Kabanata 11

21 0 0
                                    

He's kissing another girl. Nararamdaman ko na unti- unti nang bumuhos ang aking mha luha galing sa aking mga mata. I'm still looking at them while smiling bitterly.

Kumalas na sila sa halik at ipinagdikit ang kanilang mga noo. They smiled at each other. Ang ganda nilang pagmasdan, they really look happy together. They look good together.

Napatawa ako nang kaunti at umiling-iling. Oo nga pala. Walang kami. May girlfriend siya at mahal na mahal niya iyon. Hinding-hindi niya ako pipiliin. Hinding-hindi. He won't love me like I love him. He won't love me as much as he loves her. Substitute lang ako, kabit, option. He will never make me his priority. And I'm stupid enough to think that he will. I'm stupid enough to fall inlove with him. I really am.

Napangiti ako lalo nang nagyakapan na sila nang napakahigpit. Nagsimula na rin akong lumakad papalayo sa kanila at kasabay no'n ang pagbuhos muli ng aking mga luha na gustong-gusto ko ng pigilan at itigil.

Tumakbo uli ako, tumakbo lang ako nang tumakbo. 'Di ko alam kung saan ako pupunta, ayoko munang kausapin ako ng ibang tao, gusto ko na munang mapag isa. Gusto kong lumayo sa maraming tao, wala na akong pakialam kung hindi na ako makapunta kina Rhea, babawi na lang ako sa susunod.

Takbo lang ako namg takbo habang umiiyak, pagod na pagod na ako pero patuloy pa rin ako sa pag takbo. Napatigil ako nang makapunta na ako sa lugar kung saan ko sinabi kay Yerald ang lahat. Kung saan ko sinabi na gusto ko siya. Kung saan nangyari ang una naming halik, kung saan nagsimula ang lahat ng 'to.

Humiga ako sa damuhan at tiningnan ang langit na ngayon ay unti unti nang naging orange dahil papalubog na naman ang araw, napapikit ako nang naramdaman ko na naman na dumalos ang aking mga luha sa magkabila kong pisngi. Kumirot ang puso ko. Ansakit. Ansakit sakit.

Pero kasalanan ko naman talaga 'yon, diba? Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Sana talaga pinigilan ko na lang ang nararamdaman ko sakaniya, sana isip ko na muna ang pinairal ko. Sana pala hindi na lang ako nahulog sa patibong niya.

Pero 'di ko kayang wala siya, binago niya ako, binago niya ang aking buong pagkatao. I see things in a different way now. Pero bakit gano'n? Matagal na rin kaming magkakilala pero 'di ko pa rin nakukuha ang pagmamahal niya nang buong-buo. 'Di ko pa rin mahawakan nang buong buo ang puso niya at lalong hindi ako ang laman ng puso niya. At 'di ko alam kung magiging laman pa ba ako nito.

Tumagal ako sa gano'ng posisyon nang halos isang oras, hinahayaan ko lang na tumulo ang aking mga luha habang tumitingin sa taas at habang tinatangay ng hangin ang aking buhok.

Tumayo na ako at pinagpagan ang aking uniform, inayos ko uli ang aking bag, buhok at eyeglasses at tsaka huminga nnag malalim. Alam kong mali ang pagmamahal ko sa kaniya, alam kong hinding-hindi niya ako uunahin bago do'n sa girlfriend niya at kailangan ko itong tanggapin.

Huminga uli ako nang malalim.

Nagsimula na akong lumakad pabalik sa bahay nina Tita, napatingin ako sa cellphone ko nang nagvibrate ito, may notification sa messenger, naiwan ko palang naka-on ang data, nakita ko naman na nagchat si Yerald. Tinatanong niya kung nasaan daw ba ako, ni-seen ko na lang siya at hindi na ni-replyan. Malapit na rin naman kasi ako sa bahay nina Tita.

Nang malapit na ako sa bahay ay bigla akong napatigil nang nakita ko si Yerald sa may gate habang nakasandal sa kaniyang bike at tsaka nakatingin sa kaniyang cellphone. 'Di ako makagalaw. Nalaman niya na ba na nakita ko sila ng girlfriend niya na naghahalikan? Nah. Hindi naman ako nakita eh.

Nanatili lang ako sa pwesto ko nang makita niya ako, agad na kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin nang diretso. Agad siyang lumapit sa akin at hinigit ako papalayo sa tapat ng bahay nina Tita, nagpahigit na lang ako sa kaniya. Alam ko kasing wala na rin naman akong kawala kapag nagpumiglas pa ako, ang higpit kasi ng hawak niya. Nang makalayo layo na kami sa bahay ay agad niya akong hinarap sa kaniya at hinawakan ang aking magkabilang braso.

"Saan ka nanggaling?" malamig niyang tanong pero may bahid na inis sa kaniyang tono. Napabuntonghininga na lang ako at tsaka umiwas ng tingin. Di ko alam kung magagawa ko siyang kausapin ngayon, matapos kong makita ang nangyari kanina, 'di ko alam kung kaya ko pa siyang kausapin na hindi ako nasasaktan.

"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" dagdag niya pang tanong. Tiningnan ko siya habang walang emosyon ang aking mga mata. Naramdaman ko naman na humigpit ang kaniyang hawak sa magkabila kong braso.

"Bakit? May pakialam ka ba? Wala naman diba?" sabi ko. Napatigil naman siya dahil sa aking sinabi. Tiningnan ko siya nang diretsk sa kaniyang mga mata, kumirot naman kaagad ang puso ko nang nakita kong nasasaktan na siya. Nasasaktan ko siya, palagi na lang akong nakakasakit ng ibang tao. Bakit ba kasi ganito ako?

"Nakita ka ni Yunice," dagdag niyang sabi, napangiti ako nang bahagya, 'yon pala ang pangalan ng girlfriend niya. Nice name.

"Ahm. So?" sabi ko. Mas humigpit ang hawak niya sa aking braso, nasasaktan niya na ako pero wala akong pakialam. Sanay na rin naman akong masaktan eh, physically and emotionally.

"Nakita mo kami kanina habang nasa quadrangle kami. Diba sabi ko sa'yo hindi ako makakasabay sa'yo sa pag uwi? Pero bakit ka nando'n?" nakakunot-noo niyang tanong. I shrugged. Alam ko naman na nagiging immature ako ngayon, dapat mag sorry na lang ako dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko naman talaga

"Wala lang. Para manood? I like romantic scenes so what's wrong with that?" malamig ko uling sabi. Narinig ko ang buntonghininga niya.

"Sinasaktan mo ang sarili mo, Baby," bigla ako nanlambot dahil sa tawag niya sa akin. 'Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa tuwing tinatawag niya akong ganun. I'm happy and sad at the same time. 'Di ko na maintindihan ang sarili ko, unti-unti akong nagbabago. I'm losing control of myself.

"Trust me. I'm fond of hurting myself," sabi ko naman. Narinig ko uli ang kaniyang buntonghininga, naramdaman ko naman na bumaba ang kaniyang gawak sa dalawa kong kamay, pinisil pisil niya ito. Agad na kumirot ang aking puso dahil sa kaniyang ginawa. It sounds cliché but I like this.

"Ayokong nasasaktan ka," sagot niya naman. Napabuntonghininga uli ako, nagsimula na rin niyang paglaruan ang aking mga kamay.

"Ayaw mo talaga? Sigurado ka?" tanong ko. Napatigil naman siya at tumingin saakin ng diretso habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Ayokong nasasaktan ka, akala ko ba alam mo 'yon? Mahal kita. Mahal na mahal, kaya ayokong nasasaktan ka, at lalong ayaw kong sinasaktan mo ang sarili mo," sabi niya. Napatigil ako nang inikot niya ang aking kamay at pinakita sa akin ang aking pulsuhan. Sinugatan ko ito, I'm fond of hurting myself. Palagi ko itong ginagawa kapag naiisip ko na ayoko ng mabuhay dito sa mundo.

"It's my hobby. I want to hurt myself but I can't feel anything anymore. I became numb, useless, worthless, pathetic and a whore," sabi ko. Namilog ang kaniyang singkit na mga mata dahil sa sinabi ko.

"You're not a whore," he said.

"And you will never be," dagdag niya pa. I smiled bitterly again.

"Well then, sino ang pipiliin mo? Ako o si Yunice?" tanong ko sa kaniya. Napatigil uli siya st umiling-iling. Tiningnan ko siya ng diretso. Nanlambot ang aking mga tuhod at kumirot din ang aking puso nang nag sorry siya.

So it's her. Kinalas ko ang pagkahawak niya sa aking mga kamay, napatingin siya sa akin habang may mga luha na tumutulo sa kaniyang mga mata.

"I'm sorry, Leiosa. Alam kong nasasaktan ka, pero sana..sana isipin mo rin na nasasaktan din ako."

We're Disconnected (COMPLETED)Where stories live. Discover now