Agad na tinapon ni Yerald ang condom sa basurahan. Pulang pula parin ako. Ano ang ibig sabihin no'n? Napabuntonghininga na lang si Yerald at tiningnan uli ako nang diretso sa aking mga mata.
"Umuwi ka na," malamig niyang sabi, agad naman akong umiling. Kumunot ang kaniyang noo dahil dito.
Hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako napapatawad. Hindi ako titigil sa pagsuyo sa kaniya.
"Bakit?" tanong niya muli. Itinuro ko naman 'yung sobre kaya napatingin siya duon.
"Magddate pa tayo kaya bumihis ka na diyan," sabi ko at lumabas na sa kuwarto niya, tumungo naman ako papunta sa sala at umupo sa couch. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon, ang bilis parin kasi ng tibok ng puso ko.
Bakit ganito? Hindi ko na rin naman siya nakikita, wala naman siya sa harap ko pero parang nag kakarera pa rin 'tong puso ko. I can still feel the whole zoo inside me. Siguro ganito yung pakiramdam kapag iniisip ko na magddate kami.
It's our first date. I should be presentable.
Agad kong kinuha ang pulbo, suklay at pabango ko sa aking bag. Inalis ko ang salamin ko at tsaka nagsimulang mag- ayos. Nakasimpleng hanging na shirt lang ako at high-waist na pantalon tsaka adidas na sapatos na puti. Sana magustuhan niya ang suot ko, I'm not fond of wearing dresses that's why I wear pants all the time.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na si Yerald sa kaniyang kwarto, naka white v-neck shirt siya, nakapants at tsska naka vans na sapatos. Ang simple lang ng suot niya pero parang nagiging magarbo ito kapag siya ay may suot. This guy really is handsome.
Napatayo naman ako kaya napatingin din siya sa akin. Namuo ang pagtataka sa aking mga mata nang kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin saakin. Lumapit siya sa akin at tsaka hinawakan ang magkabilang dulo ng shirt ko at binaba ito nang kaunti.
"Nakikita na ang pusod mo, kailangan mo ba talagang suotin 'yan? Pwede namang simpleng shirt lang ah, ba't yan pa?" nakataas kilay niyang tanong. I shrugged. Inirapan niya na lang din ako.
"Tara na nga", sabi niya. Tumango naman ako, nagsimula na siyang lumakad papalabas sa bahay nila. Sumunod naman ako, pakalabas ko ay agad niya namang sinarado ang pintuan ng kanilang bahay. Nagsimula na kaming lumakad papunta sa mga tricycle at tsaka sumakay dito para makapunta na kami sa mall.
Pakarating namin ay agad na rin kaming pumasok sa mall, medyo binabagalan ko lang ang lakad ko, nahihiya kasi akong makasabay siya sa paglakad at 'di ko alam kung bakit.
Kumain kami sa isang restaurant, pakatapos ay pumunta na kami sa WOF. Naglaro kami ng basketball, shoot lang kami nang shoot hanggat sa mapagod kami, kahit hindi parin kami nagpapansinan. Napatigil ako nang biglang nag vibrate ang aking cellphone, kinuha ko naman iyon.
Nakita ko na nagtext si kuya Liam na kunin ko na raw 'yung gitara na pinaayos niya rito sa mall. Nabanggit ko kasi kanina sa kanila na pupunta ako sa mall kaya matatagalan ako sa pag-uwi sa bahay.
"May kukunin lang ako, Yerald. Babalik lang ako. Mabilis lang ako ha?" sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Tumango na lang siya at nagpatuloy na sa pagshoot ng bola. Napabuntonghininga uli ako.
Nagsimula na akong lumakad papunta sa shop na pinapaaayusan ni Kuya. Pagpunta ko duon ay agad akong nagpakilala na kapatid ako nung costumer. Binigay niya naman agad ito sa akin.
Nagsimula na akong maglakad pabalik sa WOF. Binabagalan ko lang ang lakad ko habang dala-dala ang gitara. So this is what it feels like.
Ganito pala ang pakiramdam ng unang date mo. Ang lungkot pala.
YOU ARE READING
We're Disconnected (COMPLETED)
Teen FictionMay mga bagay na konektado sa isa't-isa, ngunit may mga bagay din na kahit anong pilit mo... hindi pa rin kayo magiging konektado. Ito ang estorya ng isang babaeng pumasok sa isang relasyon kahit na alam niyang magiging kabit lamang siya, pinili at...