"Hi Miss, I'm Calix Lopez" masiglang bati niya sa akin sabay abot ng kanyang kamay sa akin. Napatingin naman sa aking ang mga kaklase ko, hinihintay ang susunod kong gagawin. Mga tsismosa"Alam ko sinabi mo na kanina" diresto kong sabi habang nilalabas ang notes ko. Nadismaya naman ang mga sa inasta ko.
"Oookay, so what's your name? tanong nito sa akin. Naakwardan siguro sa inasta ko
"I'm Keith Dawn Villanuevez" sabi ko sa kanya
"Oh-kayyy" nakangiting sabi niya at kinuha niya na ang kanyang notebook. Ang talas pa rin ng mga mata ng mga babae at bakla sa akin. Creepy
Buong period kaming hindi nagpansinan ni Calix marahil naakwardan parin kami sa isa't-isa at dahil na rin sa mga nakatingin sa kanya.
Dumating na rin ang oras para makapagrecess kami at syempre mag-isa ko lang naman dahil yung dakilang kaibigan ko ay saan lupalop na naman pumunta. Busy ako sa pagkain ko nang may marinig na naman ako hiyawan sa labas. As usual mga babae na naman yung mga yun. Hindi ko nalang ito inintindi sa halip ay tinuloy ko ulit yung pagkain ko.
Yum...yum...yum.....
MunchMunch
Munch
Mucn--------
Puto!! Muntikan nang mahulog yung kinakain ko dahil isang grupo lang naman nang mga bakla ang parang naging zombie kakahabol sa isang tao. At yung tao naman na yun ay isang instant heartrob ng school. Nawalan na agad ako ng ganang kumain at umalis na ako sa canteen. Nagliwaliw muna ako sa buong campus at di talaga maipagkakaila na sobrang lawak ng school. Habang naglalakad ako sa school, may nakita akong lalaking nakahiga sa isang puno hawak-hawak yung tiyan at halatang may pinagtataguan. Linapitan ko ito at syempre nagulat dahil isang instant heartrob lang nman yung nakita ko.
Nagulat siya at bigla siyang umatras na parang gusto niya ulit tumakbo pero wala na siyang lakas dahil siguro gutom na gutom na siya
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong niya agad sa akin.
" Naglibot- libot lang naman naman ako dito,eh ikaw bakit ka rin nandito?" Pabalik na tanong ko sa kanya
Nagbuntong hininga siya.
" Eh hinabol lang naman kasi ako ng mga yun at eto ako ngayon nagtatago" bigla naman kumulo ang tiyan niya at natawa naman ako doonTinignan ko naman yung bag ko at may nakita naman akong burger, ito yung nasa canteen na hindi ko nakain. Tinignan ko naman siya at natatawa ako sa pagmumukha niya para siyang bata na nagmamakaawa sa pagkain. Well, wala naman akong choice kaya binigay ko sa kanya.
" Oh " sabi ko sa kanya sabay biglang bigay sa kanya ng burger
Nahihiya pa ito sa akin pero sa huli ay tinaggap niya pa rin. Naupo na lang ako sa tabi niya at tinitignan ang mga estudyante na naglalakad.
"Uhmm, Salamat Keit--
"Dawn nalang"
"Salamat Dawn" sinseryong sinabi niya sa akin with matching winsome smiles.
" Eh bakit naman kasi dito ka nagtransfer, Alam mo naman na ang daming mga ignorante dito na nagkakandarapa sa mga katulad niyo" sabi ko sa kanya
"Katulad namin ?" Pangiti-ngiti niyang tanong sa akin
"Mga ungoy" natawa kami pareho sa sinabi ko
" Haha, basta long story" sabi niya sa akin. Umiling nalang ako habang tinitignan yung mga estudyante
" Eh ikaw matagal ka na ba dito na?" Tanong niya sa akin
"Oo since grade 7 pa" sabi ko sa kanya.
Nagring na ang bell hudyat na tapos na ang recess. Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko
" Tapos na ang recess, may balak ka pa bang magklase" tanong ko sa kanya. Tumayo na rin siya at kinuha ang kanyang gamit at sabay na kaming pumunta sa classroom.
