CHARIZ'BLOG
I'M so excited dahil sa araw na ito ay magtatapos na kaming magkakaibigan sa kolehiyo. Parang mahirap paniwalaan pero we're neighbors sa BESTFRIENDS PLACE since we were kids at naging magkakaibigan dahil lapit-lapit at magkakatapat ang aming mga bahay. Pero kagaya ng ibang mga ordinaryong bata, marami rin kaming awayan noon dahil sobrang pilyo ng mga kaibigan naming lalaki at medyo mataray naman ako at mga kaibigan kong babae. One more thing, we're of the same age at naging magkakaibigan rin ang aming mga magulang. We went to the same schools, from grade school to college and sa iisang church lang rin kami nagsisimba. You can imagine kung gaano kami ka-close sa isa't isa. Dahil doon, nagkaroon kami ng isang pangarap. Ang magtayo ng isang negosyo na pawang may kinalaman sa aming mga kurso, once we graduated. Ang plano naming itayo ay isang negosyo na may kinalaman sa event organizing since all of us are very creative and love challenges. Iyon ang dahilan kung bakit Tourism ang kinuna namin nina Rowelyn, Prima at Bernadeth. Ang apat naming kaibigang lalaki na sina Wilfred, Christian, Dhimer at Reymond ay kumuha ng Hotel and Restaurant and Management and Mass Communications. Bukod pa roon, nag special class si Christian sa Photography at si Dhimer naman ay sa Fine Arts. We are so excited sa negosyong balak naming itayo at ito na ang araw na simula ng pagsasakatuparan ng aming mga pangarap.
Pero may hindi alam ang mga kaibigan kong lalaki. Tatlo sa kanila ay mga crush ko and how I wish na isa sa kanila ay ligawan ako. If ever, sasagutin ko kaagad ang unang manliligaw. Sa apat na guys, kay Christian ako walang na-feel. Kasi, palagi akong inaaway noong mga bata kami at ilang beses akong ipinahiya sa mga classmates ko. Naku, mauubos ang pahina ng journal ko kapag isinulat kong lahat ang mga kabalbalan ni Christian. Well, I have to end this journal kasi tinatawag na ako ni Mama. Baka ma-late raw kami sa graduation rites at naghihintay na raw yung pitong friends ko sa ibaba.
Chariz (4-15-11)
******
"ANG tagal mo naman. Wala ka namang ipinagbago. Chaka ka pa rin," panunukso ni Christian kay Chariz.
'Ikaw talaga Christian, wala kang alam na buskahin kungdi si Chariz. Siguro may gusto ka sa kanya, ano?"
"Walang ganyanan, ha. Ang sakit na biro niyan," wika ni Christian na ikinasimangot ni Chariz.
"Ikaw talaga. Graduation day na nga tayo ay asal kuneho ka pa rin!" inis na wika ni Chariz.
"O, ang mga mukha. Baka magsipangit. Alalahanin ninyo, special moment ninyo ngayon. Kailangan ay happy tayong lahat."
"Eh, kasi Tita, 'yang anak ninyo, parang magkakasakit iyan kapag hindi niya ako natukso."
"Christian, umayos ka. Kahit araw ng graduation mo ay papaluin kita sa puwet kapag hindi ka tumigi ng panunukso kay Chariz.."
"Mama naman. Graduation day ko naman ngayon. Huwag mo naman akong papaluin."
"Dapat nga sa iyo ay paluhurin ka pa sa munggo," sabad ni Bernadeth
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In Love
RomanceKabilang sa walong magkakaibigan na bumuo ng isang pangarap sina Wilfred at Rowelyn at isa sa friendship rule nila, bawal ma-inlove sa isa't-isa. Bago pa man magkaroon ng friendship rule, may lihim ng pagtingin si Rowelyn kay Wilfred. Nang magtapo...