Pagdating sa harap bahay, agad akong bumaba ng kotse ni francis.
Pagbaba ko ay biglang umikot ang paningun ko, napahawak ako sa kotse ni francis at hinilot ang sintido ko.
"Hey, are you okay??"
"Medyo na hihilo lang ako"
"Hatid na kita sa loob!"- sabi nya at inakay ako papasok
Mabuti naman wala pa si Mommy.
Naupo ako sa sofa at nagpahinga muna.
"Gusto mo ba ng tubig?, or juice?"
"Ayos lang ako"- sabi nya
"Mag-isa ka lang dito?"- tanong nya
"Hindi kasama ko si Mommy dito, pero wala pa sya nasa trabaho"
Tumango lamang sya
"Kailangan ko ng umuwi"- sabi nya
"Ok sige"
Hinatid ko sya sa labas ng gate, bago pa ito umalis ay nagpasalamat ako
"Francis?, salamat nga pala, yung tungkol pala sa project pwede bang umpisahan na natin bukas dito??"
"Ok sige"- sagot nya
"Ingat!"
Umalis na ito at pumasok na ako sa bahay. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.
Nagpalit muna ako ng damit, gusto ko sanang maligo pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
Nakita ko ang polo shirt ni Francis at pinalaba kay manang
Humiga na ako sa kama ko, naalala ko yung bracelet ko na galing pa kay Daddy, bigay nya sa akin yon bago sya mamatay. Kaya mahala sa akin yon dahil yun nalang ang natitira kobg ala ala mula sa kanya
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
---
Francis POV
Galing ako ng library at pumunta na ako sa classroom para kunin ang gamit ko dahil mukhang uulan
Inutusan ako ng Prof namin na ihatid ang mga papers works sa faculty, umakyat ako sa pinakataas na floor.
Pababa na sana ako ng marinig ko ang sigaw mula sa rooftop.
Umakyat ako at narinig ko ang kalampog mula sa pinto.
Mukhang may tao sa loobAt narinig ko na humihingi ito ng tulong.
Binuksan ko ang pinto at bumulaga sa akin si Elisa yung bago naming kaklase.
Nagulat ako dahil bigla nya akong niyakap, ang init ng katawan nya at nagdulot iyon ng kakaiba mula sa katawan ko
Basang basa sya mukhang naulanan sya, tinanggal ko ang polo shirt ko at inilagay iyon sa likod nya.
Bumaba na kami at pumunta sa parking lot.
"May kasama ka ba sa paguwi?"
"Mukhang naka uwi na yung driver namin"-sagot nya
"Saan ba ang bahay nyo, ihahatid na kita?"
"Dyan lang sa malapit na village, ituturo ko nalang"-sagot nya
Pagdating sa tapat ng bahay nya, bumaba na sya sa kotse ko. Pagkababa nya napahawak sya sa kotse ko, at hinilot ang sintido nya.
"Hey, are you okay??"
"Medyo na hihilo lang ako"- sagot nya
Agad akong bumaba ng kotse ko at inakay sya papasok sa bahay nya.
"Hatid na kita sa loob!"
Naupo sya sa sofa at bahagyang nag pahinga
"Gusto mo ba ng tubig?, or juice?"-tanong nya sa akin
"Ayos lang ako"
"Mag-isa ka lang dito?"
Pagkapasok palang namin sa loob wala ng tao kaya tinanong ko, kahit maids wala.
"Hindi kasama ko si Mommy dito, pero wala pa sya nasa trabaho"- sagot nya habang naka sandal ang ulo nya sa sofa
Tumango nalang ako bilang sagot ko
Maya-maya pa ay nag paalam na ako sa kanya
"Kailangan ko ng umuwi"
"Ok sige"-sagot nya
Lumabas na kami ng bahay nya hinatid nya ako hanggang sa gate nila.
"Francis?, salamat nga pala, yung tungkol pala sa project pwede bang umpisahan na natin bukas dito??"
"Ok sige"
Bago pa ako maka alis ay narinig ko pa ang sinabi nya
"Ingat!"-pahabol na sabi nya
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis na.
Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna ako sa kwarto ko.
Inisip ko si Elisa kanina, basang basa sya, awang awa ako sa kanya dahil hinang hina sya.
Sino kaya ang gumawa sa kanya non,
Maraming tanong ang nabubuo sa isip ko.Pero Binalewala ko nalang ito at nagpahinga na.
YOU ARE READING
"The Two Badboy Beside Me"
Teen FictionTagalog story Dalawang lalaki ang mag papabago sa buhay ko, pero isa lang ang dapat ang mamahalin ko........