CHAPTER SIX

2.1K 36 4
                                    

HABANG nasa kuwarto siya ay hindi siya mapakali sa kaiisip ng mga bagay-bagay.

Napag-isip-isip niya na lumalagpas na yata siya sa dapat niyang kalagyan. Oo nga at bestfriend niya si Wilfred at lihim niya itong mahal, pero hindi ibig sabihin noon ay may karapatan na siyang saklawan ang mga kagustuhan nito.

Kung gusto nitong makipagkaibigan kay Vida at kung gusto nitong paupuin ang babae sa harapan ng kotse nito, dapat na huwag siyang mag-react kahit gaputok dahil choice iyon ng lalaki.

Naisip rin niya, kung hindi na siya sasabay kay Wilfred, lalo lang niyang itinulak na mapalapit ito ng husto sa kaibigan. Pero paano niyang mababawi ang sinabi niya ngayon? Ayaw naman niyang tawagan o i-text si Wilfred para sabihing sasabay pa rin siya rito bukas. At paano siyang magpapaliwanag sa kanyang ina kapag tinanong siya kung bakit maaga siyang aalis?

Nakatulugan na niya ang pag-iisip ng walang nakuhang tiyak na kasagutan sa kanyang sarili. Kinabukasan ay mas inagahan niya ang gising. Kailanang umalis siya ng mas maaga dahil magko-cummute lang siya.

"Ang aga naman yata ninyong aalis ni Wilfred?" puna ng ina.

"Mommy, mag-isa lang po kasi akong aalis ngayon. Mamya pa si Wilfred at baka ma-late ako."

"At bakit?"

Bago siya nakasagot ay nag-ring ang cellphone niya. Si Wilfred ang tumawag.

"Ano, may toyo ka pa?" bungad nito.

"Ikaw kaya ang magtanong niyan sa sarili mo."

"Huwag kang aalis ng maaga, ha. Sabay tayo. Pag umalis ka ng maaga, sisingilin kita ng gasolina at 'yung mga meals natin na libre ka."

"Mukha mo! Nagbabayad ako ayaw mong tanggapin."

"Basta. Makinig ka sa akin. Alam ko ang binabalak mo. Wala ka namang dapat ipagsintir ay nag-iinarte ka."

"Ano ka!"

"Nagbibihis na ako kaya stand by ka lang muna diyan," at pinatayan na siya ng cellphone ni Wilfred.

"Sino iyong kaaway mo?" sita uli ng ina.

"Si Wilfred po. Ayaw akong paunahin."

"Dapat lang namang sumabay ka na sa kanya. Mahirap mag-abang ng sasakyan pag ganitong kaaga."

Naupo siya sa sopa at saka unti-unting napangiti. At least, hindi pa rin siya natiis ng kumag.


FIRST time nila ni Wilfred na makatanggap ng allowances bilang pinakasuweldo nila sa buong trainig period at nakatakda silang mag-bonding na magkakaibigan.

Para silang mga bata na tuwang-tuwang nagyakapan nang magkita-kitang muli matapos ang mga busy schedules nila sa trabaho.

"Kumusta na ang mga bagong call center agents?"

"Okay lang. Mukhang papasa naman kami sa training."

"Mabuti. So, next month ay pwede na nating simulan ang ating pag-iipon. As agreed, five thousand per payday. May tumututol ba?"

"Wala!" sabay-sabay na sagot nilang magkakaibigan.

Isang masayang araw ang gabing iyon na nagtipun-tipon sila sa isang vidoke bar restaurant kung saan ay nasolo nila ang isang kuwarto at doon ay nagkantahan at nagkaroon ng kaunting drinking spree.

"Teka, kumusta naman kayo? Pare, ikaw...baka nanliligaw ka na?" usisa ni Christian kay Wilfred.

"Ay, may chika ako. Talagang may nagpapapansin na kay Wilfred," agaw niya.

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon