Chapter Seven: Rain's Beliefs

90 4 4
                                    

Elianna's POV

Isang linggo na ang nakakaraan mula nung dumating si Lukas dito. Isang linggo na din namang pasimpleng pomoporma si Carl kay Ara at hindi yun nahahalata ni Ate Girl. Pero yung lihim namin ni Lukas about my feelings for Carl, mukang may nakakapansin na. Rain. Madalas niya akong tanungin ng mga interrogative questions.

FLASHBACKS

Katatapos lang ng klase namin kaya linigpit ko na ang mga gamit ko at lumabas. Nagulat ako nung makita ko si Rain sa labas.

"Rain? Anong ginagawa mo dito?"-Ako

Ngumiti siya nun.

"Wala naman. Maaga kasi kaming natapos tas wala akong kasama kasi may meeting pa si Dhie kaya naisipan kitang puntahan."-Rain

"Ah. Okay. Sege, mauna na tayo sa cafeteria."-Ako

"Okay."-Rain

Lumakad na nga kami nun. Habang naglalakad..

"Bes, may tanong ako."-Rain

"Sure. Ano naman yun?"-Ako

"Hindi ko alam kung may nagtanong na ba neto sayo dati pero itatanong ko pa rin. Okay lang?"-Rain

"Sure. Ano ba yun?"-Ako

"Ahm..how do you see Carl as a man?"-Rain

"Ha? Bakit yun?"-Ako

"Tanong din ang sagot sa tanong ko?"-Rain

"Ang sungit mo nanaman. Oh sege ito na. Well, ito lang ang nakikita ko sa best bub ko. He's simply the best."-Ako

"No. I mean..do you see him as a boyfriend material or something?"-Rain

"Oo naman. Nakikita mo na nga diba? Pomoporma na kay Ara. So, boyfriend material siya talaga."-Ako

"Mali ka nanaman. Para sayo, nakitaan mo na ba siya ng potential na maging boyfriend mo?"-Rain

Natigilan ako nun. Hayst. Mabuti nalang talaga at wala akong kinakain o iniinom ngayon kundi baka naibuga ko na yun kay Rain.

"Uy, ano na?"-Rain

"Tsk. Rain, bestfriends lang kami. Yun lang talaga kaya never ko talagang naisip na maging boyfriend yun. Kontento na ako sa kung anong meron kami."-Ako

Lumakad na din ako ulit at tinalikuran si Rain. Akala ko susunod siya sakin pero napansin ko na nakatayo lang siya dun at hindi gumagalaw. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Huy, tara na. Gutom na ako."-Ako

Lumapit siya sa akin nun. Kumapit siya sa braso ko.

"Kontento ka na sa kung anong meron kayo ngayon ni Carl?"-Rain

"O-Oo. Bakit?"-Ako

"So, ibig sabihin once eh umasa ka din na posibleng maging kayo?"-Rain

"Ha? H-Hindi noh. Best bub ko lang talaga yun."-Ako

BA'T DI KO BA NASABI? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon