Ace Brandon Blackwell on the picture!
Sophie's Povs
I'm busy finishing my three layered Red velvet cake na ginagawa ko dito sa maluwag na kusina ng cakeshop ko ng dumating ang isa sa mga kaibigan kong si Hanz.
"Hi, sissy! Oh my, another yummy creation." Bati nito sa akin na agad pinansin ang gawa ko. I know right? Im a cakes and sweets queen. Named it and I'll make it for you.
"Anu na naman ang ginagawa mo dito?" Taray na tanong ko dito. Araw araw nalang nandito tong baklang to. Palibhasa kasi, sa aming magkakaibigan ito ang mayaman. Kaya Happy go lucky lang. Samantalang kami nina Menerva, Beatrice, at Lindsy ay mga middle class lang.
May ari lang ako ng nag-iisang cakeshop na minana ko pa sa mama ko na namatay na 2 years ago. Ang "Andrada's cakes and sweets". Wala na rin akong tatay. He died when I was five. By the way, Im Sophia Andrada, 25 years old ulila na. But I have my grand parents. Parents ng mom ko. Sila ang tumatayong magulang ko.
"I'm here, kasi hindi ka matawagan ng mga bruha. Nagyayayang nagdinner sa labas." Off kasi ang phone ko pag may ginagawa ako. Ayaw ko ng istorbo. Sina lola at lolo ko sa landline tumatawag pag may kailangan sa akin.
"Alas kwatro palang. Excited lang." Bara ko rito as I continue what I am doing.
Hanz rolled his eyes. "Syempre mamaya. Sinasabi lang, mamaya may lakad ka pala."
"Oo na. Sabihin mo sa kanila at lumabas ka na dun. Total wala ka namang ginagawa mag waiter ka dun sa labas." Uto ko rito. Aside kasi sa Cake shop ay coffee shop rin itong negosyo ko.
"Duh, hindi bagay sakin no. Sa office mo nalang ako. Babush!" Ang bruha. Ang arte arte. May opisina kasi ako sa second floor. Actually may tulugan din ako roon in case tinatamad na akong umuwi.
Agad kong tinapos ang ginagawa at umakyat na rin ako. Pagod na rin ako at ilang oras din akong nasa kusina. May mga bakers naman ako pero pag may mga special order ay ako mismo ang nag babake. I've been managing this cake shop simula ng gumraduate ako ng culinary arts 3 years ago. I'm a chef, but I prefers to bake.
7:00 pm na ng makarating sina Menerva, Beatrice, at Lindsy. Napag kasunduan naming kotse ko na ang dadalhin para kasya kaming apat. Ang lilit kasi ng mga sasakyan nila.
"Where we?" Tanong ko bago patakbuhin ang kotse ko.
"Blackwell's. Masarap dun." Si Beatrice na parang kinikilig. What's with that restaurant na pang mayaman?
"Ay oo nga. Balita ko nasa bansa na si Ace Brandon, at palagi siyang nandoon sa branch na yun. May gosh, baka makita natin siya.?" Si Hanz. Lalong kumunot ang noo ko. Sino ba yun?
"Oo nga, let's go, let's go!" Isa pa tong si Menerva.
"So Blackwell's tayo?" Ulit ko pa sa mga ito. Poker face lang ako at pagod ako. Matagal lang kaming di nagkita ng mga ito kaya pinagbigyan ko na. Busy din kasi sila sa mga kanya kanyang negosyo maliban kay Hanz.
"Yes, gurl! Baka nandon si Ace!" Dumagdag pa talaga si Lindsy.
Agad ko naman minaniubra ang sasakyan ko. "Psh. Sino bang poncio pilato yun? Akala ko ba kakain tayo? Eh mukhang iba naman ang pakay niyo?"