The Memo ~ Luhan & luhan1213

124 6 3
                                    

Jhemary's POV

"Baby ko, baby ko. May nagtetext sayo! Basahin mo na! Ang gwapo ko. Hahaha. Iloveyou." - ring ng cellphone ko. Kaninong boses? Syempre sa boyfriend kong ubod ng kulit. Siya talaga ang nagrecord niya, may mental disorder kasi yun.

Actually, kanina pa yan tunog ng tunog. Gumagawa ako ng project ko sa Physics, at ang laking istorbo niya. Argggh! Sinabi ko naman sa kanyang busy ako.

"Baby ko, nakakatampo ka naman di ka nagrereply. Tumatawag ako babe. Yoyoyo~ Sagutin mo na, dali! Loveyou!" - rinig ulit ng cellphone ko. Arggh!

"Ano ba?!" - bungad ko sa kanya. Kanino? Malamang kay Luhan.

"Hi Baby! Akala ko -"

"Anong akala mo? Hindi ka ba nakakaintindi? May ginagawa ako Luhan, importante 'to sakin. Project 'to, Luhan. PROJECT! Sinabi ko naman sayo diba? Pagkatapos ko nalang, pwede naman siguro yun diba? Umintindi ka naman!" - pamumutol ko sa kanya.

"A-aah. Sorry Baby, may sasabihin kasi ako sayo eh." - sabi niya sakin.

"Importante ba yan? Mas importante ba yan sa project ko, sige nga Luhan! Spill it! Ano yang importante mong sasabihin?!" - galit na sabi ko sa kanya.

"Ah wala, hindi naman importante. Sige gawa ka na ng project mo. Sorry Baby, Ilo--"

"Ewan ko sayo!" - binabaan ko na siya at inoff ang phone ko't nilagay sa drawer. Sobrang nakakainis kasi, ang hirap na nga ng project ko. Mangungulit pa siya.

-------

Hours have passed

"Hay, sa wakas! Tapos na ko. Thank goodness!" - sabi ko habang nag-iinat ako.

Anong oras na ba? 10 pm na pala. *yawn* Inaantok na ko.

Nakahiga na ko sa kama ko nang makita ko yung drawer na pinaglagyan ko ng phone ko. Si Luhan, sobra rude ko sa kanya kanina. Hindi ko siya kinausap ng maayos. Nagalit ako sa kanya.

Agad akong bumangon at kinuha ang phone ko. Nung nabuksan ko na ang phone ko. 69 messages, 35 missed calls. I'm about to open them one by one pero biglang tumawag si Mae, kapatid ni Luhan.

"Hello Mae, bakit?"

"Ate.. Si Ku-Kuya." - Mae

"Bakit Mae? Anong nangyari sa Kuya mo?"

"Punta ka nalang dito sa MK Hospital Ate." - Mae

"Osige. Papunta na ko." - pagkasabi ko nun agad kong kinuha ang wallet ko at umalis na.

------

MK Hospital

"Ate!" - sigaw ni Mae sakin.

"Mae, ano ba nangyari? Si Luhan? Yung Kuya mo, ano bang nangyayari?" - dire-diretso kong tanong sa kanya.

"Kasi Ate--"

"Mae! Si Kuya Luhan!" - sigaw ni Kai, kaMU ni Mae.

Agad kaming sumunod kay Kai at pinuntahan si Luhan sa ward.

"Kuya! Mama, ano na po nangyari?" - sabi ni Mae at yumakap kay Tita.

"He-He's gone. Wala na ang kuya mo Mae." - umiiyak na sabi ni Tita. Humagulgol na rin sa pag-iyak si Mae.

Dahan dahan akong lumapit sa higaan kung saan nakahiga si Luhan at nakataklob ng puting kumot.

Wala akong nagawa kundi ang umiiyak.

Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit nawala siya. Kasalanan ko kung bakit di na siya makakasama ng pamilya niya.

Kasalanan ko kung bakit di ko na makakasama ang taong mahal na mahal ko.

"It's my fault! Ang tanga tanga ko. Luhan! I'm so sorry. Peace na tayo. Sorry na! Bangon ka na dyan oh, nangako ka diba? Sabi mo walang iwanan. Luhan naman! *sobs* Gumising ka dyan sige na!" - sabi ko habang yakap yakap siya.

