Nagsimula ang pangalawa naming klase at nakinig lang ako.
"Ok class for your activity, i group you into two. Kailangan sa Friday maipresent nyo na yan!"
"Ms. Quezon and Mr. Santos"
"Ms. David and Mr. Reyes"
"Ms. Zamora and Mr. Kim"
"Ms. Agoncillio and Mr. Montefalco"...........Matapos matawag lahat ng kaklase ko ay natawag ako.
"And last but not the least
Ms. Asunsion and Mr. Hidalgo""Ok try to talk a little bit conversation to your groupmate"
Hindi ko kilala si Hidalgo, tinanong ko si Psykie kung sino ito at tinuro nya ang lalaking nakaupo malapit sa bintana naka suot ng Headphone.
Lumapit ako sa kanya, at nakita ko naman na nakapikit sya.
Kinalbit ko sya at iminulat nya naman ang mata nya."Uhmm Hi, ako si Elisa group mate mo" - galak na sabi ko
Ginaganahan akong kausapin yung mga taong alam mong mabuti ang ugali.
Infernes ang Gwapo nya!!
Tumgo lamang ito at sinuot muli ang kanyang headphone.
Ayy isnabero si kuya.Ang gwapo pa naman.
"Anong pangalan mo?"- tanong ko sa kanya
Mukhang hindi nya ako narinig kaya kinalabit ko ulit ko sya
Tinanggal nya ito ulit at, inulit ko naman ang tanong ko.
"Francis"- maikling sagot nya
"Saan mo gustong gawin yung project natin?"- tanong ko sa kanya
"Ikaw bahala"- walang ganang sagot nya
"Sa malapit na Villa lang ako nakatira, magkita nalang tayo don sa harap ng gate"
Tumango lamang ito at sinuot na muli ang headphone nya.
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa locker ko para iwan ang mga libro ko.
Pero laking gulat ko ng nakita ko na sira ang locker ko, wasak wasak yung locker ko, paano nangyari yun??
Tinignan ko ang loob nito, at lalong nanlaki ang mata ko ng wala ang bracelet na nakalagay sa isang kahon.
"Saan napunta yon?"-tanong ko sa sarili ko
Hinanap ko kung saan saan pero wala talaga, napansin ko ang kulay yellow na note sa gilid ng locker ko at binasa iyon.
"Simula palang yan Ms. Asunsion!!"
Kung gusto mong makuha ang hinahanap mo go to the rooftop.
Mukhang kilala ko na kung sino to, ito yung bwisit na lalaki sa canteen, gagawin ko lahat basta maibalik lang yung bracelet na yun.
Nagmadali akong umakyat sa pinakataas, alam kong mali yon dahil sabi nila Margarett delikado daw.
Pero hindi!! Kukunin ko yon kahit anong mangyari, mahalaga sa akin yon.
Bago ako pumunta sa rooftop dumaan muna ako sa last room. At yun yung tinutukoy nila Margarett.
Nagmadali akong naglakad pero bago ako humakbang sa unang staircase ng hagdan papuntang rooftop ay naramdaman ko ang malamig na tubig sa katawan ko.
Basang-basa ako, narinig ko pa ang tawa ng mga kalalakihan mula sa pinanggalingan ng tubig.
Pero binaliwala ko yon dahil kailangan kong makuha yung bracelet, nagpatuloy ako sa pagakyat sa hagdan kahit nilalamig na ako.
Pagbukas ko ng pinto sa rooftop ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
Nilibot ng mata ko ang kabuuan ng rooftop pero walang tao at wala din akong nakitang bagay naka kahon.
Lalabas na sana ako pero biglang sumara yung pinto, pinihit ko ang doorknob nito ngunit naka lock na ito.
"Tulong!!!, may tao ba dyan, tulungan nyo ako!!!"- malakas na sigaw ko
Umaasa ako na may tutulong sa akin pero mukhang wala.
Isang oras na ata akong sumisigaw dito pero wala parin.Nilalamig na ako, pakiramdam ko ang magkakasakit ako.
Sumandal ako sa pader at umupo sa sahig. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero walang signal dito.
Ilang oras pa ang nakalipas at nag gagabi na, naramdaman ko ang pagpatak ng ulan.
Nabasa ulit ako, nakaupo lamang ako sa gilid at umaasa na may tutulong sa akin.
Kahit naghihina na ako ay inipon ko ang lakas ko at sumigaw ng napakalakas.
"Tulungan nyo ako!!! Tulong palabasin nyo ako dito!!!"
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko kasabay ng pagpatak sa ulan.
Narinig ko na may paparating, kaya tumayo ako at kinalampag ang pinto.
"Tulong may tao ba dyan, tulungan nyo ako please!!"
Nasa harap ng pinto si Francis at binuksan ang pinto, agad ko syang niyakap.
Nagulat man ako sa ginawa mo pero nag papasalamat ako na dumating sya.
"Anong ginagawa mo dyan?"-tanong nya
"May naglock sa akin"
Halos bulong nalang ang pagkakasabi ko dahil hinang hina na ako.
Tinanggal ni Francis ang polo shirt nya at nilagay ito sa likod ko.
"Tara bumaba na tayo!"-sabi nya
Inakay nya ako pababa hanggang sa ground floor.
"May kasama ka ba sa paguwi?"-tanong nya
"Mukhang naka uwi na yung driver namin"
"Saan ba ang bahay nyo, ihahatid na kita?"-tanong nya
"Dyan lang sa malapit na village, ituturo ko nalang"
Sumakay na kami sa kotse nya at pinaandar ang nya na ito. Itinuro ko naman kung saan ang bahay namin.
Sana wala pa si Mommy panigurado lagot ako sa kanya.
YOU ARE READING
"The Two Badboy Beside Me"
Teen FictionTagalog story Dalawang lalaki ang mag papabago sa buhay ko, pero isa lang ang dapat ang mamahalin ko........