis ng panga at may pagka moreno.Hindi mapagkakilang isinisigaw ng presensiya niya ang pagkagandang lalaki nito .
Natapos ang klase namin nang hindi ko namamalayan at tama nga ang hinala ko, puro tungkol lang sa buhay niya ang mga sinabi ng guro namin. Gusto ko sanang magprotesta sa ginawa niya kanina sa akin , ngunit kung tutuusin may mali rin ako at may karapatan siyang punahin ito. Mas minabuti ko nang lumabas na lang at dumiretsiyo sa banyo. Tadhana nga naman, dahil pagkalabas ko, nasa tapat ng kwartong aking papasukan ang lalaking kanina ay katabi ko.
Magkaklase kaya ulit kami ? tanong ng isip ko. Lumapit ako sa kinatatayuan niya pero agad na napatigil. Ngayon ko lang napansin na, medyo matangkad siya sakin. matikas ang katawan niya, tama lang ang gupit ng buhok. Naka puti siyang t-shirt na nakatiklop ang manggas at tinernohan pa ng backpack niyang itim. Makha siyang isang ordinaryong estudyante na ang sarap titigan. 'Yung mapagkakamalan mong sa unang pasok palang , pwede na bansagang hearttrob.
"Math03 ka rin ba?" tanong ko. Nakakahiya man ngunit kailangan kong gawin ito, ayokong isipin niya na maldita ako. Hindi ko alam kung narinig niyaba ang mga binulong ko kanina or what. Ang alam ko lang, kailangan kong maiba ang first impression niya sa akin.
Tumunghay siya at doon nagtama ang mga mata namin. Iba talaga ang mga titig niya, wari'y kinikilatis ako.
"Hello? Math03 ka rin ba?" pag-uulit ko pa. Hindi niya ba ako naririnig? May itsura sana, bingi lang!
Nagulat ako sa biglaan niyang pagharap sa kanan at saka umalis. Walang-isang salita, dumiretso sa banyo ng mga lalaki. Para akong tanga na pilit ipinamumukha sa sarili ko ang kahihiyang ginawa ko. Ni tumango hindi man lang niya nagawa.
Suplado! sigaw ng utak ko. Alam mo na kasing naka-earphone, nagtanong kapa, kung hindi ka ba rin naman tanga! Dagdag sermon ko sa sarili ko.
Maya-maya pa ay tumunog na ang bell, nagsimula na muling mapuno ang hallway ng mga estudyante. Lahat ay nag-aabang sa gilid ng room nila. Mabilis akong pumasok sa loob ng room, oras na nabuksan ito. Nagpakilala agad si Ma'am Giergos, isa sa mga paborito kong guro dito, isama pa na paborito koring subject ang mga ituturo niya - which is all about Math.
Isa akong Third Year Business Administration student dito sa St. Lorenzo University. Nag-transfer ako noong unang taon ko sa kolehiyo-second semister. Iyon ang dahilan kung bakit ngayon ko pa lamang kinukuha ang subject na Eutenics.
Nang makaupo, agad akong lumingon-lingon sa paligid. Hinanap ko ang aking bestfriend na si Hazel, ngunit mukhang tinotoo niya ang sinabing hindi siya papasok sa unang araw. Mabilis lang ang ginawang pagtuturo ni Ma'am. Pagkatapos ay dinismiss niya na kami.
Ang pagtayo sa hallway lamang ang ginawa kong pampalipas oras. Tinitignan lahat ng taong dumadaan. Hanggang sa matanaw ko na naman ang lalaking suplado na iyon. Ang lawak ng campus, bakit lagi ko siyang nakikita? Umiinit tuloy ang dugo ko. Naalala ko lang kung paano niya ako hindi pansinin. Nakakainis at the same time, nakakahiya!
Napunta sa kaniya ang atetnsiyon ko. Napansin kong lumingon siya patungo sa direkyon ko at dahil sa pagkabigla, muntik nang mahulog ang cellphone na hawak-hawak ko. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kaniya, ayokong isipin niya na tinititigan ko siya kahit ganoon na ang kinalalabasan. Baka akalain pa ng supladang 'yun,may gusto ako sa kaniya.
Lumipas ang oras, minabuti ko nang i-text ang bestfriend kong si Hazel na may lahi 'ata ng pakasutil. Dahil doon, nalaman ko na kasama niya pala ngayon ang boyfriend niyang si Justin. Talagang mas inuna niya pa ito kaysa sa pagpasok. Kung ako ang tatanungin, hindi ako boto kay Justin, pero ano ngabang magagawa ko kung siya ang mahal nito.
Mag-isa akong kumain ng lunch at sa isang convience store na lamang nauwi ang lahat. Agad din akong bumalik sa school at doon pumasok sa natitira kong klase. Nagpakilala lang ang mga bago at dinismiss din kaagad. Dahil malapit lang naman ang bahay namin, sampung minuto kung mag biyabiyahe, mabilis akong nakauwi. Laking gulat ko sa kung sinong dinatnan ko sa bahay.
"Ate? Ate ikaw nga! Kailan kapa po dumating? Namiss po kita, sobra! pagyakap ko nang mahigpit kay Ate Maine, girlfriend ni Kuya Chris. Kasundo ko lahat ng girlfriend ng mga kapatid ko. Wala naman kasing pinakitang masamang pag-uugali sa'kin, at basta mahal ng kapatid ko, dun ako.
Si kuya Chris ang panganay he's 25 and graduate of Computer Science , Si kuya Third naman ang pangalawa, he's just 22 but starting to create his own name into Business World. Ang totoo niyan, laki ako sa poder ng dalawa kong kapatid.Ako ang bunso at syempre nag-iisang babae. Kakatuntong ko palang sa tamang edad, kaya siguro daig pa ng mga kapatid ko ang gwardiya sibil sa Luneta. Sina Mama at Papa naman ay nag tratrabaho sa States.
Sina kuya ay very supportive sakin kaya kahit wala sina Mama at Papa ay masaya nako dito.
BINABASA MO ANG
ANG SUPLADO KONG CRUSH [SLOW-UPDATE]
Novela JuvenilAko si Shane . Ako yung tipo ng babae na hindi masyadong pa girl. Wala akong pakialam sa kung ano man ang tingin sakin ng mga tao. Ang mahalaga gusto ko ang itsura at ginagawa ko. Para sakin simple lang ang buhay at hindi na kailangang maging kompli...