"ANG kulit mo naman kasi, eh. Parating na ang parents ko at mga bisita. Sila rin ang magdadala ng handa. Ayoko ng mapagod at mag-abala. Kaya relax ka lang," biglang naiba ang tono ni Vida.
Lumambot ang tinig nito at malambing na tumabi sa kanya sa sopa.
"Ganoon ba?" kumbinsidong react niya.
"Kumain ka na ba? Pwede akong magpadeliver ng food?"
"No. Hihintayin ko na lang ang family mo."
"Okay. For the meantime, simulan na natin ang selebrasyon. Habang nagwi-wait tayo, mag-toast muna tayo. May red wine ako dito."
"Hindi na ba natin sila hihintayin?"
"May isang boteng wine pa ako na pwedeng buksan mamya for everybody. At may inihanda na akong food for us while drinking. Wait. Ihahanda ko lang."
Hindi niya napansin kanina pero sa mesa kinuha ni Vida ang pagkaing tinutukoy nito. Sisig at saka adobong manok.
"You want rice?"
"No. Kumain na ako sa bahay bago ako nagpunta rito."
"Kung gayon ay pwedeng-pwede ka nang uminom. Sigurado akong hindi ka malalasing."
Nagbukas ng alak si Vida at nagsalin niyon sa dalawang wine glass. Iniabot sa kanya ang isa at saka naupo ito sa tabi niya.
"Lets toast for my birthday, Wilfred..."
Pinagbigyan niya ang babae at saka ininom ang alak na nasa baso niya. Bahagya pa lang sumasayad sa tiyan niya ang alak ay nakaramdam na siya ng hilo.
"Bakit kaya parang naliyo ako?"
"Ha?"
Napatingin siya kay Vida. Unti-unting nanlalabo ang tingin niya sa babae.
"Vida..." tangi niyang nasabi bago siya tuluyang mawalan ng malay.
"AT last, nahulog ka rin sa mga kamay ko," larawan ng tagumpay na saisip ni Vida habang nakatitig sa walang malay na si Wilfred.
Kinuha niya ang dalawang wine glass at hinugasan at pati na ang binuksang bote ng alak. Itinapon ang lahat ng laman niyon.
Who would ever thought na may pampatulog ang ininom mong alak? Now, palalabasin kong naubos natin ang alak at kapwa tayo nalasing.
Pagkatapos noon ay ibinangon niya ang lalaki at isinampay ang braso sa balikat niya. Bago yumapos sa bewang nito at saka iginiya iyon papasok sa kuwarto ng kanyang apartment. Inihiga ni Vida si Wilfred sa kama niya. Hinubaran ng damit ang lalaki at walang itinira sa saplot nito. Pagkuwa'y naghubad rin siya ng damit at saka tumabi sa lalaking walang malay. Kinumutan ang sarili at yumakap sa lalaki.
NASA Eastwood na silang magkakaibigan at nag-text na siya kay Wilfred pero hindi pa rin ito sumasagot sa mga text niya.
"Nasaan na si Wilfred? Parating na raw ba?" usisa ni Prima.
"Kanina ko pa nga tini-text, eh. Hindi naman sumasagot."
"Saan raw ba nagpunta?"
"May bibisitahin raw bagong kaibigan," paliwanag niya nang hindi nagbibigay ng idea na si Vida ang kaibigang tinutukoy niya.
Ayaw niyang magsinungaling kung kaya sumagot siya ng totoo nang hindi binabanggit kung sino ang tinutukoy niyang kaibigan. Mahigit isang oras na sila sa Eastwood ay wala pa rin siyang sagot na natatanggap sa text niya.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In Love
RomanceKabilang sa walong magkakaibigan na bumuo ng isang pangarap sina Wilfred at Rowelyn at isa sa friendship rule nila, bawal ma-inlove sa isa't-isa. Bago pa man magkaroon ng friendship rule, may lihim ng pagtingin si Rowelyn kay Wilfred. Nang magtapo...