"Anak, tama na. Tama na!" - pag-awat sakin ni Tita sa pag-iyak.

"Tita sorry. Sorry po talaga! Kasalanan ko po, sorry po." - yakap ko kay Tita.

"It's God's will Hija. Luhan has a colon cancer. Hindi mo kasalanan." - pag-iyak ni Tita sa akin.

Lumapit ako kay Luhan at niyakap siya.

"Babe, sorry. Sobrang sorry talaga! Wag ka namang ganito. Mahal na mahal kita, Luhan. I'm sorry."

---------

Isang linggo, isang linggo nang lumipas ng nawala siya. Isang linggo na pero bakit ang sakit pa din. Yung sakit parang kahapon lang nangyari.

"Ate Jhe." - pagtawag sakin ni Mae.

"Nakakamiss Kuya mo noh? Yung pangungulit niya, yung kaingayan niya, yung lagi niyang pagsabi na manly siya. Sobrang nakakamiss ka Babe." I put my hand on the top of his bier. "Hoy Luge! Galing mo magpamiss ah?" naramdaman ko nanamang tumulo ang luha ko. "Madaya ka naman mahal eh. Ang aga mo ko iniwan. Sorry mahal, sorry kong inuna ko pa yung project ko kesa sayo. Sorry talaga beb." - pag-iyak ko sa kanya. Hindi ko mapigilang di umiyak. Sobrang sakit kasing isipin wala na talaga siya.

"Ate Jhe, tahan na po. Ayaw ni Kuya umiiyak diba? Sige ka." - pag-amo sakin ni Mae.

"Tara na Ate. Uwi na tayo." - pag-aya sakin ni Mae.

Tahimik lang ako habang si Mae kausap si Kai.

"Ma'am nandito na po tayo." - sabi nung driver nila. Lalabas na sana ako nang tawagin ako ni Mae.

"Ahm Ate wait! Eto yung phone ni Kuya. Sa memo, basahin mo yung last memo. Sige Ate." -  sabi ni Mae at inabot ang phone ni Luhan.

"Ah ganun ba? Sige salamat Mae. Ingat." - I waved goodbye to her at umandar na ang sasakyan niya.

Pumasok na ako ng bahay at umakyat sa kwarto ko. Humiga agad ako sa kama ko upang mabasa agad ang memo ni Luhan sakin.

MEMO

Mama

Mae

Kai

Sehun

D.O.

Kris

Lay

" Argggh. Ang dami naman nito!" - sambit ko habang nagsoscroll down.

Chen

Suho

Baekhyun

Chanyeol

Xiumin

Tao

My Baby <3

" Eto! Hay, Luhan!' - binuksan ko na sinimulang basahin.

"Hi Sexy, ayip kinilig na yan! Hahaha. Hi Babe! Kamusta ka na? Ok ka lang ba? Ayos lang ba ang first week mo na wala ako? Oh, baka matakot ka ah? Di ako magmumulto. One week talaga after kong mawala ang ginawa ko dito. Ready ako noh? Girl Scout ako eh! Hahahaha. Ahm, sorry babe ah? Naistorbo kita sa paggawa mo ng project mo, alam ko namang nagkacramming ka lalo na't terror yung teacher mo dun. Sapakin ko na ba? Hahaha. Nung araw na busy ka at sobrang kinukulit kita, that was the time na alam kong gigive up na yung katawan ko. Buti nga nakapagsalita pa ako ng maayos. Sorry baby kung di ko nasabi sayo, akala ko kasi mild lang eh at ayoko namang mag-alala ka. Di ko na rin sinabi sayo nung tumawag ako kasi alam kong sobrang busy mo at ayaw mo ng istorbo. Marinig ko lang yung boses mo ok na ko dun. I'm so sorry babe. Takte naiiyak ako! Hahaha. Alagaan mo sarili mo ah? Wag papagutom. Wag kang mag-alala babe, ligtas ako dito sa kinalalagyan ko. At tsaka nga pala, walang iyakan ah? Wag ka umiyak, hahalikan kita! Hahaha. You don't have to blame yourself bae, ok? I'm always here beside you Baby. I love y '

EXO One Shot RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon