Chapter: 02

901 30 0
                                    



BUONG gabi akong mulat at hindi manlang dinalaw ng antok kahit sandali, I can't keep myself from thinking about the invitation form the weird academy na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang narinig ang pangalan.

Kaya ang ending...

Nasa sasakyan ako ngayon habang sinusundan yung mapa na nahulog sa invitation, you know what's funny? hindi manlang ako sinamahan ni mommy maski ni daddy, I mean alam ko naman na I'm old enough at obvious naman na kaka eighteen ko lang kahapon at ayoko din naman magpa sama. Pero wala manlang pagkukusa? huh! whatever.

It's been hours since I follow this map na dinala na ako sa mahamog na parte ng gubat na hindi ko alam na nag e-exist pala sa lugar namin, buti na lang maaga akogng umalis  sa bahay, sa layo ng academy na'to for sure malabong uwian ang pag pasok ko dito. pero what if prank lang talaga 'to nila mommy at trip lang i-test ang driver's license ko?

At first hindi naman talaga ako sang ayon sa pag transfer na 'to pero nang makita ko yung map ay nabuhayan ang curiosity ko, and being the adventurous girl that I am of course gusto kong tignan kung anong meron sa 'prestigous' academy kuno nila.

Maya-maya pa ay may natanaw na akong dead-end or should I describe it as a gigantic golden gate with a letter 'W' emblem on the center. Tumigil ako sa tapat nito at ininspect kung nasa tamang lugar ba ako, hello? nasa gitna ng gubat tapos may academy? I hope na okay pa kung sino mang may ari nito.

I gasped when it opens habang iniispect ko ito, para bang ini-invite akong pumasok sa loob. Gagawin ko ba? should I enter? bahala na.

Pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko at tuluyang pumasok sa gate, then suddenly there's darkness, para akong pumasok sa higanteng black hole and at this moment I don't know what to do. Mag pa-panic ba ako o maa-amaze?

is this some kind of portal? because if yes, I wouldn't mind staying for awhile.

Nang sumilay na ang liwanag sa dulo ay halos mapanganga ako sa bumungad saakin. Isang napaka gandang kastilyo na sumasakop sa buong lugar ang nakita ko at malaking fountain na may umaagos na crystal clear water, agaw pansin din ang malawak na rose garden. I suddenly feel like a real princess, ganito ang nakikita ko sa movies at settings ng mga fictional fantasy book na binabasa ko.

Bumaba na ako sa sasakyan. I'm with my royal blue dress and white high heels, white shoulder bag at naka lugay din ang mahaba kong buhok na umaabot sa aking bewang. I looked at the reflection of my blue sparkling eyes sa tubig ng fountain, this place suits you Sabrina.

Agad kong hinanap ang administration office para maka habol sa orientation.

"Are you Ms.Sabrina Winter?"

"Shi--!"

Napalingon ako sa likuran ko at muntik pang mapa mura sa gulat. Nakita ko ang isang babaeng naka ngiti, she looks young at naka suot siya ng office attire. Maybe isa siya sa mga nag t-trabaho dito sa academy?

"Please follow me Ms.Winter" ani niya na sinunod ko naman, tutal siya pa lang ang taong nakikita ko dito.

"Please fill in the form" binigyan niya ako ng form pagkarating namin sa isang kwarto na mukhang admin office.

Binasa at sinagutan ko ang mga naka sulat sa form pero may isang nakapag patigil saakin.

"Charm?" takang basa ko sa pinaka last na question.

"Oh that's the magic or let's say the force that you can control, you can write your specialization like teleportation or controlling a specific element." Paliwanag ng babae.

I looked at her with my widening eyes. How?

"How did you know?"

"Alam ang ano Ms.Winter?"

"How did you know that I can manipulate something?"

Isang ngisi ang sumilay sakaniyang labi while I'm still looking at her with horror.

"Gaya ng nakasulat sa invitation na ipinadala namin sa'yo Ms.Winter, only 'special' ones can enter our academy, at kasama ka sa mga naka pasok para mag aral dito para mas mahasa ang charm mo. In short gaya mo ang mga nag aaral dito"

Para akong tinakasan ng hininga. Kaya ba ako ipinadala nila mommy dito? naging hindrance na ba ang ability ko?

Napa pikit ako, ang kakayahan na meron ako ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan. knowing na may academy para sa kalagayan ko? para lang akong nananaginip.

Isinulat ko ang charm kuno na hinihingi nila at pinag-proceed na ako sa headmaster's office na itinuro din naman nung babae kung nasaan.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok

"Come in" rinig kong wika sa loob.

I entered the office.

"Ms.Winter! The newbie. please have a seat" Isinenyas niya ang upuan na nasa harap niya.

"So what charm do you have?" Mabilis na tanong niya pagka upo ko pa lang, bakit big deal ba sakanila ang charm na 'yan at excited na excited talagang malaman?

Tutal atat siya at hindi naman ako mabait ay nakaisip ako ng pilyong ideya.

Unti-unti na nag yelo ang sahig...

"Stop it miss winter" may pag babantang wika nya

"My bad! sorry" sarcastic na pumanhin ko at nginitian siya ng peke. What's the point of being nice again?

"So your charm is elemental type, that's rare. Here's your schedule and handbook with the list of rules at naayos na namin ang kwarto mo. Ipinadala na ng mommy mo ang mga gamit mo at hindi mo na kailangang umattend ng orientation since elemental ang type ng charm mo 'one of the perks' . Welcome to White academy  Ms.Winter." mahabang wika niya.

"Thanks?" tanging nasabi ko na lang. may perks huh?

 Lumabas na ako ng office.

He looks like a normal headmaster. No powers or anything, o baka akala ko lang?

Itinigil ko na muna ang pag iisip at nag simula na akong mag lakad para hanapin ang kwarto ko sa napaka laking dormitory na sing laki ng isang five story building! katapat lang ito ng headmaster's office na ipinag papasalamat ko dahil sa lawak ng academy na ito? for sure maliligaw ako. tinignan ko ang mga golden name plates na naka lagay sa bawat pintuan,  A,B,C,D,E,F,G..........W! Muntik na akong mapa sigaw ng makita ko na ang room ko,

excited siguro ako.

This will be the start I guess? A place where I belong. Indeed a perfect gift. Thank you mommy and daddy. Kung hindi ako pumunta dito ay hindi ko maappreciate kung gaano kagandang regalo 'to for my eighteenth birthday.



_______________________________________________



Note: This story is under revision, it may confused the new readers but please bare with me :)

Lovelots!

Lauren of White Castle [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon