Elisa POV
Pagkagising ko ang bigat- bigat ng pakiramdam ko.
Bumaba ako at pumunta ng kwarto ni MommyNakita ko sya na natutulog pa, tulog mantika lagi si Mommy pagod kasi sa trabaho.
Bumaba na ako at pumunta sa kitchen, nagluto ako ng Almusal ko at para kay Mommy.
Matapos ang lahat ng Daily Routine ko ay sumakay na ako sa kotse at nag pahatid sa driver namin papuntang School.
Mabagal lang ang paglakad ko dahil ang bigat bigat ng pakiramdam ko, tinignan ko wrist clock ko. Medyo maaga pa naman kaya pumunta muna ako sa library.
Pagdating doon ay nag basa-basa muna ako ng mga libro.
"Hey Elisa"
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Francis.
"Uyy Francis, bakit ka nandito?"
"Malamang para magbasa"- pilosopong sabi nya
Oo nga naman para magbasa, library to eh. Ano ba Elisa common sense naman.
"Ahhh ok hehe"
Pahiya ako grabe!!
"Actually pumunta ako dito dahil nakita kitang pumasok sa library, and balak ko sanang pag usapan natin yung tungkol sa Report" - paliwanag nya
"Ayy oo nga pala, nawala sa isip ko may report pala tayo"
"Kumuha nalang tayo ng mga kakailanganin nating mga libro"
Nag hanap kami ng mga libro na pwede namin magamit para sa report namin.
Matapos ang pag hahanap ng mga libro umupo kami sa kanina naming pwesto.
"Sakto naba lahat to?"
"Yup"
"So i guess mamaya nalang tayong uwian mag kita ulit, oras na kasi"
Pinakita ko sa kanya ang wrist clock ko, tumango lang sya bilang sagot sa akin.
"Ok sige, hihintayin nalang kita dito sa library" -tumayo na sya ati binitbit ang mga hiniram namin libro
Sabay na kaming pumasok dahil mag kaklase naman kami.
"Ok class sa Friday na yung mga report nyo, pero kung may tapos na at pwede ng mag report ngayon. You can start now"
Tumayo naman sila Margarett at Psykie.
"Sir mag re-report na po kami"- sabi ni Margarett
"Ok, gou can start now!"-sagot ng prof namin
Nakinig lang kami sa mga nireport nila. Bawat group ay may kanya kanyang topic na binigay ng Prof namin.
Ang diniscuss naman nila Psykie ay tungkol sa mga Animals and Reptiles
Ng matapos ang klase sinabihan agad ako ni Francis na mag hintay nalang sa library dahil meron pa daw syang ibang gagawin.
Bago ako pumunta sa library dumaan muna ako sa locker ko at kinuha ang ibang libro na dala ko kanina.
Pagkabukas ko ng locker ko umalingaw- ngaw ang mabahong amoy, napansin ko ang naka plastic na nakalagay sa loob ng locker ko.
YOU ARE READING
"The Two Badboy Beside Me"
Teen FictionTagalog story Dalawang lalaki ang mag papabago sa buhay ko, pero isa lang ang dapat ang mamahalin ko........