**********
Since that day medyo naging close kami ni Calix. Pero syempre naging mainit na ang tingin sa akin ng mga.. alam mo na. Mas lalo na nung sabay kaming pumasok sa classroom ay halos lahat sila ay nagtataka kung bakit ko siya kasama. Anyways, nandito ako sa canteen kasama na naman ang kaibigan kong playgirl kung saan saan pumupunta.
"Hoy Keith Dawn Villanuevez. Realtalk nga tayo. Anong meron sa inyo ni Calix Lopez na yun?" Nagulat na lang ako dahil diretsa niya agad tinanong sa akin. Hindi man lang nag "hi" "hello". Bastos talaga
" Hoy ka rin Calliope Angel Cabangan. First and foremost, kaibigan ko lang si Calix Lopez na yon". Pasigaw na sinabi ko sa kanya.
"Weh?"
Tinignan ko siya ng masama. Inexplain ko sa kanya ng maayos tapos ganyan lang isasagot niya. Pigilan niyo ako nagdidilim ang paningin ko
"Huy, masyado ka naman seryoso nagmumukha ka naman manang niyan eh. Tignan mo "So anyway, pakilala mo na ako sa friend mo hihihi" Nako may binabalak naman ito.
"Paano hindi kita ipakilala eh saan saan ka nga pumupunta, ni Hindi ka nga pumapasok dahil kasasama mo diyan sa mga lalaki mo." Sabi ko
" Eh ene kese ---" paarte niya pang kwinekwento yung tungkol sa date at syempre ako hindi na ako nakikinig. In the end I papakilala ko daw sa kanya si Calix kung may time siya. Kapal no.
******
Uwian na at syempre uuwi na sana ako nang mahagilap ko si Calix naghihintay sa labas. Nang nakita niya ako ay bigla siya lumapit sa akin.
"Ano kailangan mo?" Tanong ko kaagad sa kanya pagkalapit niya pa lang sa akin.
Tumawa lang siya at sinabi na pwedeng samahan ko daw siya sa mall dahil may bibilhin siya sa bookstore.
" Eh bakit ako naman ang gusto mong sumama"
" Eh may emergency kasi yung driver namin kaya ayun at hindi ko kasi alam magcommute kaya alam mo na. gusto ko sanang magpasama
What the heck?
"Ilang taon ka nang nabubuhay? Hindi mo pa rin magcommute" napakamot nalang siya ng ulo. Pumayag na rin ako dahil kargo de konsenya naman kung iiwan ko lang siya dito.
Sumakay kami sa Jeep at syempre pinagtitinginan naman na siya ng mga tao lalo na yung mga babae. At nung inabot ni Calix yung 50 peso bill at agad naman nilang pinag-agawan ng mga nasa harap namin para mahawakan lang yung kamay niya. Lalandi
Bumaba na ako sa mall at pumunta na ako sa bookstore. Nagalangan nga ako na pumasok pero hinila niya ako papasok. Nakakahiya muntikan pa nga ako hinarangan ng security guard pero pinakausapan naman ni Calix yung sekyu.
At pagkatapos nilibre niya ako sa isang fast food. Then sabay naglalakad na kami nang tinanong niya ako kung bakit hinarangan daw ako ng sekyu kanina.
" Eh kasi nga nageskandalo ako doon dahil sa pesteng lalaki na nagnakaw ng libro ko and ayun."
"Parang may naalala ako sa sinabi mo. Anyway magtratransfer ang pinsan ko at papasok na siya sa lunes dun. Pwede mo ba akong samahan na itour siya sa school kasi di ko pa gaano ang pasikot-sikot." Pumayag na rin ako at nagthank you siya then umuwi na ako mag-isa dahil may kailangan pa siyang puntahanan. Sino kaya yung pinsan niya? Unggoy din kaya?
BINABASA MO ANG
Ganito ba talaga kapag INLOVE?
Novela JuvenilAyaw maranasan ni Dawn na mainlove sa isang lalaki dahil sa huli ay sasaktan lang siya at iiwanan? Advance mag-isip no? Pero dahil sa isang lalaki ay nawala na ang kabitteran sa kanyang puso? Sino kaya ito Let's Find Out Date Started: July 11 2018 ...