Jeepney ~ Kyungsoo & Norienk

132 5 3
                                    

Norie's POV

"Dalawa nalang aandar na! Isa sa kaliwa pati sa kanan!" - sigaw ng barker ng jeep.

Ang tagal naman umalis nito. Inaantok na ko eh.

Ay! Ako nga pala si Norie Joy Lucero. Freshman student ng Com.Sci. sa QUADROS UNIVERSITY. At bilang isang huwarang estudyante, eto palang ako pauwi palang. Eh pano ba naman kasi tinapos ko pa lahat ng requirements ko para sa mga units ko. Bakit kasi may ganun pa? Nakakapagod kaya.

"Konting urong nalang po tayo oh. Galaw galaw tayo baka mastroke." - sigaw ng conductor ng jeep.

May sasakay ata kaya kahit nakapikit ako, umurong ako ng konti. Sobrang antok na antok talaga ako. Thett!

Naramdaman kong sakin tumabi yung bagong sakay. Bahala siya dyan inaantok na talaga ko.

Umandar na yung jeep at syempre nagsimula ng magsibayad ang mga pasahero.

"Bayad po makikisuyo." - sabi ng di ko kilalang nilalang.

"Bayad daw po." - sabi ng malaking boses na pagmamay-ari ata ng katabi ko.

Napamulat ako sa laki ng boses niya.

"Oh ikaw pala." - I said when I saw it was owned by him.

"Nagising kita? Sorry Nors."

"Ok lang Kyung, nagulat lang ako. Hehe!" - nahiya naman daw ako. XD

Kay Kyungsoo pala ang boses na yun. Mas kilala siya bilang D.O. sa campus kasi hindi ko alam sa kanila. Kasabay ko siyang nag-ayos ng mga units namin kaya siguro ginabi din siya.

Infairness din dito kay Kyungsoo, gwapo, masipag, matalino at responsible. Kaya crush ko 'to eh este bilib pala ko sa kanya.

"Nagbayad ka na? Treat na kita." - sabi niya

"Nako wag na. May pamasahe pa naman ako. Di pa naman ako naghihirap."

"Adik ka. Eto na! Bayad po dalawa nga po. Estudyante po!" - sabi niya sabay abot ng bayad.

"Salamat ah?" - sabi ko

"No problem." - sabi niya sabay kindat sakin.

*yawn* Inaantok na talaga ko. I slightly close my eyes.

"Ay, pekeng palaka." - banggit ko dahil sa pagkabagsak ng ulo ko sa balikat ni Dyo.

"Ay sorry sorry." - sabi ko kay Dyo.

"Ok lang. Inaantok ka? Sandal ka na dito." - sabi niya sabay tap sa balikat niya.

"Wag na. Ok lang." - pagtanggi ko.

"Sige na! Odiba komportable ka." -sabi niya sakin nang nilagay niya ang ulo ko sa balikat niya.

Takte! Bakit ang bango niya? Mapapasarap tulog ko nito eh.

--------------

"*poke* Norie, malapit na tayo bumaba." - paggising sakinni Kyungsoo.

Si Kyungsoo?

"Teka, diba dapat nauna kang bumaba sakin?" - gulat na tanong ko.

"Napasarap ata tulog mo eh. Tulo pa nga. Haha. Kaya di na kita ginising. Ihahatid nalang kita sa sakayan ng tricycle tas sasakay nalang ako pabalik." - tumatawang sabi ni Dyo sakin.

Agad ko namang pinunasan yung bibig ko para icheck narin kung meron ba talaga.

"Hahaha. Wala no. Joke lang. Hahaha." - sabi niya sakin.

"Ewan ko sayo. Kuya, para na po!" - sigaw ko kay Kuyang Driver.

Hinatid ako ni Dyo sa sakayan ng tricycle at sumakay na rin pauwi.

EXO One Shot RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon