Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Pakalipas ng ilang minuto ay napagdesisyunan na rin namin na umuwi. 'Di na rin naman kami natagalan sa pagpunta sa bahay nina Auntie.
"Salamat," sabi ko. Tumango naman siya at hinalikan ako sa aking noo. And for the nth time, I smiled.
"Kailangan ko nang umuwi. Goodnight," sabi niya habang nakangiti, sinuklian ko naman iyon. Binigay niya na rin sa akin ang gitara, pumasok na ako at nakita ko naman na umalis na rin siya.
"Kain na, Leiosa," sabi ni Auntie, tumango ako at ngumiti tsaka binigay kay Kuya Liam ang gitara niya. He nodded and thanked me.
"Leiosa, bilisan mo. Babalik na tayo ngayon sa bahay," napatigil ako dahil sa sinabi ni Mama. Gusto kong magreklamo pero wala na rin naman akong magagawa eh.
"Okay po," sabi ko at nagsimula nang kumain.
'Di naman kami natagalan sa pagkain kaya nagsimula na rin kaming magligpit ng aming mga gamit.
"Ate Leiosa, kita na lang tayo sa school ha?" nakangiting sabi ni Shania. Ngumiti naman ako at tumango uli, hinatid naman kami ni Auntie sa bahay namin gamit ang kaniyang kotse.
Pagpasok na pagpasok namin ay nakita namin si Papa na nagluluto sa kusina. Napatingin siya sa amin at tsaka ngumiti habang ako naman ay napabuntonghininga na lang.
"Oh mga anak, ilagay niyo na ang mga gamit niyo do'n at kakain na tayo," he said with a smile. We smiled back, plastikan na naman ba 'to? Mag papanggap na naman ba kami na walang nangyari?
Tumango na lang kami at pumunta na sa kaniya-kaniya naming mga kwarto. Bumihis naman ako at tsaka pumunta na sa kusina.
Kakakain pa lang namin pero kakain uli kami. Great. Kapag hindi kasi kami kumain ng niluto niya ay magagalit na naman siya.
Nagsimula na kaming kumain, pagkatapos ay niligpit ko na rin ang mga pinagkainan namin at pumunta uli sa aking kwarto. Naglog-in ako sa real account ko at ni-chat sina Taye at Ema na babawi na lang ako sa susunod. Naiintindihan naman daw nila kaya huwag daw akong mag-alala. Pinasalamatan ko naman sila. Ang swerte ko naman dahil understanding pala 'tong mga ka-grupo ko.
I smiled and chatted Yerald goodnight and I love you.
Unti unti ko na ring pinikit ang aking mga mata dahil dinalaw na rin ako ng antok.
° ° °
I stretched my arms and feet. Finally, we're done.
"Grabe, magaling ka palang magdrawing? Ba't 'di mo naman ni-sshare sa buong klase ang talents mo?" nakangiting tanong ni Rhea at Mark. I shrugged.
Kinuha ko naman ang phone ko sa aking bulsa nang nagvibrate ito. I smiled when I saw his text..
"Kita tayo mamaya, Baby. Do'n tayo sa usual spot," basa ko sa chat niya. I smiled again.
"Ehem. 'Yan ba 'yung boyfriend mo, Leiosa? 'Yung gwapong chinito?" halos mamula ako dahil sa sinabi ni Taye.
"He's not my boyfriend," I said. They laughed at me.
"May lahi ba 'yon? Infairness, ang gwapo niya talaga," dagdag pang komento ni Ema. Halos mapamura ako sa aking isip dahil sa kahihiyan.
"Meron. He's 1/4 chinese," sabi ko. Napatango-tango naman silang lahat. Nagsitayuan na rin sila at nagsimula na kaming lumigpit nang oras na para umuwi. Nagpaalam na rin kaming lahat nang nakalabas na kami sa gate ng bahay nina Rhea.
"Sabay ka na sa amin,Leiosa," sabi naman sa akin ni Lester. Umiling naman ako at binigyan siya ng isang ngiti
"May pupuntahan pa kasi ako", sabi ko. Napatango- tango na lang sila at nagsimula nang lumakad papalayo sa akin. Nagsimula na rin akong lumakad papunta sa palagi naming pinupuntahan ni Yerald. Napatigil ako bigla nang nakarating ako duon. May dala siyang pagkain habang nakalapag ito sa blanket. Para kaming nagpipicnic. It sounds corny but kinikilig ako sa idea na sabay kaming kakain.
"Tara," sabi niya. Ngumiti naman ako at tumabi sa kaniya. Nagsimula na rin kaming kumain, 'di pa naman lumulubog ang araw dahil 4:30 pa lang kaya 'di pa madilim.
Nararamdaman na naman namin ang simoy ng hangin na nandito sa may dagat. Ang ganda talaga sa pakiramdam. Parang walang problema, parang walang nasasaktan. Sana ganito na lang palagi. Sana.
"Here," sabi niya at tsaka binigay sa akin ang isang rocky road na ice cream. Kumunot naman ang aking noo at kinuha ito.
"Saan mo 'to nakuha?" tanong ko sa kaniya. He chuckled and pointed the cooler beside him. Napailing iling na lang ako habang natatawa nang kaunti. Nagdala pa talaga siya ng cooler para sa ice cream na'to.
"Leiosa." Napatingin ako sa kaniya nang tinawag niya ako sa aking pangalan. Diretso lang siyang nakatingin sa papalubog na araw. Naubos na rin namin ang rocky road na kinakain namin kanina kaya itong bottled coke na lang ang iniinom namin.
"Hm?" sagot ko naman.
"Diba author ka? A famous one?" napatigil ako dahil sa sinabi niya. Alam niya na rin. Pero paano?
Napabuntonghininga na lang ako at tumango, wala na rin namang kwenta kung magsisinungaling pa ako. Malalaman na malalaman niya na rin naman ito eh.
"Wala na kami ni Yunice." Lalo akong natigilan dahil sa sinabi niya. Wala na sila ng girlfriend niya?
I patted him in the back and looked at him directly.
"Are you okay?" tanong ko, tumingin naman siya sa akin at tumango. He smiled.
"I realize that if I'm not happy anymore...I should just leave, right? I broke up with her because you're the girl I truly love and adore." Namula ako dahil sa sinabi niya. I smiled back
"So, Miss Author. Pwede ba akong humingi ng pabor?",
tanong niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi."Ano 'yon?" tanong ko namam pabalik sa kaniya.
"Pwede mo bang...gawan ng estorya ang buhay nating dalawa? Please?" he asked. Napatigil ako at uminom uli ng coke. I sighed deeply.
"I gave up on writing a long time ago, Yerald," seryoso kong sabi. Hinawakan niya naman ang kamay ko at ngumiti tsaka tumingin uli sa akin nang diretso.
"Please, Baby. For me?" he pleaded. I sighed again.
"I'll try," sabi ko. Ngumiti naman siyang muli at niyakap ako. Hinigpitan ko naman iyon and he thanked me.
Sana ganito na lang palagi 'no? Palagi niya akong yakap at palagi akong nakakulong sa bisig niya.
"Baby," tawag ko sa kaniya..
"Hm?" he replied.
"I love you," sabi ko. He chuckled.
"I love you too," he replied. Hinding hindi talaga ako mapapagod marinig ang I love you niya. Kumalas rin naman siya sa yakap at hinawakan ang aking kamay.
"I need to tell you something," seryoso niyang sabi.
"Ano 'yon?"tanong ko naman uli.
"May sakit ako, Leiosa. May bara ang puso ko," nanlambot ako dahil sa sinabi niya. Alam kong sakitin siya pero 'di ko alam na may bara pala ang kaniyang puso.
Ang sakit. Ang sakit isipin na may sakit pala ang taong pinakamamahal ko. Kung pwedeng sa akin na lang ang sakit na dinaramdam niya ay matagal ko nang inako ito, ayokong nasasaktan niya. Ayokong nahihirapan siya.
Agad ko naman siyang niyakap, naramdaman ko naman na hinigpitan niya ito. My heart almost broke when I heard his sobs.
"And baby..." pagpapatuloy niya
"I need to leave." And with that. I felt my tears falling down from my eyes.
YOU ARE READING
We're Disconnected (COMPLETED)
Teen FictionMay mga bagay na konektado sa isa't-isa, ngunit may mga bagay din na kahit anong pilit mo... hindi pa rin kayo magiging konektado. Ito ang estorya ng isang babaeng pumasok sa isang relasyon kahit na alam niyang magiging kabit lamang siya, pinili at...