Elianna's POV
"Argh!" angal ko ng hindi pa rin dumating si Carl. Gosh! 9:30 ng umaga ang dating ni Lukas. It's 7:30 at one hour pa ang biyahe papunta sa airport. Tsk. Akala ko ba sasamahan niya akong sunduin si Lukas? Nakakairita! 😤😤
Oo, two weeks had passed since the pancake bonding at ngayon na nga ang uwi ni Lukas mula sa Paris. Madaming nangyari sa loob ng two weeks na yun. Kasama na dun yung ilang beses akong hindi sinundo ni Carl kasi si Ara na yung sinusundo at hinahatid niya sa bahay neto. Sabi niya, para pa rin daw sa research paper nila na parang hindi naman na kapani-paniwala. Ewan, I think there's something inside Carl's heart. Parang gusto niya si Ara. Pero masiyadong mabilis. Hayst, hayaan mo na Elianna. Kung hindi ka talaga gusto, hindi ka talaga gusto. Tsk.
"Oh, anak? Wala pa rin ba si Carl?" narinig kong tanong ni Mommy sa akin. Napalingon ako sa kanya nun.
"Wala pa rin ho eh." sagot ko sa kanya. She smiled at me. Nagtaka naman ako kung bakit. "Ma, bakit po kayo nakangiti sa akin?" takang tanong ko sa kanya.
"Maybe she's with the new girl again. Hihintayin mo pa ba siya?" tanong ni Mommy sa akin. I sighed. "Konting hintay pa Mmy. Baka maya-maya dumating din yun." sagot ko. Tumango si Mommy sa akin. Nagulat ako nung bigla niyang iabot sa akin yung car keys niya. "Para saan yan Mmy?" takang tanong ko ulit sa kanya. "In case hindi talaga siya dumating, umalis ka na at sunduin si Lukas. Kawawa yung tao kung paghihintayin mo dun. Pagod pa naman siya. You can use my car. 😊" nakangiting sagot ni Mommy sa akin.
I nodded in understanding.
"Sege po. Hindi niyo po ba kailangan yung sasakyan ninyo?" tanong ko sa kanya. She smiled at me. "I will just make reports for tomorrow. Pero ipagluluto ko muna si Lukas para makakain tayo pagdating niyo dito. So, hindi na. Okay lang. 🙂" nakangiti nanamang sagot ni Mommy sa akin. I smiled back at her. "Sege po." sagot ko.
Yinakap ako ni Mommy nun at umakyat na ulit. Napatingin naman ako sa oras ko nun. 7:41 AM. Well, I think this is enough time of waiting. Mukang wala akong mapapala sa lalaking yun. What do I expect anyways? Galit nga silang lahat kay Lukas diba? Tsk. Lumabas na ako nun and I started the car engine. Bahala ka sa buhay mo Carl Mendoza. 😤😤
FAST FORWARD
Ilang minuto nalang makakarating na ako sa airport. Pero traffic pa ngayon at wala akong magagawa dun kaya nag FaceBook na muna ako. At ikinainis ko talaga yung unang post na nakita ko sa FB.
BINABASA MO ANG
BA'T DI KO BA NASABI? (Completed)
RomantikPaano mo nga ba aaminin sa isang kaibigan na meron kang nararamdaman para sa kanya? Paano kayo mag aadjust? Sasabihin niya bang mahal ka niya o sasabihin niyang hanggang kaibigan lang ang tingin niya sayo? Eh pano kung naghihintayan lang pala kayo...