Chapter two

6 0 0
                                    

(Sophia On the Pic)

Sophie's povs.

Halos isang linggo na ang nagdaan matapos ang di ko makalimutang dinner namin ng mga kaibigan ko sa Blackwell's, at hanggang ngayon ay parang isang recorder na ang mukha ng Ace Brandon na yun na paulit ulit na nakaflash sa isip ko.

Pagkatapos ng gabing yun ay halos di ako nakatulog sa kakaisip sa lalaking yun. Gosh, anu ba ibig sabihin nun. Iisa lang ang lumalabas pag nagsesearch ako sa google kung bakit nagkakaganoon ang isang tao. Inlove daw pag ganun? What? Psh. Paanu naman. Ni hindi ko nga kilala ugali nun.

Senearch ko pa talaga ang background nun, grabe ang yaman pala. Siya lang naman ang may ari sa lahat ng Blackwell's business. Hotels, ospitals, restaurant, airline. Ang laki ng companya nito all over the world. Kaya pala sikat at pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihan? Bakit wala manlang akong kaalam alam dun? Sabagay fucos ako sa food. At isa pa hindi pa ako interesado sa mga boys.

At feeling ko ngayon isa na ako sa mga babaeng nagpapantasya sa lalaking yun and it's not healthy. Nakakainis. Asa pa ako no. Ang yaman kaya nun.

At ngayon nga nandito ako sa mall mag isa. Yes, mag isa. Actually, pag nagmamall ako either kasama sina lola at lolo o mga friends ko lalo si Hanz. Pero ngayon I prefer alone para walang magkantyaw sa akin pag bumili ako ng magazine ng Ace Brandon na yun. Urrggss.. see it's not god. Nagsosolo ako dahil sa kanya.

Im busy scanning some magazines na nakahilira sa isang stand para pumili kung alin sa mga iyon ang bibilhin ko. Iba iba kasi ang magazine brand, at puro siya ang naka feature. Bibilhin ko nalang kaya lahat.?

"Ba't ka magtitiis sa magazine, kung pwede ka namang sa personal?" Napatayo ako ng tuwid when someone speak at my back. Alam ko yung boses na to. Ito yung nagpapuyat sa akin ilang gabi na. Just to confirmed, nilingon ko ito only to know he's just inches from me. Gosh. Ang gwapo niya. Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi, shemay. Am I dreaming?

"Staring huh!" Napakurap ako at nag iwas ng tingin nang magsalita siya. Parang wala lang dito na magkalapit kami. Oh, baka sanay na itong may kalapit na babae?

"Im not. Asa ka. Tabi nga.!" Deny ko at bahagya siyang tinulak para makadaan ako. Feeling ko hindi ako makahinga lalo na sa kaba. But he emmediately grab my arms that gives me electric shock na dumaloy sa buong kalamnan ko.

"Not so fast, baby." Napanganga ako sa tinawag niya sakin. "I'm hungry, samahan mo akong kumain." Sabay hila nito sa kanya palabas.

"Oy, anu ba? Wait lang. Bat bigla ka nalang nanghihila. Di mo pa nga tinanong kung sasama ako o hindi eh." Dada ko pero parang wala siyang narinig. Hila hila parin niya ang kamay ko at holding hands pa kami ngayun na ikinapula ng pisngi ko. Lalo na at marami ang nakatingin sa amin. Hello, I'm with the owner of this mall. Yes, nasa Blackwell's mall ako.

"Hindi ko na kailangan tanungin. Alam ko namang sasama ka." He smirk at me. Gosh, that smirk.

Napabuga ako ng hangin." Hoy, lalaki, ang kapal mo ha. Hindi ako katulad ng ibang babae jan no."

"I know. That's why I like you.!" Ngumiti ito sa akin.

Anu daw? Nabingi ata ako. Anung yung sinabi niya?

"Anu sabi mo?" Tanong ko rito.

"Nah, nevermind!"

"Psh!" Ako.

Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant na hila hila parin ako. What's going on? Pumunta lang ako dito para sa magazine, at higit pa sa magazine ang napala ko. Pag nalaman to ng mga bruha, kakalbuhin ako ng mga yun.

I'M INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon