Chapter 8- Secret Heartache

10K 322 5
                                    

Sakura

Walang nakakibo sa ginawa ni Kiro. He beheaded his uncle and he didn't regret it. Nagpaiwan si Kiro sa warehouse. Pasalamat kami at walang nawala sa team namin. They are trained to kill, mahirap silang talunin lalo na pagmagkakasama.

"It's over." Nakahinga na malalim ang lahat ng nasa HQ ng makalabas sila ng warehouse at makita namin sa mga CCTV. Naghihintay ang armourned van sa kanina. Diretso silang airport ngayon. Halos nanlalambot kaming napasandal sa upuan namin.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Ate Cailee na tulaktulak si mommy na nasa wheel chair kasunod ang dalawa kong kapatid.
"Hindi ko napigilan." Paliwanag ni Ate Cailee. Lumapit ako kay mommy at yumakap.
"Where's dad?" Unang tanong niya.
"Pauwi na sila." I replied. Huminga ng malalim si mommy at nangilid ang luha.
"Si Kiro?" Sunod na tanong niya.
Pinigilan kong umiyak kahit gusto kong ngumawa. "Nagpaiwan."
"Bakit? Connect me to him..." Nagtatangkang tumayo si mommy sa wheelchair.
Pinigilan namin siyang tumayo mga kapatid ko. Pati si Ate Jack ay lumapit na sa amin. "Tita...relax." Sabi ni Ate Jack.
Hindi pa natutulog si Ate, buntis pa naman ito.
"Wala na si Haru." Maingat na paliwanag ko. Nandito ang mga kapatid ko, hindi sila familiar sa mga nangyayari. Tumitig si mommy sa akin. Tumango ako sa kanya. She understood what happened.
Naitakip niya sa bibig ang isang kamay at tuluyan ng umiyak.
"Ang tigas talaga ng ulo ng batang yun." Sabi niya.

Pinakausap namin si Mommy kay daddy at sa mga kaibigan niya. Babalikan niya daw kung sino ang pumasok sa bahay namin sa Tokyo kahit pa si Kiro pa ang humarang sa kanya. Pinagpahinga na namin si Ate Jack at kami na ni Xykie ang nagbantay hanggang sa makauwi sa Country Club ang buong team.

"Hindi ka pa ba magpapahinga? Puno ka pa ng dugo sa damit mo ah." Xykie said tome. Nakaka isang gallon na yata kami ng kape. Nagpahinga na ang ilan sa mga Shadows.
"Nagdisconnect na si Kiro."
"Expected naman natin yun sa kanya. Babalik yun, huwag kang mag-alala."
Tumingin ako kay Xykie. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
"Tatagan mo Sakura. May pagkatanga talaga ang mga lalaki." Inakbayan ako ni Xykie at hinayaang umiyak.
"Kung ipagpapatuloy niya ang underground business ng Triad, magiging blacklisted din siya. Magiging kalaban natin siya."
May pang-unawang tumango si Xykie. "Hindi natin hahayaan yun. Gagawa tayo ng paraan, bestie. Ililigtas natin si Kiro my labs mo."

Kami ni Xykie ang huling lumabas ng HQ pagkalapag ng eroplano nila daddy sa Country Club. Sa bahay ko na sila hinintay para makaligo ako kahit saglit. Ayaw kong makita nila ang damit ko na puno ng dugo ni mommy. Niyakap ako nang mahigpit ni daddy pagkadating niya sa bahay.

"Thank you." Bulong niya sa akin. Niyakap ko lang si daddy at hindi na kumibo pa.

Binigyan ako ng oras ng magulang ko na mapag-isa. Dahil na rin siguro sa pagod at dalawang gabi na walang tulog, nakatulog ako ng maghapon na iyon. Hindi ako ginising kahit minsan para kumain. Gabi na nang magising ako at kumakain ng hapunan ang buong family ko nang lumabas ako sa kwarto.

It is strange to see a plate on Kiro's place. Nakatulala ako sa plato na para kay Kiro.

"Ano ang gusto mong kainin?" Tanong ni mommy sa akin.
"Kahit ano po." I replied.
Iniwasan naming pag-usapan ang nangyari during the kidnap. Bakas pa sa mukha ni daddy ang mga pasa at maputla pa din si mommy dahil nagpumilit na siyang lumabas sa clinic. Nahihirapan pa din siyang gumalaw dahil sa tama ng bala sa tagiliran.

"Mommy, punta lang po ako sa Grace." Paalam ko pagkatapos naming kumain.
Tumango si mommy. "Ingat ka."

Maabutan ko si Xykie, Henry at Lucas na nasa Lakeside.
"Uy, Sakura. Kala ko tulog ka pa eh." Yaya ni Xykie pagkakita sa akin.
"Kakagising ko lang." Umupo ako sa tabi ni Lucas pagkabati ko sa kanila.
"Thank you for the help," I said to Henry.
Henry smiled. I little shy on my gratitude. "Don't mention it. Your brother was left behind."
"He is not my brother." I replied.
"He's not? I thought he was just bluffing." Sagot ni Henry.
"I heard he was a badass during the samurai fight." Lucas whistled. "I missed that fight."
"It's gruesome." I said.
Tumango si Xykie at hindi kumibo si Henry.
"Why did he do that?" Lucas motioned a slice... Para siyang naglalaro lang ngfruit ninja.
"That guy... killed his parents in front of him." Mahinang sagot ko. Huminga akong malalim at tumingin kay Lucas. "And he almost killed Kiro at that time."

"You are inlove with him." Bulalas ni Lucas. I snorted at humarap kay Xykie.
"Alam na yata ng lahat. Si Kiro lang ang hindi nakakaalam." Mapaklang sagot ko.

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon