Elianna's POV
"Anak, baba na! Carl is here!"-Mommy
"Opo Mommy! Bababa na!"-Ako
Nagmamadali naman akong bumaba nun kasi nga nandito na si Carl. Baka magtampo kapag kahit sa pagbaba nalang mula sa kwarto ko eh matagalan pa ako. 😂
Napangiti agad ako nung makababa na ako at makita ko si Carl hindi dahil sa mahal ko siya kasi pangalawang reason na yun 😂 kundi kasi ang gwapo-gwapo niya lalo na at suot niya agad yung sapatos na regalo ko sa kanya. I smiled at him.
"Good morning Bub!"-Ako
"Hey, beautiful. Good morning."-Carl
Lumapit siya sa akin at inayos yung buhok kong nagulo na kahit maaga pa dahil sa pagmamadali kong makababa.
"Oh. Naglandian nanaman kayo diyan. Oh sege, mauna na ako. Carl, ingatan mo tong anak ko ha?"-Mom
"Haha! Oo naman po Tita. Ako pa ba?"-Carl
Tumawa din naman si Mom nun.
"Hala. Sege, mag-iingat kayo. Anak, mauna na ako."-Mom
"Bye Mom-"-Ako
"Bye Mommy!"-Carl
Napatawa nalang si Mommy nun. Yinakap ko naman na siya nun. Yinakap din siya ni Carl at saka na siya umalis.
"Ingat Mom! I love you!"-Ako
Di na siya nakasagot kasi nakaalis na yung sasakyan niya.
Napatingin naman ako kay Carl nun.
"Yes?"-Carl
Ang laki pa ng ngiti niya nun.
"Anong Mommy?"-Ako
"Mommy, Nanay, Mother. Ganun."-Carl
"Oh. Eh Mommy ko yun ha? Nawawalan ka ganun?"-Ako
"Haha! Ang sungit mo nanaman diyan Bub. Smile ka na muna. 😊"-Carl
"Sagutin mo kaya muna yung tanong ko."-Ako
"Hmm..wala lang. Dun din naman ang punta nun eh. Balang araw, magiging Mommy ko na din ang Mommy mo. 😊"-Carl
Natigilan naman ako nun. Ano nanaman ba toh Carl? Paasa ka nanaman ba? Tama naman na oh. Please? 😢
"JOKE!"-Carl
Napatingin ulit ako sa kanya nun at saka siya hinampas ng malakas sa braso.
"Aray! Bub, ano ba?!"-Carl
"Baliw ka talaga kahit kailan!"-Ako
"Hahaha! Eh bakit? Gusto mo ba talaga na maging Mommy ko ang Mommy mo at maging Mommy mo ang Mommy ko ha? Ha?"-Carl
"Ano?! Ang gulo mo naman!"-Ako
"Hahaha! Wala sabi ko mahal kita!"-Carl
Kinurot niya pa yung parehong pisngi ko nun.
"Hmm! Ewan ko sayo!"-Ako
Inalis ko yung pagkakakurot niya sa pisngi ko at palabas na sana pero di rin ako nakatakas kasi yinakap niya ako bigla.
"Wag ka nang magalit Bub. Ang aga-aga eh."-Carl
Hinigpitan niya pa yung yakap nun kaya wala na din akong nagawa kundi yakapin din siya ng mahigpit kasi hindi din naman siya titigil hangga't hindi ko siya kinakausap ng maayos.
Narinig ko ang pagtawa niya nun.
"There, edi mas masaya."-Carl
I just laughed. Ninamnam muna namin yung yakap ng ilang minuto. Pero kumalas na din kami pagtapos nun.
BINABASA MO ANG
BA'T DI KO BA NASABI? (Completed)
RomancePaano mo nga ba aaminin sa isang kaibigan na meron kang nararamdaman para sa kanya? Paano kayo mag aadjust? Sasabihin niya bang mahal ka niya o sasabihin niyang hanggang kaibigan lang ang tingin niya sayo? Eh pano kung naghihintayan lang pala kayo...