Transferee🛬

32 6 0
                                    

"Oh bes anyare sa iyo sa bookstore, nakabili ka ba ng materials natin?" Tanong ni Angel habang nagtitipa ng kanyang cellphone. Nandito kami ngayon ulit sa canteen. Vacant namin ngayon at ang mga kaklase ko ay kung saan saan na naman pumunta. Teka nga? Bat nga ba ko nangingielam?

"Wala akong nabili" galit na sabi ko sa kanya. Matapos siyang umalis nang hindi na bumabalik, Ganyan lang ang itatanong mo sa akin.

"Eh bakit wala ka namang nabili?" nagtatakang tanong niya.

"Wala ka na dun" sabi ko sa kanya. Galit pa rin ako sa kanya

"Uy bes. Ano ba kasi nanyari at wala kang nabili?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Dahil nga kasi grade conscious ako eh dapat nabili ko na yung mga materials sa lalong madaling panahon. Pero ibang sitwasyon talaga ang nanyari kahapon

"Hayyy...  Ganito kasi iyon ..

Flashback:

YUNG LIBRO KO!!! sigaw ko sabay takbo sa lalaking dala-dala ang paborito kong libro. Bigla naman nagulat iyong lalaking may hawak ng libro ko at kung wala ano- ano ay itinaas niya ang libro ko. Matangkad kasi ito at medyo maliit ako kaya itinaas niya para hindi ko maabot. Pwes! Hindi ako susuko

"Akin na yung libro ko" paulit-ulit kong sinasabi habang inaabot ko yung libro. Ang tangkad naman nitong lalaking ito. Baka basketball PLAYER ito.

Andaming tao ang nakatingin sa amin pati yung cashier sa harapan nagulat din. Eh ano naman ngayon basta makuha ko lang itong libro ito, tapos na ang kahihiyan. Agad naman rumisponde ang mga security guards at agad kaming pinaghiwalay. Bitawan niyo ako!!

"Yung libro ko" naiiyak na ako. Mang-aagaw talaga ito lalaking ito.

"Sorry po maam nabayaran na po niya" sabi ng cashier habang pinakita ang resibo na hawak niya. HINDE!!!

"Hindi pwede!!. Ako ang nauna sa libro kaya sa akin dapat iyan" sabi ko sabay turo sa libro ko na hawak ng isang kapre.

"Sorry Miss. Pero nabayaran ko na at kailangan ko talagang librong ito" sabi ng lalaki. Mas Kailangan ko nga yan eh

"Hindi.. Nasaan ang manager niyo dito at kakausapin ko?" galit na sabi ko sa mga security guard pero hindi nila sinagot ang tanong ko. Nakatingin pa din sa amin ang mga tao. Ang tsismosa talaga itong mga ito.

"Nasaan ang manager niyo?" Galit na galit na sabi ko sa kanila.

Sorry po Maam pero nageeskandalo na kayo dito sabi ng mga security guards sabay hila sa akin palabas ng bookstore. Nagpupumiglas ako pero waepek! Lakas ng mga sekyu talaga dito. Tinignan lang ako ng mga tao mas lalo na yung lalaking iyon. Tinignan ko siya ng masama at pinalabas na sa bookshop. Andaming ko pa talagang nagawang kahihiyan pero in the end, umuwi lang naman akong luhaan.

End of Flashback

"Walanghiya ka talaga gurl" sabi niya sa akin. Aba nang-asar pa talaga iyon

"At iyong BESTFRIEND ko naman  ay inuuna pa ang lalaki niya kaysa sa BESTFRIEND niya" diniian ko pa talaga yung salitang iyon para naman ay may konsenya naman na lumbas sa kanya. Iniisip ko nga rin kung bestfriend ko nga ito eh.

"Uy.. Sorna na. Eh andami pa kasi naming ginawa ni James kaya late na rin ako umuwi" sinseryong niya sabay hawak ng kamay ko. Ano naman ba ang pinag-gagawa ng mga ito?

"O sige papatawarin kita sa isang kondisyon" sabi ko sa kanya

"Ano naman iyon bes? Gusto mo ilakad kita sa mga kilala kong gwapo o di kay----

Tinignan ko siya ng masama. Napahinto naman siya at nanahimik nalang.

"Ikaw na ang bumili ng mga materials natin" sabi ko sa kanya. Sa sobrang dami kahihiyan ang naipakita ko dun. Wala na akong maihaharap na mukha sa mga staffs doon.

"Pero bes---"

"May naririnig ba akong reklamo?" sabi ko habang tinitignan ko ang cp ko

" Ehehehehe wala bes" sabi niya . Takot na bumaba ang grades eh.

"Good"  sabi ko sa kanya. Tumunog na ang bell at nag-paalam na agad siya dahil pupuntahan niya daw ang james na iyon. Tumango nalang ako sa kanya at umalis na siya sa canteen. Aalis na rin sana ako nang may bigla akong narinig na nagsisigawan. Baka meron na namang bakbakan na naga hahanap. Kaya hinahanap ko kung saan nagmula iyon ingay na iyon hanggang mapadpad ako sa section ko. Hindi pala sigaw ang narinig ko kundi tili ng mga babaeng haliparot. Pumasok ako sa classroom namin  at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Andaming babae sobrang dami mapa Grade 7 man hanggang senior high nandito lahat. Parang may meeting ata ng girl scout ah.

Sumiksik naman ako sa mga babae. Magkakaistampede ata dito ah!

Tuloy ang pagsiksik ko hanggang nakita ko na ang pinagkakaguluhan nila. Lalaki oo lalaki ewan ko kung saang lupalop ito nanggaling at ano ang ginagawa niya sa section namin.

Bigla naman ulit tumunog ang bell at hudyat na  para magbalikan na sa mga classroom. Pero wala yata narinig itong mga babae sa sobrang pagpapantasya. Triny ko naman kunin ang atensiyon nila

"Time na! Tama na ang landian!" sabi ko sa kanila pero waepek. Tinablan na sila. Buti nalang dumating na yung subject teacher namin at pinaalis na ang mga haliparot. Umupo na ako at nakita ko naman yung lalaki na nakaupo sa harap. Well, matangkad naman ito. Baka player ito.

" Good Morning Class, May transferre tayo ngayon. Mr. Lopez, Please stand infront and introduce yourself" utos ng teacher namin sa kanya. Tumayo naman yung lalaki at humarap naman ito sa amin. Napatili naman ang mga classmate kong babae pati bakla. Nakakarindi. Well, maitsura naman itong transferre kaya walang duda talaga pero pamilyar ito sa akin.

"Hi guys, Calix Lopez here. You can call me Calix. I hope that we can be friends with each other" Simple sabi niya sabay kindat pero nahimatay na agad ang iba. OA lang?

"Okay Mr. Lopez please choose your seat" sabi ng teacher namin at naghanap na agad si Calix ng upuan. Pinaalis naman ng mga babae at bakla ang upuan ng mga lalaki para lang makatabi lang itong si Calix. Kawawa naman iyong mga boys. Nakakita naman ni Calix ng upuan pero sa tabi ko. Umupo na agad siya sa tabi ko at ang sasama na ng mga tingin. Aba hindi ko naman siya pinilit. Tumingin ito sa akin at nagsmile siya sa akin . Naku! Nangagamoy PLAYBOY ata ito.

Ganito ba talaga kapag INLOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon