Sleeping Beauty ~ Xiumin & MuhanXiuminnie

113 3 0
                                    

Muhan's POV

*poke*poke* "Muhan, Muhan! Natutulog ka nanaman. Malapit na tayo sa school. Gumising ka na!" - rinig kong sabi ni Mae sakin.

Unti-unti kong minulat ang mata at nakita ko ang inis na mukha ng kaibigan ko.

Ako nga pala si Cheon Muhan. 2nd year college sa Quadros University. Hindi ako mayaman, sa katunayan nagwoworking student ako.9am-3pm lang kasi ang klase ko kaya makakapasok nga 4pm hanggang closing ng fastfood chain na pinagtatrabahuhan ko. Medyo mahirap din pala magworking student, madalas puyat at pagod pero keri naman.

"Hoy! Tara na! Tulala ka nanaman." - sigaw sakin ni Mae at bumaba na ng jeep.

"Ang sungit mo! Meron ka siguro noh?" - pang-aasar ko sa kanya.

"Wala no. Bahala ka nga dyan!" - pikon na sabi niya.  Adik talaga yun. Hahahaha.

--------

Nakarating na kami sa room. Halatang wala kaming teacher kasi ang gulo ng classroom. Yung ibang boys nagseselfie tapos yung ibang girls nagpapaganda at yung pinakamalala naghahabulan yung iba kaya nagulo yung arrangement na chairs pati ang daming kalat. Parang mga bata 'tong mga 'to.

Napailing nalang kami ni Mae at umupo na sa upuan namin. Sa dulo ako nakaupo as in sa corner katabi ng aircon. Ok din 'to makakatulog ako ng mahimbing plus di pa ko masyadong kita ng teachers ko. Nice diba?

Sasalampak na sana ako sa arm chair ko ng lumapit sakin si Mae.

"Be, tignan mo si Xiumin. Laging hawak cellphone niya tas nakaharap dito." - intrimitidang sabi ni Mae

"Ano naman ngayon? Malay mo dyan siya komportable makipagtext. Layas na nga, matutulog ako." - walang ganang sabi ko sa kanya. Gusto ko ng matulog.

"Antukin ka talaga! Ge, ganda ko!" - malanding sabi ni Mae bago soya umalis.

Hayy, makakatulog na din ako.

"Miss Cheon, Miss Cheon!" - rinig kong sigaw ng prof ko. Prof ko? May teacher na kami?

"Yes Sir!" - gulat na sabi ko.

"Kanina pa kita tinatawag, natutulog ka nanaman. I always forgive you but not this time. Solve the equation on the board now!" - pasigaw na sabi ni Sir. Ayy nako naman.

Napatingin ko kay Mae para senyasan kung ano bang topic 'to kaso di din daw siya nakikinig.

Tae, ano bang topic 'to?

Tinitigan ko muna yung equation. Linear. Quadratic ata 'to eh?

Oo Quadratic 'to. Bahala na nga!

Distribute-Multiply-Subtract-Add-Transpose-Cancel. Tinignan ko muna kung tama ba. Di ko sure kung eto yung sagot. Bahala na! Binilugan ko na yung sagot ko tas bumalik sa upuan ko at nilagay ang kamay sa baba ko.

"Very Good Muhan. Blahblahblah." - di ko na inintindi yung mga sinasabi ni Sir. Pagod ako kailangan ko ng tulog bahala siya dyan.

Sinusob ko na ang mukha ko sa arm chair ko. *YAAAAAWN*

----------------

"Muhan. Break na. Oy, ano? Gutom na ko!" - kalabit sakin ni Mae.

"Oo na! Buset ka naman eh!" - inis na sabi ko sa kanya.

"Ayy, 2hrs. ka na pong tulog ano?" - inirapan ko lang siya at tumayo na.

Napatingin ako kay Xiumin nagtetext pa rin siya. Grabe ang tibay niya naman.

"Xiumin!" - tawag sa kanya ni Mae

"Oooh?" - humarap siya samin pero nakatakip pa din sa mukha niya yung phone niya.

EXO One Shot RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon