Chapter: 04

642 38 0
                                    



DAHIL sa nangyari ay nawalan na ako ng gana na libutin ang training hall nila kaya kinuha ko na lang ang schedule na meron ako sa locker, this is my first day at walang magandang nangyayari so far. Umpisa na din ang klase nila dito at ayoko nang mas mahuli pa. Hindi na ako nag abala pang mag suot ng uniform dahil wala ako sa mood, bukas ko na lang siguro susuotin yung mga uniform na nakita ko sa walk in closet kanina. 

Hinanap ko na ang room na naka sulat sa schedule ko, 

Section: Diamond

Charmers: Elemental Type

Basa ko sa signage sa pinto, I think this is the room na tinutukoy sa schedule ko. Dito pa lang sa labas ay rinig na rinig ko na ang ingay nila, nag aaral kaya sila ng ethics? sa ingay nila, I don't think so...Pinihit ko na ang door knob at dahan-dahan na pumasok, biglaan ay sinalubong ako ng nakabibinging katahimikan, lahat ng mga mata ay ramdam kong nasa akin ang tingin.

Nag hanap agad ako ng vacant seat para hindi na sila masyadong mamangha sa kagandahan ko. Pero may isang tao sa dulo ng room na pumukaw sa atensyon ko, itim na itim na buhok at mapupungay na mga mata animoy inaantok. siya lung lalaki sa training hall kanina! 

"Sabrina" 

Napatingin ako sa tumawag sa napaka ganda kong pangalan, duon ko lang napansin na nandito din pala si Atina, the girl na naka banggaan ko sa dormitory kanina, what a small academy, sinong mag aakalang sa lawak ng lugar na ito ay makikita ko itong dalawang 'to dito?

Hinila niya ako patabi sakaniya at hindi na ako umangal pa, since 'yun na lang din ang vacant.

Dahil hindi mapakali at nararamdaman ko ang prisensiya ni Mr. Arrogant sa likuran ay hindi ko na napigilan ang sariling mag tanong kay Atina.

"Hey, Atina. May I ask you something?"  Pabulong na wika ko.

Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

"Sure, ano 'yon?"

"Kilala mo ba yung lalaking nasa likod?" Tanong ko habang bumubulong parin, iba na ang nag iingat, mamaya may makarinig pa isipin may gusto ako dun sa antipatikong lalaking 'yun.

"Si Cort? yes, he's my cousin. Bakit? may ginawa sa'yo?" 

Woah, wait. Pinsan niya?! eh ang layo ng ugali nila sa isa't-isa! paano naging magkamag anak 'tong dalawang 'to? huh! hindi ako makapaniwala. Cort, sungit. 

"Naka bangga ko siya sa training hall kanina" Malamig na ani ko, nanggigigil talaga ako kapag naaalala ko yung nangyari kanina.

"Sinungitan ka? don't worry pag sasabihan ko mamaya." 

"No need, okay lang" No! hindi okay! ayoko lang isipin nung Cort na 'yun na nag sumbong ako sa pinsan niya.

"Ako na ang hihingi ng sorry, ganyan kasi talaga 'yan. Anyway let me introduce to you our members" Sumigla lalo ang boses niya at umayos ng upo.

"That's Morine Widow, she's a weather manipulator. She can control the storm and the rain" Una niyang itinuro yung babaeng may mahabang chestnut brown na buhok na abala sa pag babasa ng libro. 

"Nakikita mo yung may dark aura na katabi ni Morine? that's Margo Sky, wind manipulator. Siya ang girl version ni Cort, if I were you, ayokong galitin siya." Itinuro niya naman yung katabi ni Morine na naka suot ng headphones habang naka pikit. She's wearing a black lipstick at may wavy raven hair with grey highlights. As if naman matatakot ako sakaniya no? Compliments to her hair color, I kinda like it.

Lauren of White Castle [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon