PS: First time ko lang po gumawa ng ganitong story. Kapag may nakita po kayong mali pwede niyo pong icomment. And don't forget to vote. TY
(Remember: This is s fiction only!!)Chapter 1: Book
Keith's POV
"Who solve this problem no.1? Paulit-ulit na tanong ng aming teacher sa math ngunit ni isa sa amin ay walang magawang sumagot, marahil hindi nila alam ang sagot. Meron kasing iba ang inaatupag. Meron yung naglalandian sa harap ng guro. Yung iba nagpapalitan ng mga mabubulaklak na salita sa isang piraso ng notebook na pinunit lamang. Nagtitipid na siguro dahil nagmahal ang load. Oo nagmamahal siya. Bagay na bagay talaga sila sa section na ito, 10-Mapagmahal. Haay buhay nga talaga pero meron rin naman yung walang love life dito. Yung mga natutulog,nagcecellphone,nagdradrawing at meron rin namang nakikinig sa leksiyon kagaya ko, grade concious kaya ako.
"No one class ? Okay I will explain it again" sabi ni Maam Josephine habang nageexplain ulit sa harap. Naiirita na ako sa kanya dahil sampung beses niya na ito inexplain. Nagbreak kasi sila ng boyfriend kaya ganyan.
Kring.... Kring..... Tumunog na yung bell at break time na.
"Okay class, thats all for today Goodbye! sabi ni maam Josephine sabay ayos ng gamit at lumabas na. Hindi niyo siguro maasiwa ang kalandiang tagal ng section na ito.
Inayos ko na rin ang gamit ko at lalabas na sana nang may makita akong mag-jowa na busy pa rin ang landian. Hahaha may plano ako >:-)
Pumunta ako sa likuran nila at sumigaw.
"WALANG FOREVER" sigaw ko sabay takbo. Bumalik naman sa reyalidad ang dalawa at pareho nila akong titigan ng masama. Bumelat nalang ako at diresto nang umalis para magrecess
Nandito na ako ngayon sa canteen at kumakain kasama ko ang aking dakilang kaibigan na si Calliope Angel Cabangan,Angel for short. At ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko ito dahil isa lang naman siyang playgirl.
"Uy Keith, may ikwekwento ako sa iyo? Pangiti-ngiti niyang sabi sa akin.
Ano na naman, tungkol ba na naman yan sa lalaki mo?
"Hindi ko pa siya lalaki, but soon" sabi niya sabay kain ng burger. Nagpoker face nalang ako sa kanya. Nagpoker face nalang ako sa kanya. Sobrang ganda naman kasi nitong kaibigan ko. Medyo matangkad, mahaba ang buhok, kissable lips, mapupungay ang mga mata. OA ata ako kung sasabihin kong nasa kanya na last ng magandang katangian except lang sa pagiging playgirl niya. Hindi niya ba alam na makakarma siya sa mga pinag-gagawa niya?
" At eto na nga, yung guy sobrang gwapo. Mala-adonis ang kanyang katawan, isa siyang varsity player, palakaibigan siya at masayahin pero may pagkaplayboy naman" sabi niya sa akin.
"So ano naman ngayon?" Sabi ko sabay kagat ulit ng burger
"Ang bitter mo naman kasi Bes, kung sinagot mo sana yung manliligaw mo dati, edi may kaforever ka na.
"Forever, Forever. TSK anyways change topic na nga lang. May project tayo sa science at sasamahan mo ako ngayon sa bookstore para mamili ng mga materials at gagawin natin sa bahay".
"Eh matagal pa naman yung deadline bes" pagrereklamo niya
"So hihintayin natin ang deadline bago tayo gumawa?, Ang hirap kaya magrush" sabi ko sa kanya
"Eh may date pa ako mamaya" reklamo naman niya
"Bahala ka diyan! Wag kang magtataka kung mababa ang grade mo sa science"
"Sige na nga, icacancel ko na ang date ko" nanlumong sabi niya. Takot bumaba ang grades eh! Mawawalan ng allowance.
Good, magkita tayo sa bookstore mamayang 5:30 SHARP! Diniian ko talaga ang salitang iyon dahil lakas makafilipino time si ateng.
"Oo na" sabi niya sabay nagtitipa ng kanyang cellphone. Nakikinig ba Ito?
" O sya, pupunta na ako sa classroom" sabi ko at umalis na sa canteen.
"Sabi kong 5:30 SHARP, ang tagal kong naghintay dito at ngayon ka lang dumating!!!"
"Eh nakipagkita pa nga ako kay James bes" sabi niya ng may pangiti-ngiti. Anyare sa kanya? Bat ganyan siya makangiti?
Napairap nalang ako sa kanya at pumasok nalang sa bookstore at sumunod na rin naman siya.
Habang kumukuha ako ng mga kailangan namin ay kati-kati naman yung isa kong kasama. Hindi mapakali at tila may sasabihin. Good Observer talaga ako.
"Oh ano yang sasabihin mo?" sabi ko habang pumipili ng kailangan ko.
"Ahh bes, may kikitain lang sana ako diyan sa labas. Pero Bess, saglit lang ito pramis" nagmamakaawang sabi niya. Talagang babaeng ito di nauubusan ng lalaki.
Nagbuntong hininga nalang ako at pumayag nalang. Ngumiti siya at niyakap ako.
"Bes, salamat talaga ah! masayang sabi niya sa akin.
"Oo na, Ang OA mo" sabi ko sa kanya. Umalis agad siya at naiwan na naman ako mag-isa.
Hindi naman sa hindi ako sanay mag-isa pero bigla nalang ako nalulungkot. Ang OA ko lang ata dahil lumayas lang ang BFF ko pero Malay mo, magtatanan sila at iwan na niya ako. Wala naman kasi akong gaanong kaibigan dun sa klase namin. Ayaw pa nga nila sa akin dahil sa aking kabitteran. Nakakasira daw ng anyo ng section namin.
Nagpatuloy nalang ako bumili ng mga gagamitin pero biglang sumilay ang mata sa aking labi nang makita ko ang kaisa-isang libro na paborito kong binabasa sa Wattpad. Kinuha ko agad ito at tinignan ang presyo. Saktong-sakto lang sa dala kong pera. Siguro wag ko munang gagawin ang project, next week palang naman yun. Masaya akong naglalakad sa counter nang malaglag ang piso ko at gumulong-gulong hanggang sa ilalim ng isang estante. Nilapag ko muna yung libro sa taas ng isang estante at kinuha yung piso. Nang may marinig akong boses.
"Thank You" aniya yung nakanike at white na pantalon at nagmadaling umalis agad. Nagtaka naman ako kung ako ba yung kausap niya. Nakuha ko na yung piso at kukunin ko na sana yung libro nang bigla nawala na ito. Kinakabahan naman ako kasi yun yung last stock eh. Busy ako na naghahanap nang mahagilap ko yung lalake na nakanike at white na pantalon na dala yung favorite book at pumipila sa counter. Wait! Wait! Wait!. Siya ba yung kumuha ng libro ko. Siya ba yung nagthank you kanina?. Tumakbo na agad ako dahil siya na ang susunod. YUNG LIBRO KO!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Ganito ba talaga kapag INLOVE?
Teen FictionAyaw maranasan ni Dawn na mainlove sa isang lalaki dahil sa huli ay sasaktan lang siya at iiwanan? Advance mag-isip no? Pero dahil sa isang lalaki ay nawala na ang kabitteran sa kanyang puso? Sino kaya ito Let's Find Out Date Started: July 11 2018 ...