HINDI ko alam ang dapat kong maramdaman, like hello? Wala manlang bang consideration sa academy na 'to? I'm a transfer student tapos isasabak nila ako sa training agad-agad?! I can't believe this is happening.Bagot at naka simangot tuloy ako habang nag lalakad.
We're on our way to our second subject which is the history class, my least favorite subject. Kung hindi lang good impression ang gusto kong ipakita sa academy na 'to baka nag cut na ako ng class. Siguro next time nalang.
"Hi Ms. Morine! Ang ganda mo po today!"
"You too Ms. Margo! You look so stunning. "
"Prince Cort!, please be my boyfriend! "
Napangiwi ako sa hiyawan ng mga babae pagkababa namin sa first floor ng main building, ngayon lang ba nila nakita 'tong mga 'to? Kung mag hihiyaw akala mo mga kinukurot sa singit!
"Another perks of being in the group" bulong ni Atina nang mapansin ang hindi maipintang itsura ko.
"Whatever, not interested. " I rolled my eyes, sawang-sawa na ako sa kaplastikan kahit nuong nasa normal na mundo pa ako . Who cares about being famous kung hindi naman totoo ang mga papuring natatanggap mo?
We entered a huge classroom na elevated ang mga upuan, I see this kind of set up sa mga chinese and korean drama, As I remember this is what they call staircase classrooms. Kahit nga ang dati kong school ay walang ganito. I'm starting to get curious sa acdemy na 'to, hmm.
Umupo kami sa pinaka gitnang row, katabi ko si Atina sa right side ko at si Lucas naman sa left, nasa likod naman namin yung tatlo pa at mag isa sa pinaka likurang upuan sa itaas si Cort.
Hilig ba niya maging alone talaga?
"Uy, naka tingin kay Cort. "
Sinamaan ko ng tingin si Atina na naka ngisi at gumagawa pa ng heart sign gamit ang daliri niya.
"Ano naman kung naka tingin ako sakaniya? May sarili ba siyang batas na bawal siyang titigan? " pag tataray ko.
"Oh kalma, eto naman binibiro lang kita" kinakabahang ani niya habang naka peace sign
Napairap nalang ako at hindi na siya pinansin. Maya-maya pa ay dumating na ang isang lalaking naka salamin, kung titignan ay sa tingin ko nasa mid 20's pa lang ang edad niya.
"Good morning" seryosong ani niya na hindi manlang nag abalang tumingin sa amin.
"Good morning Sir Gael!" Masaya naman siyang binati ng iba naming kaklase.
Nang mag angat siya ng tingin ay agad na nanlaki ang mata niya, mukhang napansin niya na kung sino ang mga nasa klase niya ngayon.
"What a pleasure to have all of the members of Diamonds present in my class today! I'm sorry hindi ko po kayo agad napansin. " Masiglang ani ng lecturer na si Sir Gael bago yumuko na siyang ikina taas ng kilay ko.
I get it, royalties ang mga 'to pero mas matanda naman ang lecturer, hindi nakaka gandang tignan ang pag yuko ni Sir Gael sa kaniyang mga estudyante.
"And you young lady? Why are you wearing the brooch and uniform na exclusive lamang para sa nga Diamonds? Namali ka yata ng naisuot. " biglang sumeryoso ulit ang boses niya nang saakin siya mapatingin.
"Well--"
"She's the new member of our group, got a problem with that? "
Naputol ang sanang sasabihin ko nang sumingit ang malamig na boses ni Cort. Pagkasabi niya non ay umugong bigla ang bulungan sa loob ng room.
BINABASA MO ANG
Lauren of White Castle [UNDER REVISION]
FantasiaLauren of White Castle Sabrina Winter, The Ice and Water manipulator from the mortal world who doesn't know that White Academy exist. Isang paaralan na para sa mga may ispesyal na Charm o kapangyarihan... Isang babae ang mapapadpad. Ngunit Ordinary...