ISANG araw. Sa loob ng isang araw nabago ang buhay ko, hindi lang ang mga tao sa paligid ko kundi pati ang buong mundo ko.
In just a glimpse napunta ako sa Enchantria, lugar na akala ko sa fairy tale lang nag e-exist, napasok ako sa White Academy at nakilala ang mga 'di'ko sure kung tao sila--kami' mga taong sabihin na lang natin na...kagaya ko. I also meet the so called 'Royalties' na miyembro ng Diamonds, grupo na belong na din daw ako 'kuno'. Nag agree ba ako?
Let's just keep things easy. In short, sumabay sa agos kung saan ako gustong dalhin ni tadhana.
Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin, suot-suot and uniform ng academy. White and royal blue checkered ang style and plaid skirt namin, while white blouse top with black vest and blue necktie naman ang pang itaas na may partner na black knee high socks at white pointed high heels. Umikot-ikot ako at tinignan kung ano pang kulang sa suot ko.
Yup, headband.
Lumapit ako sa drawer ko at hinanap ang white headband ko, perfect! siya nga ang kumumpleto sa school uniform ko. Kukunin ko na sana ang shoulder bag ko nang may matapakan ako. Kumunot ang nuo ko nang may makita ako na chain brooch, pinag masdan ko ang pendant na Diamond ng brooch at nakita ang naka ukit na letter 'W' sa likod.
Baka nahulog 'to sa uniform?
Nang mapansin ko ang pocket side sa right chest side ng vest ay duon ko itinusok yung Diamond brooch. Infairness sa uniform nila ah, mukhang hindi ako mahihirapan mag adjust dito.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko bago lumabas ng dorm, it's 6:00 am in the morning, walang mga estudyante sa hallway ngayon kaya naman sobrang peaceful, tipong feeling mo nasa langit ka na. Char.
I'm on my way to the breakfast hall, natatapos ang breakfast ng 6:30 kaya medyo late na ako. Mabilis kong nilakad ang papasok sa main building at agad na dumiretsyo sa hall, bago ko buksan ang pinto ay inayos ko muna ang suot at buhok ko, kinalma ko din ang sarili ko para hindi halatang nag madali akong pumunta dito.
Itinulak ko na ang pinto at bumungad sa akin ang nakakasilaw na mga chandeliers na naka bitin sa itaas ng hall, ang mga kumakalansing nilang kubyertos ay natahimik at halos lamunin ako ng kanilang mga tingin, lahat sila ay nasa akin ang mga mata, ang iba ay nagsimulang mag bulungan at ang iba naman ay nasa aking uniform at brooch ang tingin.
"Sab! Dito! " Napatingin ako sa boses na tumawag sa akin at nakita si Atina na masayang kumakaway, walang alinlangan akong lumakad sa gawi nila dahil kanina pa ako pinag pi-pyestahan ng tingin sa pintuan ng hall.
"I knew it! Bagay talaga sa'yo yung uniform! Even the brooch, tingin ko nga ay walang damit na hindi babagay saiyo Sab. "
"Thanks? " Patanong na ani ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sakaniya, umupo ako katabi siya at agad na may nag serve ng pagkain para saakin.
"Good morning Sab! Sana nag sabay nalang kayo ni Atina, late din 'yan eh" ani Jake habang kumukurot sa hawak niyang tinapay, pagkatapos ay isinawsaw niya 'yon sa honey at butter na nasa kaniyang harapan.
"Alam mo, epal ka. " inirapan siya ni Atina at binato ng maliit na piraso ng ubas mula sakaniyang plato.
Napa iling na lang ako at napansin na hindi parin pala naaalis ang maiinit na tingin sa akin nung ibang mga estudyante, ngayon ko lang din napansin na iba pala ang kulay ng uniform nila sa suot namin. Maroon ang kulay ng uniform nila samantalang royal blue ang saamin. Nilingon ko ulit sila Atina at nakita na may brooch din na naka pin sa pocket side ng vest nila. Hindi ko 'to napansin kahapon ah?
"Atina, why are we wearing brooches and the other students wear maroon colored uniforms? " bulong ko bago sumubo ng toast.
"Oh, hindi ba namin nasabi kahapon? Okay let me explain. Since part tayo ng Diamonds ang mga brooches at kulay ng uniform natin ay ang nag papatunay na mas angat tayo sa ibang students at syempre proof din na member tayo ng grupo. " mahabang wika niya at nag patuloy na sa pag kain.
Mahina na lang akong napa tango at iniwas na ang tingin sa mga estudyante. Patunay na mas angat kami sakanila huh?
Hindi na ako nag salita at mabilisan na tinapos na lang ang pagkain sa plato ko.
"Siya nga yung bagong member? Totoo pala yung usap-usapan kahapon. "
"I wonder kung anong charm niya? For sure malakas siya dahil member siya ng Diamonds. "
"Ayoko sa aura niya, ang yabang ng dating"
Iilan sa mga bulong-bulungan na naririnig namin habang nag lalakad kami sa hallway papunta sa first class namin which is homeroom na exclusive lang daw sa grupo namin, pagkatapos kasi naming kumain ay walang pasabing tumayo nalang si Cort at nag senyas naman si Atina na sumunod na kami. Para ngang naka hinga ng maluwag ang mga nasa breakfast hall pagkalabas namin.
Speaking of Cort, pinag mamasdan ko siya habang kumakain kami pero hindi manlang nag salubong ang mga mata namin, I don't really care though. Mas mabuti nga 'yon para hindi masira ang napaka gandang araw ko.
Pinaka dulong room sa second floor ang kwartong pinasukan namin, as usual ay inaya ako ni Atina na tumabi sakaniya na hindi ko naman tinanggihan. Ilang minuto pa ay dumating na si Ms. Kath na may dala-dalang folder at seryoso ang mukha.
"Good morning" bati niya habang inilalagay ang mga dala sa teachers table, nang walang marinig ay binalingan niya kami ng tingin.
"Kailangan ko na bang ipasok kayo sa klase ng good manners and right conduct? " sarkastika niyang ani at tinaasan kami ng kilay, kaya sabay-sabay kaming bumati sakaniya pabalik. Is this even necessary?
"Bago ko simulan ang agenda natin for today, let me ask first kung kamusta na ang training niyo? " wika ni Ms. Kath at tumingin sa likuran kung saan naka upo si Cort.
"Nothing new, no improvements" walang ganang sagot niya kaya nagsi reklamo sila Jake.
"Anong walang improvement? Gumaling kaya ako" proud na ani nito.
Napairap nalang ako nang sunod-sunod na silang magsi angal kung ano ang mga nag improve sakanila sa mga nakalipas na buwan, nakakahiya naman sa part ko na hindi maka relate no?
"I see, kulang ang pagka strict ni Cort? How about you Ms. Winter? How's your night in White Academy? " saakin naman bumaling ng tingin si Ms. Kath
"Fine." Tipid na sagot ko, kailangan ko pa bang i-explain kung nakatulog ba ako ng maayos?
Nang walang makuhang matinong sagot saamin si Ms. Kathay dinampot niya na ang folder na nasa table niya at binuksan 'yon.
"Nag dadalawang isip pa kami kung ibibigay ba namin sainyo 'to. Since walang may balak sainyo na seryosohin ang training niyo. Let me remind you na hindi pa kayo kasing galing ng iniisip niyo, kung natalo niyo ang mga Dark charmers sa mga former missions niyo , p'wes expect the worst case scenario dahil buhay niyo ang itinataya dito" seryosong ani Ms. Kathhabang isa-isa kaming tinitignan, tumigil ang mga mata niya saakin bago ipag patuloy ang sinasabi
"Magkakaroon kayo ng panibagong mission, two weeks from now. Ito din ang unang misyon kung saan makakasama niyo si Sabrina. Kaya naman nag e-expect kami na aayusin niyo na ang training niyo simula sa araw na 'to. Cort, I trust you with this one. "
Isa-isa niya kaming inabutan ng papel at binasa ko naman ang naka sulat duon, tungkol 'yon sa misyon namin pagkatapos ng dalawang linggo.
Mission no. 1 : Ang Bayan ng Timpus
_____________
Note: Undergoing Revision
![](https://img.wattpad.com/cover/154697129-288-k629201.jpg)
BINABASA MO ANG
Lauren of White Castle [UNDER REVISION]
FantasyLauren of White Castle Sabrina Winter, The Ice and Water manipulator from the mortal world who doesn't know that White Academy exist. Isang paaralan na para sa mga may ispesyal na Charm o kapangyarihan... Isang babae ang mapapadpad. Ngunit Ordinary...