Elisa POV
"Ok class i want to introduce to you your new classmate, Ms. Asunsion do you want to introduce your self?"
"Yes Ma'am!"
"Elisa Asunsion in front of you 16 years of age"
Umupo ako sa bakanteng upuan at nag simulang nagsalita ang aming Prof.
Sinabi ng Prof. namin sa mga bago kong kaklase na hindi ako agad nakapasok nung first day dahil nagkasakit ako.
Matapos ang mahabang discussion ay lunch break na, pumunta ako ng mag isa sa canteen, at pumila sa counter.
Malaki ang kanilang canteen kumpara sa dati kong eskwelahan at Air conditioner din ang kabuuan nito.
Naghanap Ako ng mauupan ng may tumawag sa akin
"Elisa!!"
Humarap naman ako sa tumawag sa akin, pamilyar ang mukha nito, kaklase ko ata to
Lumapit ako sa kanila dala ang pagkain ko.
"Dito ka nalang umupo!"
"Sige salamat"
"Mga kaklase mo kami, ako si Margarett at sya naman si Psykie"
"Nice meeting you!"
"Bakit ka pala lumipat dito sa St. Nicolas"?- tanong ni Margarett
"May bahay kasi kami dito sa Bicol, at sabi ni Mommy dito nalang daw ako mag aaral ng 3rd year highschool. Wala naman akong nagawa kaya pumayag na ako."
"Ahh ok, wag ka nalang masyadong didikit sa mga taong hindi mo kilala, at wag na wag kang pupunta sa pinakataas na floor sa building nato!"- sabi ni Margarett
"Ha? Bakit?"
"Kasi maraming istudyante don na iba ang mga ugali, lalo na yung mga Badboy kings"-Sagot ni Psykie
Sasagot na sana ako pero narinig ko ang mga tili ng mga babae dito sa canteen, lahat sila ay nakatingin sa Entrance ng canteen kaya napatingin na din ako.
Tatlo na nag ga-gwapuhan na lalaki ang pumosok sa Canteen. At umupo malapit sa pwesto namin.
"Speaking of"- Psykie
"Sila ba yung sinasabi nyong Badboy kings?"
Sabay naman silang tumango.
Wala maski isa sa kanila ang tumayo para umorder, dahil may sarili silang mag se-serve ng pagkakain.Edi sila na sila na ang hari ng mga katamaran!! Mag o-order lang hindi pa makatayo.
"Elisa wag na wag mo silang titignan sa mata dahil..... Naku patay ka kapag nagkataon"- Psykie
Hindi ko pinakinggan si Psykie patuloy lang ako sa pagtingin sa apat na "Hari Daw".
Hindi naman nila ako makikita dahil busy sila may kanya-kanya silang Gadget.Sumubo ako ng pagkain sabay tingin ulit sa kanila, nakaka turn off tuloy yung kagwapuhan nila kung ganyan yung ugali nila!!
Nagulat ako ng biglang humarap sa akin ang isa sa kanila, magkasalubong ang mga kilay nito at tinignan ako.
Napatungo ako sa pagkain ko, at umarte na parang walang nangyari.
"Patay ka Elisa"-sabk ni Margarett
Tinignan ko naman sya at nakakatitig sya sa likod ko.
Siniko naman ako ni Psykie at nginuso ang bibig nya sa likod ko.
Napatingin ako sa likod ko at halos mapatalon ako ng makita ko yung lalaki kanina.
"Anong problema mo?"- maangas na tanong nya
"Ha? Wala naman akong Problema, ikaw ang Problema ko"- halos pabulong ko lang sinabi ang huli kong sinabi
Sana hindi nya marinig, please help me lord.
"Ano? ano yung huli mong sinabi, paki ulit mo nga!" - medyo nilapit nya ang tenga nya sa mukha ko
Patay na ako nito. Tinignan ko si Margarett atsaka si Psykie, umiwas sila ng tingin sa akin.
Napatalon ako ng biglang hampasin nung lalaki yung lamesa namin, natapon tuloy yung Juice ko sa palda ko.
Naiinis na ako!!, kapag ako napuno mo gago ka....
"Kilala mo ba kung sinong nasa harapan mo ngayon?"- tanong nya
"Pasensya na hindi eh"
Tumayo sya ng daretso at mag sasalita na sana pero pinigilan ko sya
"Kahit hindi na, im not interested"
Narinig ko ang pagtawa ng ibang istudyante sa ginawa kong pambitin sa kanya, mukha kasi syang tanga.
"How Dare you to say that to me!!"- galis na sigaw nya
Mukha ata naglit na si kumag, lagot na ako. Pero hindi ko pinahalata na natatakot ako sa kanya.
"Margarett, Psykie tara na may pasok pa tayo"- tumayo na ako at lumabas na, sumunod naman sila Margarett sa akin
"Elisa anong ginawa mo?"- tanong ni Margarett
"Wala, kinausap ko lang naman sya" - pabalang na sagot ko
Nasampal naman ni Margarett ang kanyang noo at umiling
"Patay ka Elisa ginalit mo pa sya, pinahiya mo pa!"- sagot naman ni Psykie
"Bagay lang sa kanila yun"
YOU ARE READING
"The Two Badboy Beside Me"
Teen FictionTagalog story Dalawang lalaki ang mag papabago sa buhay ko, pero isa lang ang dapat ang mamahalin ko........