Joke ~ Chanyeol & Gorgeous_GIANT

132 6 2
                                    

Kim's POV

"Bebe ko! Bebe ko, ililibre mo ba ko ng lunch?" - aya ko kay Chanyeol.

"Hoy Kim! Pinagtitripan mo nanaman yang si Tenga." - sabi sakin ni Mae.

Hello! I'm Kim Garcia, a 4th year highschool student. Haha, maganda, mabait, sexy, matalino at higit sa lahat joker. Syempre nagjojoke lang ako sa lahat ng mga papuring binanggit ko para sa sarili ko.

Oh well, nagtatawanan nanaman kami dito sa cafeteria. Tuwang-tuwa kasi itong mga kaibigan ko kapag pinagtitripan ko si Chanyeol. Yung trip in a way na parang binoboyfriend ko siya kahit hindi naman.

"Ha? Ah-Eh. Wala kasi akong dalang pera, nasa bag ko." - sabi sakin ni Chanyeol.

"De joke lang. Alam ko namang nag-iipon ka para sa future natin. Tara bili na tayo Guys! Let's go Babe." - sabi ko sabay cling sa braso ni Chanyeol. Infairness, nanliliit talaga ko pag katabi ko siya. Ang tangkad niya kasi.

Natapos na ang break, kaya balik na kami sa room. Ayokong malate sa Math Subject namin, ang cool kasi ng Math. Hihi.

Pagkarating namin sa room, saktong dating naman ni Sir kaya ayun, discussion agad.

Nagsusulat ako ng notes ng bigla akong kalabitin ng higanteng katabi ko.

"Oy, paturo ako. Pano 'to?" - tanong niya sakin sabay abot ng notebook niya.

"Ay nako. Ikaw talaga beyb, madali lang 'to. Gumagawa ka lang talaga ng way para makausap ako eh. Willing naman akong kausapin ka kung kelan mo gusto?" - pilyang sabi ko sa kanya.

"Manahimik ka nga, nahihirapan talaga ako sa topic natin. Pwede ba?" - iritadong sabi niya.

"Panira ka talaga eh. Bakit ba di ka nalang magkunwari? Nakakasakit ka ng damdamin ah. Kahit kelan talaga, nakakainis ka. Bahala ka dyan aralin mo mag-isa." - inis na sabi ko sa kanya at tinuloy na ang pagsulat ko ng mga notes.

Grabe! Akala mo naman kung sino. Argggh! Naiinis ako! Ang hard niya masyado sa feelings ko! Pero syempre joke lang yun. Hahaha. Wala akong karapatan! Hahaha.

I heard him sigh, and it is not just a simple sigh. It's a deep one.

"Oh sige na Baby ko, paturo na ko oh? Sige ka, hindi ako makakapasa. Pano yung future natin pag di ako nakagraduate?" - sabi niya sakin at tinutusok ang braso ko gamit ang daliri niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Siya ba talaga ang nagsalita?! Hinipo ko siya kung nilalagnat ba siya or what. Grabe, once in a blue moon lang 'to. Wait, talo pa nga ata once in a blue moon eh.

"Ok na? Tuturuan mo na ko?" - sabi niya sa akin.

"Hahaha. Oo sige na nga, pasalamat ka mahal na mahal kita. Ganito lang yan." - sabi ko at tinuro na sa kanya yung di niya magets.

Natapos ang klase kaya nagsialisan na ang mga masisipag kong kaklase. Cleaner kasi ako kaya yeah, maglilinis ako.

Kinuha ko na yung broom.

"Hay nako, iniwan tayo ng ibang cleaners. Tayo na naman ang maglilinis, Girl!" - sabi sakin ni Mae na naiaayos ang mga upuan.

Tumango-tango na lang ako.

"Teka nga Sis, joke pa ba ang nangyayari sa inyo ni Chanyeol?"

"Oo! Siguro. Ewan" - sabi ko nang nakayuko.

"Confused? Tsk. Mahirap yan Sis, ingatan mo puso mo ah? Naku, naku." -advice niya sakin at tinuloy na ang pag-aayos ng upuan. Ako naman malapit ng matapos sa pagwawalis.

Napo-fall na ba talaga ako? Sana hindi, sana talaga hindi. Baka kasi sa pag bumagsak ako, wala naman palang sasalo. Hayyy.

Kinabukasan. Syempre may pasok, hayy. Magpapakabait na ko. Promise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO One Shot RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon