Kabanata 5

822 9 0
                                    

"P*tanginang buhay 'to, oo! Pagod ka na nga sa trabaho wala pang maaabutang pagkain pagkauwi!" napatagilid ako ng higa at iniharang ang unan sa aking tenga- nagbabakasakali na mababawasan ang ingay kapag iyon ang ginawa ko.

Pero hindi, nag-aaksaya lang ako ng oras. Maliit lang ang kwarto namin at kilala ko ang ate ko, maingay iyan lalo na kapag umaga. Iyon din kasi ang uwi niya dahil panggabi ang trabaho niya.

"Pambihirang customer iyon! Hayok na hayok parang ngayon lang nakak*ntot!" dagdag pa nito.

Mas lalo ko pang idiniin ang unan sa aking tenga at pinipilit na ipikit ang mata. Baka kapag iyon ang aking ginawa ay balikan ulit ako ng antok at makatulog pang muli.

"Hoy, Amari! Gumising ka diyan. Tanghaling-tapat na, wala ka bang pasok?" nagulat ako nang tadyakan ako nito sa hita. Napaigik ako sa sakit. Sanay nang palaging ginaganito. "Nakahilata ka pa dyan! Sarap buhay?!"

Kaya kahit na medyo antok pa, napaupo ako sa kama at sinamaan siya ng tingin. Pambihirang buhay 'to! Kung gumanti naman ako ay baka mas malumpo lang ako at mawalan ng bahay. Kung umasta talaga itong ate ko, parang hindi niya ako kadugo. Parang hindi niya ako kapatid!

"Meron! Anong pakialam mo?!" inis ko ng sabi sa kaniya. Alas siyete pa lang kasi!

Gusto ko pang matulog! Nabayaran ko na 'yung utang niya sa mga babaeng naghahabol sa akin kahapon pero bago ako makaalis ay pinainom muna nila ako at hindi pinayagang makauwi nang hindi nauubos iyong isang bote ng gin.

Mabuti nalang at nagawan ko ng paraan na mabayaran ang utang na iyon, mabuti nalang at nauto ko rin 'yung lalaking iyon kahapon. Ang kaso, kung kinakarma ka nga naman, pagkauwi ko dito bago ako tuluyang mahiga ay pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sa dami ng nainom ko.

Marami na nga akong kinaing pulutan para mabusog agad ang sikmura ko, kaya kahit ngayong umaga ay hindi na ako makapag-almusal, para na rin sana makatipid, ang kaso... sinuka ko lang ang lahat ng iyon bago matulog.

Kaya kung gutom siya, gutom din ako! Pareho lang kami!

"G*ga ka talaga! Kung sumasama ka sakin magp*kpok kahit hapon ka na gumising ayos lang! Sayang ang ganda mo, Amari! Hindi napapakinabangan!"

Balak ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero hindi na dahil kung ganito kaingay ang ate ko at hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig niya, nag-aaksaya lang ako ng oras. Mabuti pang pumasok na.

"Huwag mo nga akong itulad sa'yo, Ate!" inis kong sabi at saka dumiretso na sa banyo para maligo. "Mahal ko naman ang sarili ko kahit papano! Hindi ko ibebenta ang dignidad ko!"

"G*ga ka talaga! Bakit?! Aasa ka diyan sa pag-aaral mo? Hindi ka katalinuhan, Amari! Boba ka rin katulad ko!" hirit pa nito bago ko tuluyang sinarado ang pinto ng banyo.

"Boba na kung boba pero hindi ko ipagpapalit ang katawan ko magkapera lang!" saad ko sa kaniya bago ko tuluyang sinarahan ang pinto ng banyo.

May iba pang paraan para kumita ng pera. May pag-asa pa para makaahon sa kahirapan. Hindi sagot 'yung pagpop*kpok para makaalis sa animoy kumunoy na ito. Hindi ganoon. Ayaw ko ng ganoon. Hindi ko ipagkakanulo ang sarili ko.

May mga sinasabi pa sana ito pero nilakasan ko na lang ang tubig sa gripo para hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. Araw-araw nalang ganito. Kailan kaya titigil ang ate ko sa pagengganyo sa akin sa trabaho niya?

Mukhang malabo dahil iyon ang pinagkukunan namin ng pera sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ulila na kasi kami. Hindi ko nga alam kung makakapag-kolehiyo ako. Siguro, kapag nakapagtapos nalang ako sa senior high ko iyon poproblemahin.

How to be a Sinner? (Sin Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon